Chapter 43 ( Pain )

790 35 58
                                    

Mark's POVs

Naglalakad ako sa hallway kung saan nakita ko si Dahyun na naglalakad. Hinanap ko siya pero 'di ko siya makita.
Hanggang sa may nakita akong mga babaeng nagtutumpukan sa labas ng CR at 'di sila magkanda-ugaga.

"Tumawag kayo ng guard! Naku kawawa naman itong batang ito!"

Rinig kong sigaw nung babaeng matanda.
Lumapit agad ako para makita kung anong meron dun.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita ko.

No way........

D-Dahyun?

"Excuse po! Kilala ko ang babaeng yan!"-ako

"Kaano-ano mo ba siya hijo?"

'Di ko alam kung anong isasagot dun sa babae.

Friend? Cousin?Classmate?Grandfather? Oh of course not Mark! You're too young and handsome for that!
Ahhuh!

"A-ah.....b-boyfriend niya po ako. Actually kanina ko pa po siya hinahanap kasi wala na siya nung gumising ako kanina."

"Ayy ganuna ba? Oh sige buhatin mo na hijo mukhang nawalan ng malay ang girlfriend mo. Naku! Buntis ata siya hijo! "

'Di na ako sumagot at binuhat nalang kaagad si Dahyun. Dinala ko siya sa condo ko at nagpatawag nalang ako ng doctor. Mahirap na kung pumunta pa kami ng hospital.

Hayyy Dahyun,ano bang nangyayari sayo? Mukhang umiyak ka pa 'ata. Kung ako nalang sana ang pinili mo edi sana wala ka sa sitwasyong 'yan ngayon....ako nalang Dahyun....ako nalang...
Kaya kitang alagaan pati na ang anak mo. Mamahalin ko siya na para bang akin....

Mga ilang saglit lang dumating na ang Doctor na pinatawag ko.
Kung ano-anong ka-ekekan ang ginawa niya tsaka lumapit sakin.

"Hijo,ayos naman ang girlfriend mo pati ang baby. Na-stress lang siya kaya siya nawalan ng malay. Sana sa susunod,'wag mo na siyang hahayaan na ma-stress pa dahil lubha itong makakasama sa kalusugan niya lalong-lalo na sa bata. Ito ang gamot,painumin mo siya kapag nakaramdam siya ng pagkahilo. Dumalaw din kayo sa akin sa susunod na linggo para mabantayan ko ang kalusugan niya ok?"

(BangTwice) We're Home with the Seven Badboys![COMPLETED]Where stories live. Discover now