Finding my Mr. Dream boy
Written by missinggirl101
Copyright ©
All Rights Reserved 2014
PROLOGUE
Can you love someone you don’t even know or even don’t exist in reality?
Sa lahat ng love story na alam ko kakaiba ang love story na meron ako. Nainlove ako sa isang lalaki nahindi ko man lang kilala or I can even say lalaki na nag-eexist kasama ko sa isang paraiso na laging kaming dalawa lang ang magkasama. Gabi gabi kaming magkausap at lagi nya akong pinapatawa kaya naman mas gusto ko nalang na hindi na magising mula sa pagkakahimbing para lang makasama ang lalaking minamahal ko na nag-eexist lang naman mula sa panaginip ko. Tama kayo, isang panaginip lang ang lahat at masakit man isipin ngunit isang ilusyon lang ang lahat maging ang lalaking minahal ko sa aking panaginip. Pero dahil sa kagustuhan kong makilala ang man in my dreams kaya naman nagset ako ng isang mission at yon ay para hanapin ang lalaking minahal ko sa aking panaginip.
I’m SherinneLucy Smith. Third year college na ako sa Centerfield University kung saan tinaguriang “Home of the Famous Students.” Lahat ng mga students dito ay mga famous at hindi basta basta lalo na yung mga nasa upper class, so far ayon sa radar ng chismis ang pinakasikat at pinakamayayaman ay ang tatlong Prince of the Crowd na sina Nathan Reed, Dylan Stewart and lastly si Alex Elliot. Well, hindi ko pa naman sila nakikita at nakikilala kasi mailap sila sa mga tao palibhasa mayayaman at famous at hindi naman ako interested sa kanila. Since, I belong to this school always mong maririnig ang mga pangalan nila sa mga chickahan ng mga girls. Admittedly, hindi ko talaga maabot ang level ng mga students sa Centerfield kaya naman suntok sa buwan talaga na nakapag-aral ako dito.Kahit papaano nakakasurvive naman ako at madami din akong friends kahit simplng estudyante at isang scholarlang sa Centerfield, may mga natitirang mababait at friendly pa din naman sa school na to kahit papaano. Well, talk about my two missions:
1. Maghanap ng signs or clue para makilala ko ang lalaki sa panaginip ko.
2. Hanapin sya as soon as possible.
Let the mission begin……..