Simula
Napakalakas ng ulan dito sa Davao. Pakiramdam ko malilipad na ako sa lakas ng hangin. Pilit kong iniisip na may dadaan na taxi. Wala akong dalang payong kaya't stranded ako dito sa Ecoland. Malapit nang mag alas dose ngunit wala pa rin akong nakikita na sasakyan. Napatalon ako nang nagring ang phone ko. Napabuntong-hininga ako, baka si daddy iyon. Ay, unknown number pala.
"Hello po? Sino po 'to?" nanginginig kong sabi. Kinakabahan na ako dito sa kinatatayuan ko, idagdag mo pa itong tumatawag.
"Hello po Ms. Del Fuente. Saan na po ba kayo?" nagtataka na ako kung bakit niya ba alam ang pangalan ko. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Ahh sorry po. Hindi po kita kilala. Wrong number ata kayo."
"Ayesha, wag na tayo mag maang-maangan. Alam ko alam mo sino to." Napaisip ako sa sinabi niya. Sino ka ba talaga... *PEEEP* *PEEEP*
"Diyos ko, palaka! Dahan-dahan naman po kayo manong." Muntik na akong masagaan ah. Nakamask ang driver ng taxi, para bang killer style, teka parang... "AHHHH!" tumakbo na ako ng mabilisan. Kung sino man iyon, alam kong may balak siyang masama. "Ay putek! Basang-basa ko na." Bad trip naman oh! Teka, may tumatawag ah. "Daddy? Ikaw na 'to?" Sana nga ay si daddy na 'to. Makahanap nga ng masisilungan.
"Sweety? Are you home yet?" Ay yes, si daddy nga!
"I'm not home dad. I'm here in Ecoland. Please dad, sunduin niyo po ako."
"Okay sweety, I'll be right there. Take care, okay?"
"Yes dad." Ligtas na rin ako. Ngayon ko lang nalaman na ang dami palang kababalaghan na nangyayari dito. Yung driver na killer at yung tumawag, ay teka. Matawagan nga. Bakit unattended?
"Sweety! Hurry, get in the car." Nagmamadali akong pumasok. Ano ba to, ang daming nangyayari. Just keep cool, Ayesha Mal Del Fuente.
Pagdating namin sa bahay ni daddy ay tumila na ang ulan. Pagdating namin sa harap ng gate ay sinalubong kami ni Yuri. Agad niyang binuksan ang gate. Tumingala ako sa itaas. Nakita kong sumisilip si Kuya Franco sa malaking salamin. Oo, mansion ang bahay namin.
"Bumaba ka na sweety, ipapark ko lang ito sa garage." Aniya ni daddy.
"Sige dad, tutal pagod naman ako." Sagot ko. Nakakapagod nga namang maghintay ng ilang oras upang makakita ng cab. Pagpasok ko ay nakita ko si Sport na talon ng talon. "Hey sport, how's your day in the salon?" Para na bang sasagot ang isang aso. Happy pill ko talaga itong asong 'to.
"Oh Yesha, have you eaten dinner yet?" Ani mom.
"No mom. Have you guys ate already?"
"Yeah except for your brother." Nagtataka ako kung bakit naman hindi pa kumakain si Kuya Franco.
"Why mom?" Hindi naman kami nag-away kanina ah.
"Maybe you should ask him. Anyways, tutulungan ko muna si Shin sa homeworks niya. Just call me if you need me."
"O-okay mom." Sembreak na sembreak, may homeworks? Grabe, nasa private school naman si Shin. Pumunta ako sa kusina upang makakuha ng inumin. Parang gusto kong magwal-wal. Ano ba iinumin ko? May vodka naman dito pero wala akong kasabay. Mug nalang, ano ba yan, naging KJ ako. Kumuha ako ng dalawang can of Mug Rootbeer. Nagmamadali akong pumunta sa third floor para ayayain si Kuya Franco na magbonding. "Kuya Franco? Pasok ako ha?" Walang sumagot, baka natutulog si kuya. "Kuya! Si Ate Jakirah nandito! Dali kuya!" Hindi ka ba talaga sasagot? "Franco Myths Del Fuente! Papasok ako kapag hindi mo 'to bubuksan!" Napupuno na ako ah! Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pintuan. "OMG! What the heck kuya?!"
_______________________________________Itutuloy...
YOU ARE READING
Those Days Were Gone
Teen FictionIt's idiomatic and used when wistfully describing something in the past. Gone are the days when children would play outside. Goneare the days when I could play football without worrying about my knee. 2, 3 and 4 sound odd to me, I wouldn't use them...