Chapter 4

3 0 0
                                    

4 p.m na kaya nag ready na ako, kase susunduin na ako ni Kyro, nag text na rin sya saakin na papunta na sya dito sa bahay at susunduin nya ako.

Nag open muna ako ng rp account ko habang hinihintay ko sya, naka open si Kaden, oo nga pala mag ka-chat kami kanina at hindi kona sya na replayan.

Kaden Primero

Den-den: Nag log-out :(

Den-den: Mag online ka naman.

Den-den: Busyyyy ka?

Den-den: Oy sammyyyyy!

Den-den: Iyak ako ditooo sige!

Den-den: Hahalikan kita pag dika nag online.

Natatawa ako sa mga chat nya, nireplyan ko sya kaagad, ang kulit talaga ng lalaking ito, pero naisip kolang, cheating bato? Roleplaying account ko lang naman gamit ko eh, hindi naman damay yung katauhan ko sa real life diba? Samantha Clare Clarkson, yun ang ka chat nya hindi si Skyla Miller, hindi ako kundi rp ko lang, consider naman na virtual lang to diba? Tska malabo naming ma-fall ako dito, kase may Kyro nako.

Den-den: Sammyyyyy, siniseen moko?

Den-den: Balakajan!

Nag tipa na agad ako ng message para sakanya.

Sammy: Hindi no, may ginawa lang ako kanina.

Sammy: Aalis din ako ngayon hehe.

Den-den: San ka punta? Sama!

Sammy: Sama mo mukha mo, andddd seeecret!

Den-den: Sus, okay lang, kahit hindi moko isama, gwapo pa din ako huh!

Sammy: Whoaaa! /tinangay ng hangin; napaka lakas ng hanginnnnnnn!

Den-den: /hinawakan ka; kahit tangayin ka ng hangin, gagawa padin ako ng way para mag stay ka.

Sammy: Uy! Pinagsasabi mo? HAHA, adik! Aalis na ako.

Den-den: Magsisimba kaba?

Sammy: Naks, manghuhula kaba?

Den-den: Linggo kaya ngayon, mali ba ako? May date ka no?

Sammy: Che, ewan ko sayo hahaha. Mag sisimba ako.

Ewan ko bat diko dinamay yung mag da-date kami ni Kyro, feeling ko ang harot kona, or ang harot kona talaga?!

Den-den: Wag ka na tumuloy, baka magliyab ka.

Sammy: Siraulo! Baka ikaw?

Bigla naman ,ay narinig akong nag doorbell, si Kyron ata yun, "Manang pa open naman po ng pinto." Nakita ko naman si Manang na pumunta doon, at niluwa si Kyro! Sheet bat ang gwapo nya ngayon? Napansin kong nag chat si Kaden.

Den-den: Sira na ulo ko, sinira mo kase.

Papalapit na sya sa way ko kaya, agad ko ng pinatay ang phone ko, ewan ko pero parang mahuhulihan ako ng kabet sa lagay nato, "Hi luvs." Kiniss nya ako sa pisngi at tinabihan ako sa inuupuan ko, "San mo gusting pumunta pag katapos nating mag simba?" sabi nya at kahit naka upo kami, hinawakan nya parin ang kamay ko, parang mangingisay naman ako sa kilig, "K-kahit saan."

"Wala naming lugar na kahit saan." Sabi nya at naka pout, jusmeyoooo marimar, wag kang ganyan Kyro, tutukain kita! "Gusto ko sana sa isang romantic place hehe." Diko alam ang isasagot ko kaya ayun na lang, romantic place para sa isang romantic kiss with Kyro! Ang manyak naman nitong pinagiisip ko, "Hmmm romantic place? Ah! Alam ko na kung saan, let's go? Simba na tayo."

Tumayo na kaming dalawa, nang makarating kami sa kotse nya ayun ni assist nya na-naman ako, feeling ko talaga prinsesa ako pag kasama ko tong si Kyro, napaka gentleman.

Maya maya pa tapos na ang misa ng pari, at papunta na din kami sa romantic place na alam nya daw, nilagyan pa nga nya ako ng takip sa mata, surprise daw kase yun.

Naramdaman ko na hininto nya ang kotse nya at lumabas sya, tapos binuksan nya naman yung pinto ng akin, "Kapit ka sa kamay ko luvs." Sabi nya at inabot ang kamay nya, "Dahan dahan luvs." Sabi nya pa at inalalayan ako, nag lakad kami onti, may narinig akong lagaslas ng tubig, tska parang ang presko.

Huminto na kami sa paglalakad at tinggal nya narin ang piring sa mata ko, nagulat ako sa aking nakita, ang ganda, nasa parang burol kami at tanaw ang city, may ilog din sa tabi at ang daming makukulay na bulaklak, meron ding duyan na gulong sa may puno, feeling ko familiar ang lugar nato, "Ang ganda no?"

"Oo ang ganda nga, parang paraiso." Dahil papagabi na ay lalong lumiliwanang ang city, ang ganda talaga! "Dati, dito kami na tambay ng kapatid ko na lalaki, sabi nya may dinala na daw sya ditto, and he also promised me na yung taong yun papakasalan nya daw."

Napalingon naman ako sakanya, "Natupad ba ng kapatid mo yun?" sabi ko, actually diko pa nakikita boung family nya only him and his parents, pero yung isang kapatid nyang lalaki at babae, hindi pa.

"Ewan ko dun, baka nga nakalimutan na nya eh, tska di na nya ata mahanap yung girl." Sad naman nun.

"Eh ikaw? Bat moko dinala dito?" nginitian nya naman ako yung tipong mapang-asar. "Syempre sabi mo romantic kaya dito, tska wala pa akong dinadalang babae dito, ikaw palang, at sabi ko dati kung sino mang first kong madala dito, sya yung makakasama ko forever, kaya hmmm will you marry me?" sabi nya at ako naman ay natulala, seryoso ba sya?

"Pfft! HAHAHAHAH! Joke lang luvs, bata pa—a-aray!" pinagpapalo ko sya ng kamay ko, kainis naman! Kinikilig na ako eh, "S-sorr—aray!" Niyakap nya naman ako bigla, "Bwesit ka! Kala ko pa naman totoo na." sabi ko at niyakap nadin sya pabalik, "Pero kung gusto kahit wala ng propose, kasal na agad." Kinurot ko naman sya sa tagiliran, napa aray ulit sya pero stay padin yung yakap nya saakin, "Okay lang na saktan moko, mananatili padin ako."

"Corny mo." Bigla naman nya akong hinarap, "Sinong corny huh?" bigla nya naman akong kiniliti at napa upo ako sa may damuhan,"HAHAHAHAH t-taHAHAHAH –ma na!" tinigilan nya naman ako, naka patong sya ngayon saakin, "I love you." Bigla nyang sabi at hinalikan ako sa noo, "I love you too." Sabi ko, umalis na sya sa ibabaw ko at tumabi saakin, naka higa kami ngayon sa damuhan, dinantay nya naman ang ulo ko sa braso nya, "Ang ganda ng mga stars oh." Oo nga, ang ganda, gabi nadin pala.

"Parang ikaw lang." sabi nya pa, namula naman ako sa sinabi nya, "Uwi na tayo?" sabi nya bigla, pero parang ayaw kopa, pwedeng wag muna? "5 minutes!" sabi ko, kinurot nya naman akong ilong ko, "Aray!"

"Sorry hahaha, ang cute mo kase luvs, sige 5 minutes tapos uuwi na kita, mamaya hinahanap kana eh."

Tumingin lang kaming dalawa sa langit, sa mga stars, habang kasama ang isa't sa, ang sarap lang sa feeling.

INTERNET LOVE (RPW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon