Sabi nila masaya'ng maglakbay kasama ang mahal mo.. yung alam mo'ng makakakasama mo na sa habang buhay.. yung alam mo ng sya na.. sya na talaga.
Tapos parehas pa kayo ng hilig, ang maglakbay sa kahit ano'ng sulok ng mundo, yun nga yung goal nyo eh.
Libutin ang mundo ng magkahawak ng kamay.
My name is Zeylie Aya Randex,
Sa edad ko'ng 20 years old ngayon. Ganun din ang taon ko'ng naglalakbay sa mundo, dito ko rin nakilala ang mahal ko.. si Kalix Ian Teremosa o Kit kung paiiklin.
Sa bawat araw na ginawa ng diyos, siya ang kasa-kasama ko sa hirap man o ginhawa, mga magse-seven years na kami at stay strong pa rin, kakagraduate ko lang last year habang bakasyon pa nandito kami sa bundok at umaakyat na magkasamang dalawa.
Gwapo, matangkad, maputi lahat na nasa kaniya perfect package kumbaga, i'm so happy na nakilala ko siya. Lahat na yata ng bagay ay magkaparehas kami ng hilig.
"Sa wakas nakarating na rin tayo!" Sigaw ni Kit ng marating namin yung tuktok ng bundok. Napakalamig dito at napakataas. Napangiti ako. Mayroon na naman kami'ng nagawa na nasa list ng mga pupuntahan namin. Sobra'ng proud ako sa sarili ko also sa long time boyfriend ko.
"Tara magpahinga na muna tayo." Aniyaya ko sa kaniya, naupo kami sa lupa, kailangan lang naming magingat dahil anumang oras baka malaglag kami. "Gusto mo'ng kumain?" Tanong ko habang kinukuha ko yung mga laman ng bag ko, nagdala ako ng mga pagkain tubig kung sakaling magutom kami.
Baka kinabukasan pa kami uuwi magpapalipas kami dito ng gabi.
"Sige labs ano ba'ng meron diyan?"
"Mga junkfoods lang labs, oh kumain ka muna kailangan nating maghanap ng matutulugan ngayon." Inabot ko sa kaniya yung chipee, nilibot ko yung paningin ko bumababa na rin yung araw, kulay kahel na ang langit. "Labs, tignan mo oh, ang ganda ng sunset." Tinuro ko yung araw na pababa na.
Tinignan yun ni Kit, ngumiti siya at inakbayan ako sumandal naman ako sa bandang dibdib niya,
"Labs oo nga noh, tara magpicture tayo." Sabi niya sabay kuha nya sa cellphone niya, agad naman kaming tumalikod sa sunset at nagpicture. Kinuhanan niya rin yung sunset.
Nakahanap kami ng matutulugan isang kweba ito na nakita namin malapit lang sa bundok na to, nakapagsindi na rin kami ng bonfire, sanay na sanay sa ganito si Kit dahil lagi kami'ng naglilibot.
Kasalukuyan ako'ng nakahiga sa lap ni Kit, habang siya naman ay nakahiga sa bag niya.
"Labs?" Tawag niya sakin.
"Mmm?"
"Labs, saan naman tayo pupunta pagkatapos neto?"
Napaisip naman ako, oo nga naman saan kami neto pupunta?
"Ikaw bahala, basta kasama kita, kahit saan ka pumunta nandoon lang ako at kasama mo Labs." This time naupo na ako. Kahit madilim nakikita ko pa rin yung mukha niya'ng nakangiti, kinikilig siya ang kyot!
"Hahaha sige labs, matulog ka na. Babantayan kita." Sabi niya tsaka niya ko pinahiga sa laps niya.
"Okay labs, bantayan mo ko ah. I love you."
He smiled. "I love you too." And he kissed me in my lips. After that di ko na namalayan na nakatulog na ko, marahil sa pagod at sakit ng katawan.
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag, medyo masakit din ang batok ko, kaya dali dali ako'ng tumayo wala na si Kit dito at tanging bag niya nalang ang inuunanan ko.
YOU ARE READING
Road to Forever (One Shot Story)
AdventurePano kung yung forever mo ay yung Kamatayan niyo? Itutuloy mo pa ba yang forever na sinasabi mo? ~ Completed. Dec. 30 2018