Chapter 1

62 1 0
                                    

Hello everyone! I dont know if anyone will ever read this story. But if ever na may magkamali at mabasa to, thank you! haha. This is the first story that i have ever published. I'm not a professional writer and naisulat ko ito dahil i got inspired. May mga pinagdadaanan lang si ate. haha. I hope you'll like it and please do message me if you have any comments. Thank u and happy reading! lovelots. <3

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Reina? Reina!"

Napalingon si Reina nang may marinig na tumawag sa pangalan nya. Nasa mall sya ng oras na yun dahil inip na inip na sya sa bahay.

Ilang ulet nya pa narinig na may tumawag sa pangalan nya at nang makita nya kung sino yun, natilihan na lang sya.

Hindi sya makapagsalita. Hindi makagalaw. Hindi nya alam ang gagawen.

Anong gagawen ko? Tatalikod ba ako at magkukunwari na walang nakita? Babatiin ko din ba sya?  

Bago pa makapagdesisyon si Reina ay nakalapit na sa kanya si Jason.

"J-jason." Ang tanging nasabi nya.

Ngumiti ito at wala siyang nagawa kundi tumitig na lang dito.

Dalawang taon.

Dalawang taon na ang nakalipas matapos nilang maghiwalay.

Naging napakasakit para sa kanya ng paghihiwalay nilang dalawa ni Jason.

Hindi na mabilang kung ilang araw o linggo siyang umiyak. Lagi syang walang gana kumain. Sa bawat lugar ay wala na din siya ibang maisip kung hindi si Jason at ang mga nangyari sa kanila dati. 

Ito ang una nyang boyfriend at akala nya ay sila na nga hanggang sa huli.

Pero nagkamali sya.

It all started great. Naging napakasaya nila sa piling ng isa't isa. Iyon ay kahit na lagi nila kailangang magtago dahil hindi sila legal sa pamilya ni Reina. At kahit na madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Madalas ay tinutukso pa nga si Reina ng kanyang nakababatang kapatid na "Somewhere down the road" daw dapat ang theme song nilang dalawa base na rin sa lyrics ng kanta na "we had the right love at wrong time" dahil daw sa dami ng mga nangyayari na hindi pabor sa kanilang relasyon.

Noong una ay tinatawanan nya lang yung biro na iyon ng kapatid nya pero ng tumagal ay nagiging masakit na iyon para sa kanya.

Padalas na kasi ng padalas ang pag-aaway nila ni Jason. Madami ng nagbago. Dumating sa punto na tingin ni Reina ay mas mahaba pa ang oras ng mga away nila at pagkakasakitan kesa sa masaya sila.

"Kumusta?" sabi ni Jason at doon biglang natauhan si Reina.

"A-ayos lang. Ikaw?" sagot niya.

"Ayos lang din naman. Mukhang hindi maganda ang mood mo ha?" puna nito.

Nahiya naman sya.

Kung saan saan na kasi nakarating ang isip nya. Pati ang mga bagay na hindi nya na gustong maalala ay naalala nya pa ng di oras.

Ngumiti sya ng pilit.

"Hindi naman. M-may naalala lang. May kailangan kasi ako puntahan."

Nag-iwas sya ng tingin kay Jason dahil ang totoo ay wala naman sya kailangang puntahan.

Gusto nya lang talaga umiwas kay Jason dahil hindi niya alam ang magiging reaksyon sa biglaan nilang muling pagkikita.

Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Jason matapos ang napakasakit na break-up nila.

Napakamot naman ito sa ulo at ngumiti na lang din.

"Ganun ba? Pasensya na. Sige ingat ka na lang ha. It was nice to see you again. Really nice."

Ngumiti ito ulet at nabigla sya nang yakapin sya nito bago tuluyang umalis.

Katulad ng epekto ng biglaan nilang pagkikita, naiwan na naman na nakatulala si Reina.

"Bakit ba kasi may paarte arte pa ako'ng nalalaman eh. Ano naman kung nainip ako sa bahay? Kung hindi ako umalis, wala sana ako ganitong nararamdaman." Sabi nya sa sarili habang nakahiga sa kama nya.

Tumayo siya para i-on ang radyo. Napapalatak na lang sya nang marinig ang tumutugtog na kanta sa radyo. Ang "theme song" nila ni Jason ayon sa kanyang kapatid.

We had the right love at the wrong time.

'guess I always knew inside, I wouldn't have you for a long time..

"Tadhana, are you like, kidding me?" pag-iinarte na naman nya. Umupo sya sa gilid ng kama at tumulala.

Sometimes good-byes are not forever.

It doesn't matter if you're gone, I still believe in us together.

"Ano ba naman yan!" Hindi na sya nakatiis. Tumayo siya at pumunta sa sala. Narinig nya kasi ang pagbukas ng gate at mukhang dumating na si Christel, ang nakababata niyang kapatid.Pagpasok na pagpasok pa lang nito sa pinto ay napasimangot na naman si Reina.

"But somewhere down the road, our roads are gonna cross again. It doesn't really matter when. But somewhere down the road, I know that heart of yours will come to see, that you belong with me." Pakanta kanta si Christel habang palapit sa kanya. Humalik ito sa pisngi nya.

"Ate naman kakarating ko lang nakabusangot ka agad. Hindi ka ba natutuwa na nakauwi ako ng buhay? Ano ba ang problema mo?" sabi nito.

Lalo nya itong sinimangutan. 

"Che! Ampanget ng kanta mo!" singhal nya dito bago nagwalk-out pabalik na naman sa kwarto nya. Dire-diretso sya sa kama pagkatapos ay nagtatalon.

"Ano ba ang nangyayare? Magugunaw na ba ang mundo? Saan ba ako makakahanap ng katahimikan?"

Nang mapagod sya sa pagtatalon ay humiga na lamang sya sa kama at nag - isip - isip.

Right love, at the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon