wahhh. creepy ng cover nito. ako natakot eh. well ENJOY READING.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GIRL’S POV
Nandito ako ngayon sa playground. Ang daming memories namin dito. Dito kami unang nagkakilala, dito siya unang nagtapat sa akin, at dito ko din siya sinagot sa panliligaw niya.
Masaya ang mga memories dito naaalala ko yung mga times na nakasakay ako sa swing at tinutulak niya ako, naaalala ko yung para kaming bata na nag-uunahan para maka-slide, naaalala ko yung mga time na bibili kami ng ice cream at dito namin kakainin at naaalala ko din yung mga times na nakahiga lang kami sa damuhan habang nakatingin sa langit at magkahawak kamay.
Umiiyak ako, oo, kasi naaalala ko siya.
Bago ako umalis ay nag-iwan ako ng isang plastic bag malapit sa swing at tingignan ko muli ang buong lugar at saka ngumiti ng tipid.
Pagkatapos ko sa playground ay nagpunta ako sa paborito naming mall na pasyalan at pumunta ako sa may sinehan. Dito kami laging nanunuod ng sine walang mintis na every month ay lagi kaming nandito para mag-date.
Dito sa loob ng sinehan na ito kami nagkukulitan bago magsimula ang papanuorin namin, nagtatawanan ng malakas kapag comedy ang pinapanood namin, nagiiyakan kapag drama ang pinapanuod at nag-aakapan kapag nakakatakot ang aming pinapanuod.
Muli ay tumulo ang aking mga luha sa pag-alala ko sa lahat ng ginawa namin.
Nag-iwan muli ako ng isang plastic bag sa loob ng sinehan bago ako tuluyang umalis sa lugar na ito, sa isang lugar na nakasaksi sa sobrang pagmamahalan namin.
Sumunod naman na aking pinuntahan ang favourite naming restaurant. Dito kami laging kumakain kapag nag-dedate kami, dito niya ako laging sinusurprise kapag monthsary namin o kapag birthday ko o valentine’s day.
Dito din sa lugar na ito kami nag-celebrate ng una naming anniversary kaya memorable sa amin sa lugar na ito.
Isang sulyap na ulit ang aking binigay sa lugar na ito at muli ay nag-iwan ulit ako ng isang plastic bag.
Huli, ngayon nandito ako malapit sa isang bangin na may isang malaking puno kung saan ay kita mo ang buong siyudad. Gabi na at nakakamangha talaga ang kulay ng mga buildings na nakikita sa ibaba.
Dito kami madalas lalo na kapag gabi dahil mas maganda ang tanawin. Dito sa lugar na ito kami tumatambay kapag gusto naming malayo sa iba at kapag gusto naming makita ng mas malapitan ang mga stars.
Ibinaba ko ang huling plastic bag na dala ko at umakyat sa puno.
“MAHAL NA MAHAL KITA. PATAWAD.”
NO ONE’S POV
Natagpuan ng mga pulis ang bangkay ng isang babae na nakabitin sa isang puno na malapit sa bangin.
Sa pag-iimbestiga ng mga pulis ay magkadugtong ang pagkamatay ng babae sa mga gulo na nangyari kahapon sa mga piling lugar. Sa isang payground, sinehan at sa isang restaurant ay nagkagulo ang mga tao dahil sa mga plastic bag na naiwan dito. Sa playground nakita ang isang pares ng kamay, sa sinehan ang katawan at sa restaurant ang pares ng paa.
Napag-alaman ng mga pulis na ang babaeng nakita sa may bangin ang babaeng nag-iwan ng mga plastic bag sa mga naturang lugar. Ang ulo ng katawan ay nakita malapit sa puno kung saan nakabitin ang babae.
Ayon din sa imbestigasyon ay kasintahan ng babae ang katawan na nakalagay sa plastic bags. Dahil sa galit ng babae ng makita niya ang kasintahan na may kasamang iba ay nagawa nito ang pagpatay sa lalaki.
Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari. Ano nga ba ang hindi magagawa ng isang tao para sa kanyang minamahal?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
credits sa tumulong sa akin. O.O
MEisGABRIELE
BINABASA MO ANG
Mahal na mahal kita. Patawad.
Novela JuvenilAno nga ba ang hindi magagawa ng isang tao para sa kanyang minamahal?