Chapter 2

74 0 4
                                    

Hayun. This is the 2nd chapter of my story. Pasensya ng kung sabaw. >.< ang totoo kasi po wala ako sinusunod na outline or anything about dito sa kwento ko. Basta sinusulat ko lang kung ano ang pumasok sa utak ko. But still, I hope u'll like it kasi pinaghihirapan ko pa din naman to. Feel free to send me messages, comments, reactions, suggestions, o kahit na ano about may story. maaappreciate ko pa lahat ng yun. SALAMAT!

HAPPY READING FOLKS! \m/

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi magkandaugaga si Reina sa pag-iwas sa bawat tao na nakakasalubong niya. Hingal na hingal na sya sa kakatakbo para lang makaabot sa oras ng kanyang klase. Tinanghali kasi sya ng gising dahil napuyat sya sa kakaisip sa di inaasahang muling pagkikita nila ni Jason.

"Bakit ba kasi inisip isip ko pa yung lalake na yun eh! Simula nang magkita kami ulet puro na lang gulo ang napala ko." Todo maktol si Reina habang todo takbo din.

Narinig niya na ang unang bell. Napapalatak sya. Ibig sabihin ay 5 minuto na lang ang natitira bago ang oras mismo ng klase nya.

"Kaunti na lang! I shall survive!" lalo pang binilisan ni Reina ang pagtakbo. Maswerte naman sya dahil saktong sakto ang pagdating nya. Nauna lang kasi siya ng halos 2 minuto sa kanyang prof. Ilang sandali lang ay nag-umpisa na ang isa na namang laban, este, araw niya bilang isang estudyante.

Nang matapos ang klase ay dali-daling lumapit si Gerra, ang bestfriend niya, kay Reina. "Hoy girl, ano ba ang problema mo ha? Kanina ka pa tulala. Alam mo ba tinitignan ka nga ni Mam eh. Akala ko sisitahin ka. Buti na lang hindi, Naku! Tapos ilang buntong hininga na ba ang ginawa mo simula nang umupo ka dyan? Lalo napopollute ang hangin dahil sayo eh."

Hindi nya pinansin si Gerra. Sulat pa din sya ng sulat sa notes niya at mukhang napansin na naman yun ng bestfriend nya.

"Ay ano ba ako dito? Hangin? Deadma talaga? Ano ba yang sinusulat mo ha? Patingin nga!" sabi nito sabay hablot. Sa sobrang gulat ni Reina ay madaling nakuha ni Gerra ang notes nya.

Sa totoo lang kasi ay tama si Gerra. Natapos ang buong klase nila ng walang natututunan si Reina. Masyado kasi abala ang utak nya sa pag - iisip ng mga bagay na hindi niya naman dapat isipin pa.

"Best naman! Kanina ka pa litanya ng litanya dito pero hindi na nga ako nagreklamo. Tapos ngayon bigla ka pa mangunguha ng gamit. Akin na yan!" pagmamaktol ni Reina habang pilit na kinukuha yung notes nya.

"Jason?" sabi ni Gerra nang makita ang mga nakasulat sa notes nya. "OA naman teh. Gaano ba karaming Jason ang kilala mo at napuno na 'tong notebook mo ng pangalan nila?" sabi nito sabay tawa.

"Teka. Fafaru mo? Parang pamilyar ang pangalan?" huminto ito bago tila nag-isip.

"OH MY GAWD! JASON? AS IN JASON? RED JASON VARGAS?" mukhang gulat na gulat ito nang marealize kund sino ang Jason na tinutukoy nya. Kilala kasi nito si Jason. Naikwento nya noong nagtransfer sya ng school noong 3rd year college na sya.

"Anong kalokohan to? Akala ko ba over ka na dun? Mayroon ba akong dapat malaman?" pag-uusisa nito agad. Napakakulit talaga nito. Pero dahil mukhang napansin nito ang mood nya ay nagpormal din naman agad ito. Alam kasi ni Gerra ang mga pinagdaanan niya noong nagbreak sila ni Jason.

