My Childhood Sweetheart
×
“I heard, he’s here!” Beshie whispered without looking at me. Nasa simbahan kami at kararating niya lang. She’s late. Halos patapos na kaya ang homily ni Father.
“Who are you talking about?” Kahit may idea na ako kung sino ang tinutukoy niya ay nagmaang-maangan pa rin ako.
Her lips twitched. “June! Sino pa ba?” pagmamaldita nito. Napataas ang boses niya kaya nilingon kami ng isang matanda na nakaupo sa harap. Nagkunwari ako na hindi kami iyon at humarap na ulit ang matanda sa harap.
Mamaya lang talaga, majojombag ko ‘tong babaitang ito. Her news brought something to my senses.
Just by hearing his name, abot-abot na inis na ang nararamdaman ko. That guy! Mapalad siya at dinala siya ng mga magulang niya sa Maynila. Kung hindi ay nabugbog ko na ang lokong iyon. Siya lang naman ang naglagay ng napakalaking bato sa bag ko noong elementary pa kami.
Hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Nako! Nadedemonyo na ako kaagad kahit nasa loob pa ako ng simbahan. Hindi na ako magtataka kung any time ay uusok ako rito.
“Wala akong paki, okay? Now, look at the front and shut your big mouth!” pasimpleng banta ko rito dahil baka lingunin na naman kami ng matanda. Mahirap nang mapagalitan. Nakakahiya!
“Tss! Kfine!”
It’s been years. Maybe, he changed for good. Hopefully! Jusko naman. No one can handle his childish-like attitude. Ako lang lagi ang katapat niya pagdating sa ganyan. I’ll end up being the loser dahil maiiyak na lang ako sa sobrang inis sa kanya. I hate him very much when we were kids.
Dahil ninang niya ang mama ko at ninang ko rin ang mama niya, madalas na magkasama kami sa iisang lugar. Kapag naglalaro kaming magpipinsan o ang mga pinsan niya kasama ako, pagdidiskitahan niya ang mga bagay na nilalaro namin. Like kapag nagsi-slipper games, ibabato niya nang malayo ang mga tsinelas. Kapag naman Chinese garter ay eeksena siya at biglang gagalawin ang garter kaya nasi-step namin iyon. A typical bully.
He’s also the loudest. Minsan, sisigaw na lang siya nang wala namang dahilan. A total JERK.
Hahabulin ko siya nang hahabulin hanggang sa masabunutan ko siya. Buti na lang at hindi siya makatakbo nang maayos dahil sa katabaan nito. Tawa pa rin ito nang tawa kahit na halos mabunot ko na lahat ng buhok niya sa anit.
“Besh, balita ko, ang gwapo na ni June ngayon! Ay Besh, makalaglag panty! Iba yata talaga ang tubig doon. May klorayn. Magpapadala nga ako kay Ate kapag umuwi siya ulit rito sa probinsya natin,” sabi kaagad sa akin ng best friend ko bago pa man kami tuluyang makalabas ng simbahan kasama ang mga pamilya namin.
Fiesta kasi ngayon kaya marami talaga ang mga nagsisiuwian. Mamayang gabi ay may pa-disco sa pavement. Masaya ang mga ganoon pero ako, hindi ko iyon nai-enjoy. Hindi nga sana ako pupunta mamaya kaso nag-aaya talaga ang makulit kong BFF kaya sasamahan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Just For iKON
FanfictionExperience a love scenario between you and your bias through this one-shot stories. ××× >started and decided to write seven days before the #iKONinManila >will post in no particular order since depende sa feels ko ang paggawa ng one-shots. >credit...