Kauuwi ko lamang galing sa ibang bansa,dahil isa akong OFW.Katulad ng normal kong buhay,wala parin akong asawa kahit 24-anyos na ako.Pagkababa ko sa airport,agad akong sinalubong ng aking nanay at ang aking kuya.Ang aking tatay naman ay isang 'ring OFW katulad ko,ngunit hindi kami sabay sa pag-uwi.Pagkauwi ko sa bahay,sakay ng taxi,agad akong naghanda ng hapunan.Nagkwentuhan kami ng aking ina at kuya.Sinabihan nila ako kung kelan raw ako mag-aasawa."Oh iho,kelan mo balak mag asawa,ilang taon nalang oh,mawawala ka na sa kalendaryo?" tanong ni nanay.Ang sabi ko naman"Naku nay,trabaho muna.Balak kong magnegosyo dito sa Pilipinas pagtapos ko magtrabaho sa ibang bansa.".Sagot naman ni nanay"Nako,may aabutan pa ba akong apo sa iyo? Sa tanda kong ito,baka kasisilang palang ng apo ko saiyo,wala na ako" pabirong sagot ni nanay.Matapos ang hapunang iyon,napaisip rin ako sa sinabi ni nanay.Hindi ko inaakalang tatagos ito sa isip at puso ko.Kaya kinabukasan,napagisipan kong gumala muna sa mall.Nagpaayos ako ng gupit ko,bumili ng damit at siyempre,kumain mag-isa sa labas.Ilang saglit lang lumipas,matapos kong kumain,may babaeng dumaan sa aking harap,medyo pamilyar siya,pero di ko nalang pinansin.Ngunit ilang saglit pa,ay nakasalubong ko nanaman siya.Hindi na ako nagdalawang isip pa na sundan siya ng tingin.Pagkakita ko sa kanya,ako ay biglang napangiti at natuwa.Tuwa na naramdaman ko lang noong nasa Highschool ako.Ang puso ko ay tumitibok nang sobrang bilis.Dahil nakita ko ulit ang babaeng tanging minahal ko noong nasa highschool ako,at siya si Tina.Pagkatapos ko siyang makita,umuwi muna ako sa bahay.Kinuha ko ang aking cellphone at saka ko siya in-add sa Facebook.In-accept niya naman.Nagkausap kami sa messenger,at dahan dahan kaming naging malapit sa isa't isa.Makalipas ang apat na buwan,nagulat ako sa sinabi niya.Nagyayaya siyang lumabas.Sa una,wala lang naman sakin eh.Madali lang naman pumayag,at talagang papayag ka kasi siya lang ang nagpatibok sa puso mo.Noong araw na ng pagkikita namin,naisip kong bilhan siya ng bulaklak bago kami magkita.Nang magkita na kami sa isang restaurant,kami ay kumain na.Nagkwentuhan kami,at buong magdamag,nakatitig lang ako sa kanya.Nagising ako sa pagkakatulog ng aking isip nang sabihin niyang may aaminin siya."May aaminin ako saiyo." Sabi ni Tina."Ano naman yun?" "May gusto ako saiyo".Sa puntong iyon,natulala ako.Gusto kong ibalik yung nararamdaman niya.Pero may pumipigil sa akin.Ito yung pagiging torpe ko.Kung noong highschool,sobrang mahiyain ako sa mga taong nagugustuhan ko.Ngayon,hindi na gaano.Gustong gusto kong ibalik sa kanya,kaso ang nasabi ko nalang ay "Salamat hahaha".Pagkatapos naming kumain,hinatid ko siya sa sakayan.Pagka-uwi na pagka-uwi ko,ang laki ng pagsisisi ko.Hindi ko nasabi yung gusto ko ring sabihin sa kanya.Hindi ko naibalik yung nararamdaman niya sakin kahit na parehas kami ng nararamadaman.Kinausap ko siya sa cellphone at hindi siya sumasagot.Nakailang tawag ako sa kanya,ngunit hindi niya parin sinasagot.Nang huling tawag ko na,saka niya lang sinagot.Malamig ang paguusap namin.Hindi na siya katulad ng dati na puro tawanan at puro masasaya lang.Humingi ako ng pasensya sa kanya.Ngunit hindi niya na ako sinagot at binabaan niya ako ng telepono.Kinabukasan,kwinento ko sa nanay ko ang nangyari.Masaya siya kasi may nakita na akong babaeng magpapasaya sa akin.Hanggang sa sinabi ko na ang problema.Humingi ako ng abiso sa kanya at ang tanging sinabi niya sa akin ay "Anak,wala kang mapapala kapag mahihiya ka.Sabihin mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman.Wala namang problema doon.Kasi parehas naman kayo ng nararamdaman.".Sinunod ko ang payo ng nanay ko.Kaya ang ginawa ko kinabukasan,nagbihis ako ng maayos at sinundo ko si Tina gamit ang sasakyan ko.Tinawagan ko muna siya na susunduin ko siya.Pumunta kami sa isang amusement park,at sumakay kami ng Ferris Wheel.Malamig parin ang pakikitungo niya sa akin.Pagkadating sa tuktok,takot na takot siya.Niyakap ko siya,at saka ko inamin ang nararamdaman ko sakanya."Tina,pasensya na sa sinabi ko noong nakaraang araw.Nahihiya lang talaga ako sabihin ang nararamdaman ko.Sana mapatawad mo ako." Sagot naman ni Tina,"Eh ano bang nararamdaman mo?" Ang sabi ko naman "Highschool palang,sana sinabi ko na saiyo.Gustong gusto kita.Hindi ko lang nabigyan ng pagkakataon ang sarili ko umamin,dahil sobrang mahiyain ako.".Natahimik lang si Tina.Pagbaba namin ng Ferris Wheel,saka niya ako inaya pumunta isang sinehan.Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood,napansin kong nakatitig lang siya sakin.Tinanong ko siya "Bat ka nakatitig sa aki-" Binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa labi.Bumilis ang tibok ng puso ko.Animo'y isang panaginip lang ang nangyayari.Sobrang saya ko.Pagkatapos niya akong halikan,naiyak ako.Naiyak ako sa sobrang tuwa.Tinanong niya ako "Bat ka umiiyak? Panget ba ako humalik?" Sabi ko naman "Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo.".Natapos ang palabas,at hinatid ko na siya,sakay ng sasakyan ko,pauwi.Habang nasa sasakyan kami,sinabi ko sa kanya na liligawan ko parin siya.Lumipas ang ilang buwan,sinagot niya na ako.Pinakilala ko narin siya sa kuya ko at sa nanay ko.Ganun rin naman siya,pinakilala niya ako sa magulang niya at sa mga kapatid niya.Lumipas ang ilang taon,at naging mag-asawa kami.Natupad ko narin ang hiling sa akin ni nanay na magkaroon ng anak,dahil mayroon na siyang dalawang nag-ga-gwapuhang apo.
YOU ARE READING
Mainit Na Kape.
RomansaLalamig ang kapeng mainit,'pag ikaw ay laging nahihiyang uminom.