Chapter 65(SuYeon)

486 19 3
                                    

Nayeon's POVs

Kasalukuyan kaming narito sa condo nina Jimin at Dahyun. Bumisita kami ni Suga sa twins nila na sina Lunna and Luhan. Yes,anak nila dahil nanganak na si Dahyun 7 months na ang nakalipas. Babae at lalaki ang kambal nila kaya nakakatuwa talaga. Sayang at hindi nila naabutan si Tzuyu.

Karga-karga ko si Luhan at si Lunna naman kay Suga.

"Ang cute-cute talaga ng baby ko."

Nanggigigil na saad ni Suga kay baby Lunna.

Parehas naming nilalaro ang mga bata habang sina Jimin at Dahyun naman ay nakatingin lang samin.

"Tignan mo Bunny oh ang cute-cute ni Lunna. Nagmana talaga siya sa'kin."

Saad ni Suga.

"Look Suga,ang gwapo ni Luhan. Parang ako lang,maganda. Yiiee..nagmana ka sa'kin,maganda ang lahi."

Super cute talaga ng baby nila grabbeeee parang gusto ko na rin tuloy magkababy.

"Baka nakakalimutan niyong anak namin 'yan?"

Parehas kaming napatingin kay Jimin na nakataas ang kilay sa'min.

"Wala naman kaming sinasabing amin 'to ah?"-Suga

"Makapagsabi kayo ng mana sa inyo ang mga bata parang kayo ang gumawa ah."

Pareho kaming natawa ni Dahyun sa sinabi ni Jimin.

"Joke lang naman eh. Ito naman seryoso masyado."

"Pero ang cute kasi nila talaga eh."

Kumento ko naman.

"Pwedeng hiramin muna namin yung isa Jimin?"

Napatingin ako kay Suga. Agad namang lumapit sa kaniya si Jimin at inagaw ang bata sa kaniya.

"Ano?! Anong pwedeng hiramin? Hyung,hindi 'to laruan para hiramin niyo! Buong gabi naming pinaghirapang gawin 'to ni Dahyun kaya hindi niyo 'to pwedeng hiramin sa'min! Laway,dugo't pawis namin 'to ni Dahyun."

Binatukan naman siya ni Dahyun. Oo nga naman,pinaghirapan nila iyon ni Dahyun buong gabi haha.

"Kalma lang Jimin ano ka ba?! Nagbibiro lang si Suga."-Dahyun

"Hindi mahal kasi palaging seryoso 'yan si Suga eh. Alam niyo bakit hindi nalang kayo gumawa ng bata para hindi kayo nanghihiram?"

Nagkatinginan  naman kami ni Suga sa sinabi ni Jimin. Kami? Gagawa ng bata?

Actually nasubukan na namin 'yon haha.

"Actually Jimin,kung paggawa lang ng bata yung sa'yo,kayang-kaya namin 'yon. Nasubukan na nga namin 'yon eh, ewan ko lang kung buntis na ba 'tong Bunny ko at h-"

Tinakpan ko ang bibig ni Suga.Masyadong madaldal.

"Na-try niyo na?!"

Gulat na tanong ni Jimin at Dahyun

"Hindi ano-"

"Nagawa na namin 'yon syempre."

Seryosong saad ni Suga.
Hindi ba siya marunong mahiya? Jusko!

"Suga ano ba?!"

"Huwag ka nang mahiya Nayeon. Normal lang 'yan."-Dahyun

"Oo nga. Normal lang 'yan sa couples. Kami nga ni Dahyun hindi pa nagiging kami,nagawa na namin A-aray!!"

(BangTwice) We're Home with the Seven Badboys![COMPLETED]Where stories live. Discover now