SPECIAL CHAPTER * A DATE TO REMEMBER *

2.1K 30 1
                                    

*BRANSTON AND ALVAREZ NUPTIAL*

Isang special na araw ang mangyayari ngayon! Bakit? Ngayon na kasi ang araw ng kasal namin, my most awaited day! Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kaba, saya, excitement at kung anu-anu pang positive feelings.

Tapos na akong ayusan and ready na ako. Habang papalapit ang takdang oras ng kasal ko mas lalong tumitindi ang bilis ng tibok ng puso ko. Nabibingi na nga ako sa sobrang lakas ng kabog nito. May kumatok sa pinto ng room ko at pumasok sina mommy at mama ko.

" Oh iha, are you ready? " Tanong ni mommy. Ubod lapad ang ngiti niya at daig pa niya na siya ang ikakasal sa sobrang saya na nakaguhit sa mukha niya. Ganun din si mama, panay ang tanong sa akin kung nauuhaw daw ba ako or nagugutom. Baka daw gusto ko munang kumain bago umalis. Paano ba ako makakain nito kung puno ng excitement ang katawan ko? Nakakawalang gana kayang kumain?! Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi because i'm too excited for this day to come. Natural lang naman ang ganitong feeling sa mga taong ikakasal. Syempre, the long wait is over na nga.

" Mom, reading-ready na po ako kanina pa. " Hinawakan ako ni mommy sa kamay at natawa siya nung mahawakan na niya ang palad ko.

" Are you nervous? Don't have to be nervous. Relax, everything will be fine. " Nginitian ako ni mommy to calm me down. Sino ba ang hindi kakabahan sa araw ng kasal nila? Lahat naman yata ganito ang feeling eh. I'm not worried that someone might stop our wedding coz Celine is locked up at the mental hospital. I'm just nervous, that's all.

" Mom, lets go? Baka naghihintay na ang mga guests sa atin." Niyaya ko ng umalis sila mama at mommy. Pag dating namin sa lugar kung saan idadaos ang wedding ceremony ko, marami ng tao ang naghihintay sa pag dating ko. Its a garden wedding by the way. Ayoko kasi ng traditional wedding although mas maganda daw pag sa simbahan gaganapin ang kasal para may basbas daw talaga from heaven.

" Nandito na tayo anak! Naalala ko pa nung unang kita ko palang sayo baby kapa nun at walang alam sa mga nangyayari sa mundo. Pero ngayon ikakasal kana sa taong nagmamahal sayo. Masaya ako para sayo dahil sa wakas makakasama mo na si Harley. " Niyakap ako ni mama ng mahigpit. Kahit ako hindi parin ma absorb ng utak ko ang mga nagaganap ngayon. Lutang pa ako at parang kelan lang nag proposed si Harley sa akin, 8 months narin pala ang nakalipas.

" Sige iha, dito ka muna sa loob ng sasakyan. Bababa ka lang if cue mo na para lumakad sa aisle. I love you!" -Mommy

Bumaba na sila at pumunta na sa crowd para hintayin ang start ng ceremony. Naghintay ako ng another 15 minutes bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong ako ng wedding planner ko at siya ang nag assist sa akin. May kinausap siya sa headphone niya at sinabi na ready na akong lumakad.

" Are you ready Joshane? The ceremony will start now. " Pagkatapos niyang sabihin yun nag simula ng tumugtog ang pianist ng wedding march at yun na ang cue ko para maglakad sa aisle. Naka red carpet ang aisle na may maraming flower petals in different color sa nilalakaran ko. Nag mistulang fairytale wedding ang kasal ko.

Habang naglalakad ako sobrang kabado ako pero nandoon parin ang excitement at saya na hindi ko maitago. All eyes are on me. Lahat nakangiti sa akin at hangang-hanga sila sa akin. Napatingin ako sa parents ko na nag aabang in the middle of the aisle. Four of them are very happy that finally I am getting married to the person i love the most.

Napadako naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko. I remember the first day i met them, we were at the hall way of the school checking my schedules and the rest is history.

I saw Tricia, she's smiling and i can see happiness written all over her face. She used to be my enemy and i haven't even expected that things will changed, now she's my bridesmaid and my bestfriend. I saw Jomania, wiping her tears. Ah, tears of joy, i hope she'll find her Mr. Right soon. Si Elisa naman ubod lapad din ang ngiti at alam ko na maliban ky Tricia at Jomania, isa din si Elisa na masaya para sa amin ni Harley ang pinaka close niyang cousin. Ofcourse, mawawala ba ang Gforce? Si Peter ang bestman ni Harley since siya ang bestfriend ng huli. Si Kelvin and JL naman panay ang kulitan nilang dalawa at sinenyasan sila ni Tristan na tumahimik.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon