P R O L O G U E

19 1 0
                                    

D(DS): P R O L O G U E

"Diamond come here" sabi ng napaka gandang babae mukhang siyang isang reyna dahil sa kamyang crystal na korona siya ang ina ni Diamond, lumapit sa kanya ang isang batang babae na may hawak na crystal rose... Siya na siguro si Diamond, pinakita ng magandang babae kay Diamond ang isang hardin na puno ng mga iba't ibang bulaklak na mga crystal sa likod ng palasyo.

"Did you like it, Diamond" sabi nung babae
"No Mom, I love it" sabi ni Diamond at yumakap dun sa babae....

◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Isa panaginip nanaman tungkol sa batang si Diamond...

Nagising ako sa sigaw ni Tita..

"Crystal, ano ba gumising ka na dyan at ipaghanda ako ng pagkain..." Sabi ni Tita Minerva.. Siya ang kumukop sakin nung namatay ung mga magulang ko sa sunog..

"Babangon na po Tita" sabi ko at bumangon na.. Inayos ko ang sarili ko at dumiretso sa kusina para ipaghanda ng pakain nila Tita...

Crystal Strife, 17 years old, tumigil na ako sa pagaaral, simula nung namatay ung mga magulang ko, may Diamond mark ako sa may bandang colar bone ko.. Sabi ni mama since birth daw iyon. Kinupkop ako ni Tita Minerve, akala ko magiging maayos ang buhay ko pag dating ko dito, pero nagkamali ko.. Kinupkop niya ako para gawin niyang alipin.. Malaimprerno ang buhay ko simula nung nandito ako.. Tinatrato nila akong hayop.. Minsan hindi ako kumakain... Ganyan ang buhay ko dito..

◇◇◇◇◇◇

Umakyat ako para tawagin sila tita...

"Tita! Nakahanda na po ang inyong pagkain sa kusina.." Sabi ko sa may pinto ng kanyang kwarto..

"Sige pupunta na kami, labhan mo na ung mga damit namin sa likod gusto ko na sobrang linis ito, naliwanag ba crystal?" Sabi niya

"Opo tita" sagot ko at dumiretso na sa likod bahay para maglaba...

Sa susunod na araw na pala ang kaing ika-18 kong kaarawan. Pero wala naman babati sa akin, dahil niisa sa kanila walang alam o siguro may ideya din sula na kaarawan ko na sa susunod na araw.

Pinagpatuloy ko ang paglalaba ko...

"Crystallll!" Tawag ni tita..

"Po??" Sagot ko ng makalapit na sa kanya..

"Tapos mo na ba ung nilalabhan mo ha!?" Tita Minerva

"Malapit na pong matapos tita" sagot ko

"Siguraduhin mong matatapos yan agad kung hindi malilintikan ka sakin.." Tita Minerva

"Opo tita" sabi ko.. At naglaba na ulit...

◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Mabilis din natapos ang paglalaba ko.. Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan nila Tita Minerva at ang kanyang anak na si Rolinda, magkasing edad kami.. Maarte siya at matapobre. Ayaw niya sa lahat ay ung madudumihan ung damit niya...

___________

Habang naghahanda ako ng hapunan.. Nakita ko si Tita Minerva at Rolinda na papunta dito sa kusina habang naguusap..

"Mama, malapit na ang kaarawan ng anak ni Queen Dianne na si Diamond... Mukhang may pagtitipon sa kanilang kastilyo sa susunod na araw.. Biruin mo un mama birthday din pala un ng hampaslupang nandito sa bahay.. Hahahahaha" maarteng sabi ni Rolinda..

Parehas kami ng kaarawan ni Diamond??

"Kung gayon ay ibitado tayo sa pagtitipon sa susunod na araw anak.." Tita Minerva

"Opo mama, at balita ko ay uuwi galing England si Prince Driemond, para ipag diwang ang kaarawan ng kayang yumaong kapatid" Rolinda

Yumao?? Ibig sabihin ba na patay na si Princess Diamond??
Pero bakit laging nasa panaginip ko si Diamond??

"Hoy! Hampaslupa.. Anong tinutunganga mo dyan ha?, dalian mo dyan at gutom na kami ni mama... At ayokong nakikita ka pag kumakain ako.. Nawawalan ako ng gana" maarteng sabi ni Rolinda.. Tumango lang ako at tinapos ang paghain ng hapunan nila.. Dumiretso ako sa aking silid..

Dito ako natutulog sa likod bahay.. Limang taon din akong nagtitiis na matulog dito pero mas okey nato kaysa sa doon sa lood.. Mukhang bodega ang aking silid pero okey lang.. Binuksan ko ang ilaw.. At inayos ang akin higaan... Pagkaayos ko.. Umupo ako at kumuha ng lumang libro sa ilalim ng unan ko at nagbasa.. Mahilig akong magbasa lalo na kung ako lang mag isa at walang ginagawa..

Mga ilang minuto din akong nagbasa ng mapagdisisyunan ko ng pumunta sa kusina.. Mukhang tapos na din silang kumain.. Nakaugalian ko na kasi na pagtapos ko gawin lahat ng gawain siyaka ako kakain ng hapunan..

Pag dating ko sa kusina wala na sila.. Inimis ko ang pinagkainan nila at hinugasan na ito.. Mabilis akong natapos sa gawain kaya kumain na ako... Pagkatapos hugasan ang pinagkainan ko.. Dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog.....

ZzzzzzzzzzzzzzzzzZ

Diamond Series #1: DIAMOND ( On-going )Where stories live. Discover now