SABI NILA, kapag hindi mo na alam kung saan ka pupunta, bumalik ka sa pinanggalingan mo. If you have a lot of questions along the way, all you have to do is trace your step back and you’ll find the answers. ‘Yan din ang paliwanag sa amin ng professor ko sa history nu’ng college. Hindi raw namin maiintindihan ang takbo ng politika kung hindi namin naiintindihan ang kasaysayan. Noong una, akala ko gawa-gawa niya lang ‘yon para i-justify ang importance ng subject niya. Pero dumating ako sa point na pinanghawakan ko ang sinabi ng professor ko na ‘yun.Ginawa ko kasi ‘yun. I went back to the past. Pero hindi para maghanap ng sagot, kundi para subukang gamutin ang broken heart ko.
Did I succeed? Oo. But I went through a long process of another heartache and disillusionment.Du’n ko din na-realize na marami pala akong tanong. Questions that I tried and suceeded to bury deep within me. Kaya naman nang balikan ko, ‘ayun. Parang sumabog. At ang pinakamatindi kong kalaban? Ang kawalan ng peace of mind.
“Miss nakapila ka ba?” tanong ng lalaki na nasa likod ko.
“Oo,” sagot ko. “Pero sige, mauna ka na.”
With the handkerchief in my hand, I wiped the sweat off my forehead. Hindi pa naman masyadong mahaba ang pila. Maaga pa naman kasi. Pero for sure, mamaya hahaba na ‘yan. Dadami na ang tao.
Dahil dito, sa lugar kung saan nagsimula ulit ang lahat sa akin, palaging marami ang tao. Mga taong naghahanap ng kasiyahan. ‘Yung enjoyment na kahit sandali lang, pero memorable naman. Pure happiness. Unadulterated bliss. And there were those who come here in an attempt to go back to that moment in their life that has been frozen in time and they could no longer touch. Their youth.
Pero wala sa mga nabanggit na ‘yun ang dahilan ko kung bakit ako pumunta dito. And like I said, ito yung lugar kung saan nagsimula ulit ang lahat sa akin. Ito ‘yung lugar kung saan, finally, after so many years, nakasama ko ulit ‘yung tao from my past na pinagarap ko sanang makasama for so many days, months, years, and maybe lifetimes in my future. Kaya ako bumalik dito ay dahil gusto ko siya ulit makasama. Gusto kong balikan ‘yung mga memories na binuo namin dito. Kahit hindi naman ganu’n karami. Kahit hindi naman ganu’n katagal. Kahit na unintentional.
And as my attention was drawn by the shriek of those who were up above me, everything came rushing back through my head.
BINABASA MO ANG
The Shape of My Heart
Romance***PUBLISHED BY LIFEBOOKS*** Naniwala si Natalie na first love ang naramdaman niya the moment na makilala niya si Lawrence nung college. Pero hindi natuloy ang unspoken but obvious na mutual feelings nila sa isa't isa nang bigla na lang siyang iwasa...