Epilogue

34 5 0
                                    

EPILOGUE:

7 years later..

"Doc, nag hihintay na po yung pasyente niyo sa office." Sabi ni nurse Aya, ipinasa ko sa kanya yung thermometer na hawak ko.

"Okay, painumin mo ng gamot yung pasyente sa room 204, mataas pa yung lagnat niya, then icheck mo naman yung BP ni Mrs. Habalinsang sa room 116." Bilin ko.

"Yes Doc." Sagot nito. Umalis na siya kaya't dumiretsyo na ko sa office, ngiti dito. Ngiti doon, yan lang ang ginawa ko sa mga pasyente at empleyadong nakakasalubong ko.

Banat na banat na ang pisnge ko at sanay na sanay na kong gawin ito, sa loob ba naman ng 4 years ito ang nakasanayan ko.

Pumasok ako sa clinic at nginitian ko agad ang matandang pasyenteng madalas dito, actually di talaga siya yung pasyente. Yung apo niya! Napakaarte naman kasi siya ang may problema pero di siya ang pumunta dito, ang hirap kaya nang process kapag puro update lang at di ko nakikita, tsaka isa pa. Ayaw niya bang makita ang pretty face ko?

Umupo ako sa sleeve chair ko. "Oh Lolo, may improvement na po ba sa apo niyo?" Nakangiting tanong ko.

Ngumiti rin si Lolo. "Nako Dra. Valerino, Good news.. Pumayag na siyang mag pungta dito bukas." Nakangiting update ni Lolo.

Napasandal ako. "Oh talaga po? Nako, magandang update nga yan, mabuti naman at pumayag di yang apo niyong pumunta dito. Ubod ba naman kasi ng arte." Reklamo ko. Natawa na lang si Lolo sakin.

"Nako Dra. Ikaw talaga, intindihin niya na lamang po ang apo ko kung ayaw maalala ang nakaraan niya, sapagkat mapapait na alaala lang ang naalala niya at iyon ay noong bata pa lamang siya. Naiintindihan ko rin na natatakot siyang malaman kung may mas papait pa ba sa mga alaalang iyon." Sabi ni Lolo.

"At isa pa, sabi niya rin na kontento na siya sa buhay niya ngayon at di na daw mahalaga pa ang mga alaala niyang limot na, ang mahalaga nga lang daw ay masaya siya't buhay na buhay." Dagdag pa nito.

Napangiwi ako. Oh eh kontento nanaman pala eh, bakit gusto pang makaalala?

"Eh Lolo, matanong ko lang, kung kontento na siya, bakit gusto niya pang makaalala?" Takang tanong ko.

Lalong lumaki ang ngiti ni Lolo. "Dahil daw pakiramdam daw niya eh may kulang pa sa pagkatao niya dahil pakiramdam niya eh may hinahanap daw ang puso niya mula sa kanyang nakaraan." Natawa si Lolo. "Loko lokong bata hano?" Ngumiti lang lang rin ako.

Nakipag kwentuhan na lang ako kay lolo since last patient ko na siya at isa pa, favorite ka chit chat ko kaya si Lolo.

"Sige Dra. Una na ko." Paalam ni Lolo. Inalalayan ko siyang makalabas ng clinic pag katapos nun ay inayos ko na ang gamit ko para makauwi na.

****

"Aian!" Agad na dumamba sakin si Aian pag dating ko, nako! Namiss ata ako ng aso ko! "Gusto mo bang mag walking walking?" Tanong ko dito at pinat pat.

"Arf! Arf!" Natuwa naman ako.

"Sige, wait lang." Tumayo ako at nag palit muna ng damit saka kami lumabas ng condo.

Medyo nahirapan ng kaming makadaan dahil ang daming box sa hall, may bagong lipat daw kasi sa unit sa tabi ko.

"Arf! Arf!" Nagtatatahol si Aian at nag mamadaling tumakbo papunta sa lift pero kakasara lang nito at di kami nakaabot. Pilit pang binubuksan ni Aian ang lift. Natawa ako sa kanya.

"Aion. Excited much?" Natatawang sabi ko. Madalas ko siyang natatawag na Aion dahil kasing kulit niya rin si Aion! Haha! Manang mana eh.

Bumaba na rin kami ni Aian pagkabukas nang lift. "Good afternoon Dra." Bati sakin nung guard dito sa lobby. Nginitian ko lang siya at dumiretsyo na ko sa labas.

Dumiretsyo kami ni Aian sa park. Umupo muna ko sa swing at umupo din si Aian sa gilid ko.

"Arf! Arf!" Nakarinig ako ng kahol sa di kalayuan, pero biglang tumayo si Aian at parang sumasagot sa kahol. Nag taka ko sa inaakto ni Aian dahil di naman siya madaldal pag aso ang kausap.

"Arf! Arf!" Nagulat ako dahil biglang may asong sumampa sakin. Muntik pa nga kong mahulog dito sa swing eh mabuti na lang at nakakapit ako.

Taka akong napatingin sa asong nakasampa sakin. Kunot noo ko itong sinuri dahil parang pamilyar ito sakin.

May leash na nakasabit sa kanya kaya kinuha ko iyon. Same leash. May kung ano akong hinanap sa leash na yun at ng nakita ko iyon nabuhayan ako at nag karoon muli nang pag asang makikita ko siyang muli. Sean ang nakalagay sa leash and this leash is what Aion bought for Aian and Sean a years ako.

"Seany!" Mabilis kong hinanap ang boses na iyon. "Seany!" Napatunganga ako ng muli siyang makita ng dalawang mata ko.

Malaki ang pinag bago niya pero makikilala mo parin siya. Pumuti siya at lalong lumaki ang katawan niya.

Pormadong pormado siya't mukhang mayaman. "Sean!" Tawag niya ng mapatingin sakin.

Muntik na ko mapangaga. Lumapit siya samin at kinuha ang leash ni Sean. "Arf! Arf!" -Sean.

"Ikaw talaga, bakit ba bigla bigla ka na lang tumatakbo." Sabi nito. Pinat pat niya si Sean. Di ko na mapigilan ang sarili ko.

"Aion..." Napalingon siya sakin. Tinitigan niya kong maigi, bigla siyang nag kunot noo.

"Excuse me Miss.. Do I know you?"

(THE END)

PERO JOKE LANGGG! MAY 2 PA! HALER!

October 30 2018 - November 02 2018
Thank you :>

Road Trip: Cisean ValerinoWhere stories live. Discover now