Chapter 1: Her Power and Personality
***
Crystal POV.Bukas na ang aking kaarawan, sana ay nandito pa sila papa at mama para masaya..
Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga halaman sa hardin.. Matapos ko itong diligan dumiretso na ako sa loob para gawin ang mga gawaing bahay...
Nagtutupi ako ng mga damit sa salas.. Ng dumating si Tita Minerva.
"Crystal, dalian mo dyan at may ipapakuha ako sayo sa bayan.." Tita Minerva tumang ako bilang tugon at si tita ay pumunta sa kusina.
Mabilis ko din natapos ang pagtutupi.. Dumiretso aki sa kusina.
"Tita? Ano po ung ipapakuha nyo sakin sa bayan?" Tanong ko..
"Pumunta ka sa panahian na nakasulat dyan sa papel at kunin mo ung pinagawa kong gown para bukas" tita minerva. At may binigay na maliit na papel
"Opo" sagot ko kay tita
Dali-dali akong pumunta sa garahe para sumakay sa sasakyan at imaneho ito papunta sa bayan..
***
Pinark ko ang sasakyan sa tabi ng kalsada.. At binasa ang nakasulat sa papel..Lionhart Tailoring Shop
Saan nga ba un shop na un? Ahh alam ko na.. Malapit sa may Park.. Dali-dali kong binuhay ang sasakyan at pumunta sa shop na un...
Maya maya lang nakarating na ako sa shop.. Iginarahe ko sa mismong tapat ng shop ang sasakyan at pumasok na sa loob..
"Magandang Hapon Hija" bati sakin ng isang Babae medyo nasa late 40's siguro ang edad niya
"Magandang hapon din po, nandito po ako para kuhanin ang mga gown na pinatahi po nang aking Tita" magalang na sabi ko..
"Sino ba ang iyong Tita hija?" Tanong niya
"Si Tita Minerva po" sagot ko
"Si Madam Erva pala, sandali lang Hija. Kukunin ko lamang ang gown na pinagawa niya" sabi niya tumango ako bilang tugon..Umupo muna ako sa isang couch para maghintay.. Ilang minuto din ang nakalipas at bumalik na ung babae.. May dala siyang dalawang malaking kahon.. Un na siguro ang gown na pinagawa ni Tita..
"Ito na Hija ang mga gown" sabi niya at binigay saakin ang dalawang kahon..
"Maraming salamat po" sabi ko.. Tumango lang siya at bumalik sa kanyang ginagawa kanina..Lumabas na ako ng shop at inilagay ang dalawang kahon sa passenger seat.. Sumakay na ako sa sasakyan at umalis na...
Kasalukuyan paakyat ang aking sasakyan sa burol ng may muntik na akong masagasaan... Dali dali akong nag preno.... At lumabas ng sasakyan para tingnan kung sino ang muntik ko nang mabangga..
May nakita akong matandang babae na naka itim na bestida mukhang pulubi siya.. Dali dali ko siyang tinulungan para makatayo galing sa pagkakaupo..
"Naku! Lola, ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kay lola habang tinutulungan ko siyang tumayo..
"Ayos lamang ako Hija! Hindi mo naman ako nabangga na tuluyan" sagot ni lola
"Naku! Lola saan po ba kayo papunta? Ihahatid ko na po kayo!" Sabi ko
"Naku! Hija baka ako ay nakakaabala pa sa iyo, kaya ko naman maglakad" sabi ni lola
"Hindi po kayo nakakaabala lola, hali na po kayo sa sasakyan at ituro niyo na lang po sakin kung saan po kayo pupunta" sabi ko at inalalayan si lola pasakay ng passenger seat.. Matapos kong maisakay si lola sa passenger seat... Dali dali akong pumasok sa driver seat at nagmaneho..
"Hija? Sa gubat ako patungo" sabi ni lola
"Ganun po ba? Saan po banda sa gubat lola?" Tanong ko
"Alam mo ba Hija ung kweba sa likod ng talon? Doon ako nakatira" sabi ni lola... Masyado namang nakakatakot naman si lola... Pero siguro naman hindi nya ako kakainin ng buhay no...
"Alam ko po iyon" sabi koNadaanan na namin ang Mansyon ni Tita Minerva sa may burol, kasalukuyan kaming papasok sa gubat ni lola... May daan naman dito kaya alam kong hindi ako maliligaw... Kumaliwa ako at ilang minuto lang ang lumipas, huminto ako sa isang malaking puno.. Makitid na ang daan papunta sa talon ng Sta. Fe na tinutukoy ni lola.
Bumaba ako at inalalayan bumaba si lola sasakyan.. Pagkababa ni lola.. Sinara ko ng maigi ang sasakyan at naglakad kami sa makitid na daan papasok sa Talon ng Sta. Fe..
"Lola, dahan dahan po baka kayo po at matapilok" sabi ko
"Ayos lamang ako Hija!" Sagot ni lola...
"Sigurado po ba kayo Lola?" Tanong ko... Kasalukuyan kaming naakyat sa isang hagdan.. Papunta sa likod ng talon kung nasaan ang kweba...
"Oo naman Hija, halos araw araw akong umaakyat at bumababa dito para makahanap ng akin makakain sa araw araw" sagot ni lola.. Nakapasok na kami sa loob ng kweba.. May isang pintuan na naka sara ang binuksan ni lola..
"Hija!, halika pumasok ka muna" sabi ni lola..
Pumasok naman ako... At mamamangha ka sa mga makikita mo.. Para ka lang pumasok sa isang simpleng bahay... May sala si lola.. Meroon din siyang simpleng kusina na may hapagkainan at lutuan.. At meron din siyang kama na may banig at mga unan at kumot.."Lola? Kayo lang po ba ang nakatira dito?" Tanong ko..
"Oo hija! Ako lamang ang nakatira dito... Wag kang magalala walang paniki dito sa aking munting bahay... Makikita mo naman na may bubong ito..." Sagot ni lola..
"Hindi ko po inaakala na dito po kayo nakatira.." Sabi ko... Hindi mo kasi mapansin na itong kweba sa likod ng talon ng Sta. Fe ai isang bahay..
"Naku! Hija gumagabi na, kailangan mo nang umuwi sa inyo, maraming gumagalang mga hayop dito.." Sabi ni lola..
"Ganun po ba, sige po lola aalis na po ako, baka hinahanap na po ako ng akin tita, ingat po kayo dito Lola ha!" Sabi ko..
Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto.. Kumaway muna ako para magpaalam, bago ako tumalikod at maglakad pa alis. May sinabi pa si Lola..."Magiingat ka Diamond "
🔹🔹🔹🔹🔹
Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakanyan pauwi sa bahay.. Haiistt!! Lagot nanaman ako kat Tita Minerva neto..
Dali-dali kong iginarahe ang sasakyan at kinuha ang dalawang kahon ng gown.. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay ng makasalubong ko si Rolinda..
"Oh! Nandito kana pala hampaslupa, kanina pa naghihintay sayo si Mama, may pinapakuha lang sayo kung saan saan ka na pumunta" bulyaw niya sa akin..
"Pasensya na Miss Rolinda, may matanda kasi akong muntikan ng masagasaan" sabi ko..
"Wag ka nang magdahilan pa hampaslupa... Dalian mong pumunta sa silid ni mama, at pwede ba wag kang paharang harang sa dadaanan ko.. Bwiset na to!" Bulyaw niya ulit sa akin.. Hindi na ako sumagot at duniretso na sa silid ni Tita MinervaPag dating ko sa pinto ng silid ni Tita Minerva kumatok muna ako bago pumasok..
*Knock!! Knock!!! Knock!!
"Pasok!" Sabi ni Tita Minerva mula sa kanyang silid
Binuksan ko ang pinto..
"Tita, ito na po ung pinakuha nyo doon sa Tailoring shop" sabi ko
"Bakit ngayon ka lang?? Wala ka nang nagawang trabaho ngayong hapon dahil sa tagal mo.." Bulyaw sakin ni Tita
"Pasensya po Tita may muntikan na po kasi akong masagasa---"
"Hindi ko kailangan ng paliwanan mo kaya ilapag mo na yan dyan sa kama ko at lumabas ka na.. Bwiset!!!" Putol no Tita sa sasabihin ko..
YOU ARE READING
Diamond Series #1: DIAMOND ( On-going )
Fantasy"You can't easy to break a Queen that have a pure crystal heart" Mark that on your mind