Chapter 3

45 0 0
                                    

Kaway-kaway sa mga readers! Here's the 3rd chapter of my story. Medyo mas mahaba to kesa sa mga naunang chaps (ata. Haha) kasi... Ewan ko. Haha. Just enjoy reading it ok? Leave some comments after. Love love love! <3

-------------------------------------------------------------

"Good morning class." bati ng prof nila Reina.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamalikmata si Reina at makita nya si Jason sa campus nila kaya naman kampante na sya ngayon na namalikmata nga lang sya dahil sa loob ng mga nakaraang araw ay hindi nya naman nakita kahit na anino nito.

Nag-umpisa na ang discussion. Maya-maya pa ay nagkanya-kanya na silang hanap ng mga kagrupo para sa reporting na ipinagawa ng kanilang prof.

Tinawag ni Reina si Gerra at lumipat na nga ito sa tabi nya. "Tayo na naman? Mygawd. Talaga ata hindi na ako magkakaron ng pagkakataon na makahanap ng fafaru." biro nito.

"Arte! Haha. Hindi pa ba ako sapat sayo?" ganting biro nya.

"Hindi talaga!" sagot nito. Napasimangot naman si Reina na parang nagtatampo. "Dahil tatlong members daw kada grupo." dugtong ni Gerra. Naghigh five sila at sabay na nagtawanan. Masyado silang abala sa pagchi-chismisan at ni hindi nila napansin na may ipinapakilala pala ang prof nila.

"Miss Rosales!" tawag ng prof nila kay Reina na ikinagulat nya. "Mukhang ang saya nyo ni Miss Fortu. Bakit hindi nyo ishare ang happiness nyo kay Mr. Vargas? Tutal mukhang kulang pa kayo ng isang member."

Nilingon ni Reina ang tinutukoy ng prof nila. Pakiramdam ni Reina ay naestatwa sya bigla.

"His name is Red Jason Vargas. Explain the reporting ok?" dagdag ng prof nila. Madame pa itong sinabing instructions na hindi na narinig ni Reina.

"Yes. He is indeed Red Jason Vargas." sabi ni Reina sa isip nya habang nakatingin dito.

Their eyes met. Medyo nanlalake pa ang mata ni Reina sa gulat.

She was staring right into those hypnotic brown eyes of him. The same eyes that she used to stare at two years ago. The same eyes that drove her insane and made her forgot everything else around them.

Wala pa din pinagbago ang epekto nito sa kanya. Pakiramdam nya, libo-libong paru-paro ang nagliliparan sa tyan nya. At habang naglalakad ito papalapit, ay may libo-libo ding kabayo ang nagkakarera sa dibdib nya.

"Reina." sabi nito. Hindi sya makasagot. Nakakatulala kasi makita ang bawat pagkibot ng labi nito habang sinasabi ang pangalan nya.

"Oy teh! Ano ka ba? Nakakahiya ka na ah!" sabi ni Gerra habang niyuyugyog pa ang balikat nya. Yun ang nagsilbing cue para bumalik sya sa mundong ibabaw.

"H-ha? May sinabi ka?" nag-iwas sya ng tingin kay Jason at pinilit magfocus sa pag-uusap nila ni Gerra.

"Sabi ko game na. Pwede na tayo mag-umpisa kasi kumpleto na tayo."

"H-ha? Ah. Oo sige. Magdiscuss na kayo. CR lang ako muna." sabi nya sabay dali-daling lumabas.

Nagkandatapilok-tapilok pa si Reina dahil sa pagmamadali. Nang makarating sa banyo ay humarap sya sa salamin. Medyo namumula pa ang pisngi nya dahil sa pagkapahiya sa iniasal nya.

"Oh. My. God. I made a fool of myself! Nakakahiya ako!" paulet-ulet na sabi nya habang sinasabunutan ang sarili.

"Ano na lang ang iisipin ng mga nakakita sakin? Ni Jason? Oh my God talaga! Nakakahiya! Baka isipin nya may gusto pa ako sa kanya."

Gusto? Now where did that come from?

"N-no! Walang connect. Cannot be." sabi nya at tumawa na parang adik lang.

"Move-on na nga di ba? Ano ka ba Reina? Ang tagal tagal na nun. Umayos ka nga."

Huminga sya ng malalim at inayos ang buhok at uniform nya. Naglakad na sya pabalik sa room.

Nang nasa may pinto na sya ay huminto sya ulit para huminga ng malalim.

"Kaya ko to!" nakataas ang noo na naglakad sya pabalik sa upuan nya.

"OA naman makapagCR teh?" sabi ni Gerra. Nginisihan nya lang ito.

"Si mam?" tanong ni Reina.

"Umalis na. Nainip ata kasi ang tagal mo bumalik." sabi yun ni Jason na ikinagulat nya. Kung makapagjoke kasi ito, akala mo naman close pa sila.

Tinaasan nya to ng kilay.

"May meeting daw. Tayo na lang daw bahala magdiscuss. Tsaka next meeting daw sa MPH tayo." sabi ni Gerra nang mapansin ang pagtataray nya kay Jason.

"So wala na pala tayo gagawin. Tara na? Gutom na ko eh." yaya nya kay Gerra. Nilingon nito si Jason.

"Sige you go ahead. Mukhang ayaw ako makasabay ni Reina eh." sabi nito sabay ngiti.

Goodness gracious! Look at that smile. Sabi ng isip ni Reina na sinaway naman agad nya.

"Tara na!" hinila na agad ni Reina ang kaibigan papuntang canteen at todo pigil sya sa sarili na lingunin pa si Jason.

----

Till next UD! Comments and votes is highly appreciated. Ciao. ^^ <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right love, at the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon