Chapter 22: Can I?

351 10 0
                                    

<Alex's POV>

Ipinagdrive ko na siya pauwi. Buti na lang talaga marunong ako kahit papaano. Ilang sandali pa ay dumating din kami agad. Pinagbuksan agad kami ng gate ng guard nila. Ipinasok ko yung sasakyan sa garahe nila.

"Miss Alex, ano pong nangyari kay sir?" tanong nung nakakatandang katulong.

"Nabasa po ng ulan. Nilalagnat din po siya."

Nataranta silang lahat tapos tinulungan nila akong i-akyat sa kwarto niya si Gian. Napag-alaman kong wala pala ang mom at dad ni Gian. Nasa isang business convension daw.

Pagkatapos namin siyang ihiga sa kama niya lumabas na ako ng kwarto niya.

"Kayo na pong bahala sa kanya ha? Baka kasi nag-aalala na rin yung mom k--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko sa mga kasambahay nila kasi nagring yung phone ko.

Si mom tumatawag.

"Hello, mom?"

[Anak! Nasaan ka na? Akala ko ba mabilis ka lang?]

"Ah nagkaproblema po eh. Na-lock kami sa stock room."

[What? Nanjan pa ba kayo? Teka tatawaga ko yung security ser--]

"Easy mom, nakalabas na kami. Narito ako ngayon kina Gian."

[Really? Na kila Anghelo ka?]

Errr. Kailangan talaga yun yung itawag niya kay Gian? Obviously, alam na ni mom na alam ko na na siya yun. Remember, kinausap ko pagkauwi namin galing outing si mom?

Kung ano yung naging pag-uusap namin, later ko na ikukwento.

"Oo. Tsss. May lagnat kasi siya at di kaya mag-drive kaya pinagmaneho ko siya pauwi sa kanila. Uuwi na rin ako sa'tin ngayon."

[No. Dyan ka lang, dear. Alagaan mo si son.]

"P-po? Seryuso kayo? May mga kasambahay naman sila mom eh. They can take care of him."

[Ano ka ba dear! Syempre ikaw yung fiancee, dapat ikaw mag-alaga. So dyan ka lang, okay? Bye.. I love you.]

*toot toot*

Aiisshh. Mom naman eh! -___-

MAY MAGAGAWA PA BA AKO?

Ano ba naman 'to! Kailangan pa talagang ako mag-alaga sa kanya?

"Ah sige po. Ako na lang pala bahala sa kanya. Paki-dalhan na lang po ako ng maligamgam na tubig. Pagkain na rin po at gamot.."

"Okay po ma'am."

Pumasok na lang ulit ako sa loob.

"C'mon. Umupo ka't papalitan kita," sabi ko. Tatanggalin ko na sana damit niya pero pinigilan niya ako.

"A-ako na bahala. Umuwi ka na, Sophy ko. Pagod ka rin, 'di ba?"

"Eh pano naman ako uuwi kung walang susundo sa'kin?"

"Gusto ko mang ihatid ka pero 'di ko kaya mag-drive. Wala kasi driver namin. Hmm. Hiramin mo na lang muna yung sasakyan ko. Basta ingat ka lang sa pagmamaneho."

"Naku huwag na. Baka pagalitan pa ako ni mom na iniwan kita rito. Sabi niya kasi, alagaan kita."

"I'll explain to mom. Ayoko naman kasing gawin mo 'to. Nakakahiya sa'yo."

"Tss. Whatever. Ngayon lang naman 'to kaya sige na lang. Aalagaan kita ngayon. Pero! Pero huwag mong iisipin na okay na tayo pagkatapos nito. Galit parin ako sa'yo. Naiintindihan mo?" sabi ko tapos nag-nod lang siya at ngumiti.

I Hate You Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon