CHAPTER 39 ** THE REVELATION **

2K 34 18
                                    


JOSHANE'S POV


Inimbitahan ako ni tita Shirley sa mansyon nila. Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil lang sa ayaw kong makita ang pagmumukha ng anak nila. Magkasosyo ang parents ko at parents ni Harley sa business kaya malaki ang bond ng family ko sa family nila. Plus close friends talaga ang mga family namin sa isa't isa.


Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko umalis na ako ng bahay. Gustuhin ko mang isama si Jomania pero hindi pwede kasi hectic ang schedules niya for the whole week. Bihira na nga lang kami magkasabay kumain ni Jom dahil siya busy sa career niya at ako naman busy sa business ko. Sinimulan narin kasi namin na mag open ng malaking boutique dito sa Manila. Syempre kapartner ko si Tricia sa business na'to. Si Lia at Cherry naman magkasosyo sa resort na pinatayo nila and so far mabenta naman ito sa public since malapit lang and maganda ang ambiance ng place.


Papasok na ako sa subdivision nila Harley at dito palang ang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Hinihiling ko nalang na sana wala si Harley sa bahay nila para maging kumportable naman ako mamaya. Nandito na ako sa tapat ng bahay nila at nag door bell na ako. Kilala naman ako ng guard nila kaya pinapasok na niya ako agad. Sinalubong ako ni tita Shirley ng yakap.


" Iha, long time no see. How are you? You look fabulous and gorgeous as ever not to mention that you're beautiful as well. " Papuri ni tita Shirley sa akin.


" I'm fine tita! Kayo nga din po maganda parin as always. Looking young lagi, care to share your secrets? " Tumawa si tita sa sinabi ko. Niyaya niya ako sa living room at nandun si lolo Henry na nanonood ng tv.

" Joshane, i miss you! Kamusta kana? Hindi mo ba namimiss si lolo Henry? " Niyakap ako ni lolo Henry at nag mano naman ako sa kanya. Parang lolo ko narin kasi si lolo Henry kasi kung ituring niya ako parang sarili niya rin na apo. That's why i am fond of him. Kalog din si lolo Henry at pinapatawa niya ako lagi kapag nandito ako sa bahay nila.

" Ofcourse i missed you lolo, kamusta na po kayo? Mukhang bagets na bagets parin kayo ha? " Tumawa si lolo Henry sa sinabi ko sa kanya. Madaling mahuli ang loob ni lolo dahil likas na sa kanya ang pagiging mabait at friendly.

" Alam mo bang nalulungkot ako at hindi kayong dalawa ni Harley ang magkakatuluyan? "  Pinalungkot pa niya ang kanyang mukha. Kinurot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit naman ako nalulungkot eh, hindi lang basta nalulungkot kundi lungkot na lungkot at nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pero ganun talaga ang buhay, hindi lahat ay mangyayari according sa kagustuhan mo. Reality check, life doesn't always happened the way you wanted it to happen.

" Lo, wag na po kayong malungkot. Kung saan masaya si Harley suportahan nalang po natin siya. Things happen for a reason, let's just respect his decision. " Ang hirap palang sabihin ang mga katagang tumutusok sa puso mo. Yung mga katagang hindi mo inaasahan na sasabihin mo yun for the sake of comforting someone.

Niyaya na ako ni Tita Shirley na kumain na ng lunch. Thank God, wala si Harley kaya hindi ko kailangan ma concious at ma tense. May lakad daw sila ni Celine, chineck yung wedding gown niya at mag dadagdag daw siya ng sequence ng damit. Halos hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni tita dahil bigla nalang akong nawala sa sarili ko. Napansin naman ni tita ang pananahimik ko kaya tumigil na siya sa pag kwento.

" I'm sorry iha, i don't know what happened to both of you, but know that i always wanted you to be my son's bride. Mas boto ako sa'yo kesa kay Celine. "  Inabot ni tita ang kamay ko at pinisil ito para iparamdam na she feels what i am feeling now. Ngumiti lang ako ng mapait na kahit pinipilit kong ngumiti ng matamis hindi ko magawa. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang ngumiti pa kahit na nasasaktan na ako ng sobra-sobra. Magaling lang siguro akong mag-tago ng tunay ko na nararamdaman. Bitter na kung bitter pero yun ang totoo. Nasasaktan parin ako kahit 2 years na ang nakalipas.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon