Chapter 37: A place for us

320 12 1
                                    

<Jane's POV>

It's wednesday evening. Narito ako sa bahay ko. Maya-maya, narito na yung si Drake. Date namin ngayon. Yeah.

Haiissh. Sana naman carry ko 'to. First time ko pa naman makipag-date. At kay Drake pa! Kay Drake na sobrang awkward ang pakiramdam ko. Ghad!

"Japhy.. Kagatin mo kaya si Drake para 'di na matuloy date namin?" sabi ko sa puppy ko.

"Arf! Arf! Arf!" - Japhy. Ang cute niya talaga. Pati bark niya hangkyuttt. +^O^+

Hinug ko siya. Ang lambot talaga ng kanyang hair. Isang Shih Tzu nga pala si Japhy. ^___^

*Dingdong*

Si Drake na yata. I went out kasama si Japhy at binuksan ko ang gate. Wow ha? Pinaghandaan niya talaga. Nagpapogi talaga ang mokong. May bagong hairstyle pa.

"Good evening, Jane. You're so pretty."

"Bulero siya Japhy no?" I said to my super cute puppy.

"Arf! Arf!" - Japhy

"See bolero ka raw, Drake," I said to him.

"Hahaha. Hindi kaya. It's true. You're so pretty." Sabay kindat sa'kin. Hmmp! Tiningnan niya naman si Japhy at hinimas ang buhok nito. "Hi! Ang cute mo naman. Hmmm. Japhy, diba, totoo naman na pretty si Jane?"

"Arf! Arf! Arf!" - Japhy

"See? Tatlo ang bark niya. Mas agree siya sa'kin."

Ano ba yan! Si Japhy naman eh, ba't nag-bark? Sa'kin lang dapat siya mag-agree. >__<

"So, shall we go now?"

"Okay. Ilalagay ko muna si Japhy sa crib niya, at ilolock ang bahay wait lang."

After kong gawin yun umalis na kami. Dinala ako ni Drake sa isang sosyal na restaurant. Infairness ah? Ang ganda ang taste niya sa place. I like it here.. Ang ganda ng ambiance at halatang masasarap ang cuisines na hinahanda. Nag-order na rin kami.

"Like the food?"

"Yeah. Super."

"Naman. Ito ang favorite restaurant naming buong family. Ang sasarap kasi ng foods. Babalik-balikan talaga."

"Tama ka nga. Naku, favorite ko na rin 'to."

And our conversation went on. Unti-unti nagiging comportable na ulit ako kay Drake gaya nung una. And I get to know him more. Marami siyang nakwento sa'kin about sa family nila.. sa relationship nilang magkakapatid. Even about his plans in life. At kung anu-ano pa.

Nakita kong hindi naman pala siya teenager na happy-go-lucky lang. May plano siya sa buhay. Maganda ang desposition niya. And I can see that he's really a good person.

It's just right that this date happen, kasi nakilala ko si Drake.

----At Jane's house----

"Thanks for letting me date you, Jane."

"Thanks din. I enjoyed the food."

"Ay. Food lang?"

"Of course your company as well."

"Really?"

"Bawiin ko na lang?"

"Ahahaha. Ikaw talaga."

"Tawa ka pa."

"Ahm. J-Jane. A-ano.. May itatanong ako. A-actually, itinanong ko na ulit 'to nun eh. Gusto ko lang subukan ulit itanong."

"Ano yun?" I asked. Ano bang tanong 'yan? He asked me this before daw?

"P-Pwede ba kitang ligawan?"

I Hate You Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon