Chapter 1

63 25 22
                                    

Chapter 1

"Aisle ano ba kanina pa tayo dito sa library nagugutom na ako" reklamo ng aking kaibigan na si cream habang naka tingin sa akin

"Sandali nalang at pwede ba  hinaan mo yang boses mo baka palayasin tayo" tugon ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa lalaking kanina pa namin sinusundan

"My god Aisle mamaya na yan mas importante ang makakain ako kesa diya sa sinusundan mong lalaking ubod ng lamig kung makitungo at anong akala niya sa sarili niya yelo!" inis na sagot niya

"Grabe ka naman sa kanya tara na nga panira ka talaga" sabay tayo at hila sa kanya

Nakarating kami sa cafeteria and as usual sa dulo na naman kami umupo dahil break na ng lahat wala ng maupuan

"Finally gutom na gutom na ako" sabi niya sabay tayo para pumunta ng counter

Dahil siya si cream ang aking pg este laging gutom na kaibigan siya nalang ang pumupunta sa counter upang umorder ng pagkain

Lagi naman ganyan ang set up namin pupunta kami ng cafeteria at ako ang hahanap ng table, siya ang oorder ng pagkain

Alam niyo na halata nama sa pangalan niya na mahilig talaga siya sa pagkain kaya naman medyo chubby siya pero pretty naman siya kaya lang nagiging dragon talaga siya kapag gutom kaya malas ko lang kapag nagutom siya

Omg! Binabawi ko na maswerte pala ako ngayon and thanks to cream nagyaya na siya sa canteen may magandang dulot din pala ang pagka pg niya dahilllllll

My dear bangtan! why so lucky si crush papalapit dito sa table namin ay mali pala sa kabilang lamesa pala duon sa walang tao

Naman Aisle sige asa pa kaya mo yan, eto na naman ako mag assume tapos biglang lalagapak

Mag da drama na sana ako buti nalang dumating si cream na may dalang pagkain at sa wakas makakakain na din kame

"Haist ang tagal talaga ng mga nasa canteen kainis gutom na kaya ako" reklamo niya sabay baba ng dala niyang tray na may lamang pagkain

Aba aisle  nakatanga kana naman?"tanong ni cream ng nakaupo na siya

"ah kaya pala si yelo este zero pala" sabay turo kay zero na nasa kabilang lamesa lang

"Hoy gaga ibaba mo nga yang kamay mo sobrang halata ka talaga" sermon ko sa kanya

Sino ba naman ang hindi mabibigla kulang na lang lapitan niya si zero at sabihin sa harap niyang gusto ko siya

"Sus anong baka mahalata timang ka ba eh kung isigaw mo sa lahat ng tao dito sa school kung gaano mo kaguto yang si yelo eh wagas tapos sasabihin mo baka mahalata hahhahaha nagbibiro ka ba?" Sabi niya sabay lamon niya ng pagkain niya pg talaga

See sakin pa talaga siya nagalit samantalang sinasabi ko lang ang totoo and fyi or tamang sabihin ko na information for her pinagtatangol ko lang ang sarili ko

At hindi ko naman itinatangi lahat ng sinabi niya pero ayoko lang kasing isipin ni zero na masyado akong obvious at worse ay easy to get na bababe, dalagang pilipina kaya ako

"Pwede ba zero hindi yelo" pagtatama ko sa kanya

Lagi naman yang ganya, kainis siya ang supportive niya grabe kaya minsan sarap niyang iligaw yung hindi na siya makakabalik, pero joke lang yon sympre mahal ko parin yang baliw na yan kahit na madalas kaming mag away

"Tss wala akong pake sa pangalan niya, kumain ka na nga lang "tugon niya sabay irap

Sungit talaga niya, mahirap talaga siyang kontrahin kapag gutom dahil nagiging isa siyang mabangis na tigre

Kaya bago pa kami magka bugbugan dito sa canteen inaya ko na siyang umalis para pumasok na kami sa aming susunod na klase

At dahil dakilang tamad ang aking pinakamamahal na kaibigan pagpasok sa room natulog na lang siya sa desk niya

"Hoy babae pwede bang makinig ka naman kahit misan lang sa buhay mo" sabay kalabit sa kanya pero dahil siya si cream na  tamad hindi niya ako kinibo at nagtuloy tuloy lang sa pagtulog

Hay nako bakit ba binigyan niyo ako ng kaibigan na may sapak yata sa utak, pero sympre joke lang yon kahit na ganyan siya im still so thankful dahil isa siya sa mga taong nagiging sandalan ko kapag wala na talaga akong makapitan she is always with me no matter what happen at  kahit na madalas kaming nag-aaway

Isa lang ang masasabi ko sa samahan naming dalawa "magulo but still totoo"

"Mahuli ka sana ni prof" bulong ko sabay irap,

Nakita niyo na supportive ako kaya kahit matulog na lang siya sa buong klase okay lang basta wag lang sana siya makita ng teacher namen dahil siguradong sa detention ang bagsak niya

After ilang oras pumasok na si ma'am at nag start na ang klase pero habang nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang anghel este si zero my loves pala

At mukhang kagigising niya lang, but he's so gwapo pa ren

"Naku Aisle wag ka nga malandi" bulong ko sa sarili ko sabay mahinang sampal sa mukha ko, kung may makakakita siguro sa aken iisipin nila na nababaliw na ako

"Oh the great Zero DelaFuente is late again wala ka ba talagang balak pumasok ng maaga?" Sigaw ng aming teacher na lagi nalang niyang pinapasukan ng late

"Tss what ever" sabay alis at ubob niya sa upuan niya

Wala parin pagbabago four years ko nang kaklase si zero mula grade 8 hanggang ngayong grade 11 ako lagi nalang ganyan ang nangyayari kapag papasok siya

"Wala ka talagang modo bata ka malalaman ito ng parents mo!!" déjà vu lagi nalang ganayan ang set up papagalitan ni ma'am si zero pero parang wala lang sa kanya

Hindi ko lang alam kung bakit ganyan siya makitungo sa mga tao para bang ayaw niyang may napaplapit sa kanya at ang alam ko ayaw niya din daw ang pinagagalitan at dinidiktahan kaya mas lalo lang siyang lumalala dahil lagi siyang napapagalitan ng aming guro tuwing late at kapag hindi siya pumapasok

Hay! zero ano kaya ang problema mo sobrang hirap mong basahin at ang hirap makapasok sa buhay mo pero hinding hindi ako susuko dahil "i will do everything to see you smile", yan ang lagi Kong motto at alam ko malabong mangyare pero Hindi ako susuko i know that nothing is impossible at makakaya ko lahat pag nagpakatatag ako

"Zero DelaFuente maghintay ka at mapapangiti din kita "

______________

A/N:

So guys thank you for reading the first chapter enjoy❤

And please support my story and don't forget to vote share and comment

See yah sa susunod na kabanata!

His First And Last SmileWhere stories live. Discover now