"HOW LONG will it take? Until it doesn't hurt to talk about him..."
Pabagsak kong isinara ang laptop ko at napalunok. Nangingilid na naman ang luha ko. Bakit pa kasi kailangang umalis ni Do Min Joon...
Sunod-sunod na malalim na paghinga ang ginawa ko, at hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na nakatingin sa kawalan. I felt so attacked. My Love From the Star is so on point.
May nakapagsabi sa akin na mas mabilis akong makaka-move on if I watch Kdrama. Feeling ko, tama siya. Number one, romantic comedy has always made me feel good. Number two, ang pogi ni Do Min Joon. Number three, the plot is superb. Hanggang sa makarating ako sa part na 'to ng series. Naalala ko na naman kung bakit at paano ako nagkaroon ng time na mag-binge watch ng Kdrama.
It was twenty-one days ago when Tyrone broke up with me.
Okay, it wasn't a perfect relationship. At alam ko naman na walang perfect. The relationship lasted for just eight months. It was special, though, because Tyrone was my first boyfriend. Pero kung ang mga kaibigan ko ang tatanungin, ayaw nila kay Tyrone for me. Sabi nila, parang may psychological problem daw si Tyrone. Mainitin ang ulo, seloso at mukhang manggagamit. Pero masaya akong kasama siya, so none of their words made it through my thick skull.
Pero 'ayun, he broke up with me. Unceremoniously. Ginamit niya ang isa sa pinaka-walang kwentang dahilan na pwedeng gamitin ng isang lalaki sa pakikipag-break. He said I deserve better. I thought it was a total bullshit. Paano niya nasabi na I deserve better eh siya nga ang gusto ko? Meron pa bang better kesa du'n sa bagay na gusto mo? Siguro meron, pero mas pipiliin mo pa rin 'yung gusto mo 'di ba?
The days after the break-up were a torture. Siyempre kailangan ko siyang makita sa opisina. Pareho kaming call center agents, at kahit magkaiba kami ng team, magkasama pa rin kami sa iisang account sa iisang company, and therefore, sa iisang operations floor. Lunes ng gabi, my first Tyrone-less shift, tulala akong kaharap ang mga kaibigan ko habang lunch time.
"Hay naku, Natalie! Walang mangyayari sa'yo kung patuloy kang magmumukmok diyan!" sabi ni Erin.
"Nat, he's clearly an asshole. Hindi ko nga alam in the first place kung bakit mo pa sinagot 'yung hayop na 'yun, eh," sabi naman ni Millie.
"At saka tingnan mo nga siyang manamit. Wala tayong issue sa mga bakla pero napaka-effeminate ng fashion sense niya, ghad!" gatong naman ni Bernice.
Millie, Erin, and Bernice were my friends ever since I started my career in this company. Sanggang-dikit kaming tatlo at kahit na ngayong mga candidates for promotion na kami, kaming tatlo pa rin ang magkakasama. When the breakup happened, hindi nila ako tinigilan sa mga ganitong patutsada nila kay Tyrone. Hanggang sa bandang huli, napikon ako.
Don't get me wrong. I know they meant well. Alam kong gusto lang nilang palubagin ang loob ko. They just wanted to make me feel somehow good. Pero sa ginagawa nila, halos isumpa ko na si Tyrone. Well, Tyrone did me a bad thing and he's clearly a glorified jerk, pero hindi naman siguro kailangang ipamukha sa akin ng mga kaibigan ko na ang tanga-tanga ko para pumatol sa tulad ni Tyrone.
The long nights passed, nakikita ko si Tyrone sa lobby, sa pantry, sa waiting area, sa workstation niya, at kung saan-saan pang parte ng opisina na parang walang nangyari. Na parang walang naging kami. Na parang hindi niya ako kilala. Ang sakit, kasi paano mo nga ba pakikitunguhan ang isang tao na stranger na ang turing sa'yo ngayon?
Hanggang sa pati ang trabaho ko, naapektuhan. I just never really thought it would hurt that much. Nandiyan na naka-hold sa kabilang linya ang customer ko nang mahigit tatlong minuto na dapat, thirty seconds lang. Iyong isa naman, hinanapan ako ng supervisor dahil sa hindi ko maibigay 'yung hinihingi, when in fact, nagkamali lang talaga ako ng tinitingnang account ng customer.
BINABASA MO ANG
The Shape of My Heart
Romance***PUBLISHED BY LIFEBOOKS*** Naniwala si Natalie na first love ang naramdaman niya the moment na makilala niya si Lawrence nung college. Pero hindi natuloy ang unspoken but obvious na mutual feelings nila sa isa't isa nang bigla na lang siyang iwasa...