Bumuntong hininga siya bago sinimulang ikwento ang lahat ng nangyari kahapon. Simula sa muling pagkikita nila ni Jason, ang pagyakap nito sa kanya, at ang tila ba panunukso sa kanya ng tadhana na pagpapaalala ng mga bagay na connected sa kanila.

Itinuloy nilang dalawa ang pagkikwentuhan habang naglalakad sila. Hindi alam ni Reina kung matatawa ba o maaasar sa bestfriend nya dahil kung sino-sinong tao ang napapalingon sa kanila. Ang OA kasi nito magreact sa kwento niya.

Pero sino ba naman ang hindi magugulat sa mga nangyare?

Ang totoo nga, sya ay hindi lang basta nagugulat. Nababadtrip pa sya dahil kung anu-ano pa ang naidudulot ng muli nilang pagkikita. At lahat yun, hindi maganda.

Huminto na sila sa pagkikwentuhan ni Gerra. Narating na kasi nila ang sakayan ng jeep pauwi sa kanila.

"Oh panu ba yan best. Basta chill ka lang ok? Nagkita lang kayo kahapon. Hindi naman ibig sabihin nun na you'll have to deal with him again from now on di ba? Wag mo na masyado problemahin. Basta kung gusto mo magchika chika, alam mo naman kung paano ako mahahagilap."

Tinapik tapik nito ang balikat niya. Nginisihan nya ito bago nagsalita.

"Infairness naman best, kahit seryoso ka na, hindi mo pa din talaga mapigil maglitanya no? Haha. Pero salamat ha. The best ka talaga. Sige na. Ingat sila sa tin!"

Sumakay na si Reina sa jeep. At gulat na gulat na naman sya. Kumurap kurap pa para makumpirma ang nakita. Para kasing may nakita siya na kakilalang naglalakad papunta sa school nila. Hindi lang siya sigurado kung tama ang nakita nya o namalikmata lang sya.

"I'm in trouble."

***

Pakiramdam ni Reina, ilang sandali na lang ay mawawalan na sya ng ulirat. Or maybe, that was what she hoped so. Lakad sya ng lakad. Galing sa isang bahagi ng kwarto nya, papunta sa kabila, at pabalik ulet. Hindi sya matahimik. Para kasing nakita nya si Jason na naglalakad papunta sa campus nila kasama ng iba pang estudyante.

"Pero bakit naman mapupunta dun si Jason? Wala namang rason para pumunta sya dun." pagpilit ni Reina na ikalma ang sarili.

Sa wakas ay parang nakaramdam ng pagod si Reina sa paglalakad paroo't parito sa kwarto nya, nahinto sya sa harap ng salamin.

"Eh teka Reina. Ano ba ang problema mo ha? Mayroon ka ba dapat problemahin?" parang baliw na pagkausap nya sa sarili.

"Si Jas-- wait. Bakit ko naman sya poproblemahin? Nagkita lang naman kami ulet after our break-up 2 years ago. No biggy." bumuntong-hininga si Reina. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na hindi na sya dapat maapektuhan ng presence ni Jason. After all, matagal na din naman sila naghiwalay.

"Siguro nagulat lang ako. Hindi ko naman naisip na magkikita pa kame after ko lumipat ng school. Yes. Yun nga lang yun."

"Pero hindi naman malabo ang mata ko. Parang... Parang sya talaga yun." darn! Gulong - gulo na sya sa tinatakbo ng isip nya.

"Nakamove-on ka na Reina." Hindi napigilan ni Reina na mapabuntong - hininga ulet.

"Nakamove - on na ako." Kung nagsasabi sya ng totoo, o gusto nya lang paniwalain ang sarili nya, who knows?

Pero isa lang ang sigurado sya.

If she won't stop herself from thinking of Jason and their past, she better prepare herself for some big, or maybe heartbreaking, trouble.

Right love, at the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon