Lihim na nasasaktan

11 8 0
                                    

Ang sakit pala
Na marinig mula sayo
Mga salitang kinamumuhian ko
Mga salitang sumira ng aking kasiyahan

Alam ko naman eh!
Simula pa lang
Mahal kita pero may Mahal kang iba
Pero ako itong si Tanga
Patuloy na umasa

Alam kong umasa lang ako
Para sa pagmamahal
Na kahit kailan
Hindi mo kayang ibigay

Ilang taon kong itinago
Nararamdam ko sayo
Kuntento na nasa tabi mo
Bilang kaibigan mo

Pero nang malaman ko
Na makita ko, Na marinig ko
Mga salitang unti-unting
Pumuputol sa pag-asang magkakaron ng tayo

"May nararamdaman ka ba sa best friend mo?"
Biglang tanong ng iyong barkada
Ako'y dagling nagkubli upang marinig ang iyong sagot
Umasa na sana meron
Na sana masuklian mo ang aking lihim na nararamdaman
Ngunit gumuhok ang aking mundo
Nang iyong sabihin isang malakas na "Wala"

Kailangan ko na bang tumigil
Tumigil na umasa
Dahil ngayo'y alam kong ako'y talo na
Alam kong wala akong karapatan
Karapatan na masaktan
Dahil simula pa nung una
Wala kang alam
Sa lihim kong nararamdaman

Kailanma'y di kita sisihin
Dahil hindi mo naman kasalanan
Na ako'y mahulog sayo
Pero sana
Sana magkaron ka ng pakiramdam
Sa mga taong nasa tabi mo
Dahil hindi mo alam
Na mayroong nasasaktan
Dahil sayo

Yours TrulyWhere stories live. Discover now