Chapter 18- Yuan and Friends

14K 445 21
                                    

Sky

"Namimiss ko si Margaux." Imurmured to Koko.
Nakahiga kami sa lounge chair sa garden at sumasagap ng sinag ng araw. Ang cute at kikay na bahay nila na parang studio sa daming flowers at pastel colors.
"Uuwi din yun. Hayaan mong mamatay sa guilt ang mga pinsan niya." Dakota replied.

Naamoy namin ang binabake ni Tita Bella.
"Nang-aakit na naman ang binabake ni mommy."
Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Dakota.
"Buti nga nag-babake pa si Tita, si mommy ko hindi na nagluluto. Nababaliw sa mga future apo niya. Hindi na kami pinapansin. Panay bili ng gamit ng mga bata." I told her.

Nagtawanan kami ni Dakota.
"Mahilig sa mga bata si Tita Yumi."
"Kita mo naman. Apat kami."I replied.
"Oo nga... Hindi uso family planning sa family nyo. Si Kuya Chase, tatlo agad." Tumatawang sagot ni Dakota.

Nahinto ang kwentuhan namin ng may dumaan sa tapat ng bahay nila Koko. At dahil hindi gated ang mga bahay dito, nashook talaga ako ng huminto si Yuan.

"Uy, nandito ka pala Sky." Sabi niya.
"Uhhh..."
"Yung manliligaw mo." Tukso ni Dakota na nakapagpabalik ng sungit ko.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Napatayo ako at namewang sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?"

"Assuming naman bruh." Bulong ni Dakota.
"Hindi naman. Although it's nice to see you wearing something other than your business suit." Sagot ng talipandas na lalaki na nakashorts at mukhang fresh na fresh.

"Ang ganda ng legs mo, Sky. You should wear skirt at the office more." Suggestion niya.
Aba at ang tinamaan ng magaling... nakatitig yata sa mga hita ko.

"Ano ang ginagawa mo nga dito?" Tanong ko ulit.
"Hoy, hindi mo pag-aari ang buong Country Club." Sabat ni Dakota.

"Dinalaw ko lang mga friends ko." Katwiran ni Yuan.
"Talaga lang ha?!" Sarcastic na tanong ko.
"Oo nga. Lagi ka na lang may pagdududa sa akin." Parang nagtatampong sagot ni Yuan.

Huminto si Gab sa tapat ni Yuan at tumango sa amin ni Dakota. Pucha...ano ang nagyayari?
"Tara..." Yaya niya kay Yuan. "Naghihintay na si Kiro."
What the fuck!!!

"Sige Sky... bye Dakota. See you around." Nakangiting paalam ni Yuan sa amin.
Sinundan namin ng tingin si Gab at Yuan na palayo sa amin. Nagkukwentuhan silang dalawa.

"Sino daw ang naghihintay sa kanila? Si Kiro?" Manghang tanong ni Koko.
"Tropa sila ni Kiro? Kailan pa?" Dagdag na tanong ni Dakota.

Napaupo ako sa lounge chair at parang aatakihin ng migraine. Hayop na yan... Totropahin nga yata ni Yuan si Kiro.

I heared Dakota chuckled.
"Akala mo ba tinakot mo na si Yuan." Sabi niya.
"Oo nga."
"Mukha naman siyang hindi takot. Tara, sundan natin."
"Ayaw ko." Tanggi ko.

"Ano ginagawa nila sa Zen Garden, nagpapatayan?" I said sarcastically when Dakota literally dragged me to follow them. May hawak na stick si Kiro at Yuan. Nanonood si Gab at Jacob sa kanila.
"Magtanggal ka na ng shirt mo..." Bulong ni Dakota. Medyo malayo kami sa kanila.
Tinamaan si Yuan sa sikmura ng stick ni Kiro. Napaupo si Yuan sa damuhan.

"Fucking hell..." Sigaw ni Yuan. Tinanggang niya ang salamin.

"Ayan na..." Parang uod na nangingisay si Dakota sa tabi ko.
Binato ni Yuan pati ang stick na hawak at hinubad ang t-shirt.... Holy Moses.
"Pucha... Sky. Nakikita mo ba ang nakikita ko? Tang-ina... Daming abs."
Malapit ko ng pasakan ng grass ang bibig ni Dakota. Para siyang announcer sa NBA...yung walang sawang dumadada habang may naglalaro.

Binato na din somewhere ni Kiro ang stick na hawak niya. Magnininja na ba siKiro?

Yuan moved... like did he really fucking move that fast? One minute nakatayo siya, the next thing I realise, gumugulong sila ni Kiro sa damo. Nakalock nghita ni Yuan sa leeg ni Kiro.

"Tap out..." Sigaw ni Yuan.
"Magtap ka na Kiro." Sigaw ni Jacob.
"Malapit ng mamatay si Kiro." Bulong ni Dakota but excitement is written on her face.

Kiro manage to tap the grass and Yuan loosen his hold. Pareho silang nakahiga sa damuhan at hinahabol ang paghinga. Hinihintay ko na lang na tuluyan ni Kiro si Yuan but it didn't come. Tumayo si Kiro at inabutan ng kamay si Yuan para itayo.

Puta...friends nga yata si Kiro at Yuan.

Lady Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon