Sherrine’s POV
Ang tahimik ng paligid at nasa isang napakagandang paraiso na naman ako at masayang hinihintay ang lalaking hindi ko man lang alam kung saan manggagaling. Napakaraming bulaklak sa paligid at maraming makukulay na paru-paro na nagliliparan, ang ganda nila pagmasdan at nakakagaan sa pakiramdam. Maya maya ay biglang may nagsalita sa likuran ko na mula sa isang pamilyar na tinig.
“Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako ng pagdating.”Nakangiting sabi ng isang lalaki na may coffee brown hair at kahit malabo at hindi maaninag ang mukha nya ay makikita mo ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.
“Okay lang, nag-eenjoy naman ako pagmasdan ang mga bulaklak at mga paru-paro habang lumilipad sila sa mga bulaklak.” Nakangiti kong tinugon sa kanya.
“Kasing ganda mo ang mga bulaklak na nandito. Ayy hindi pala, mas maganda ka pa sa kanila.”
Sobrang kinilig ako sa sinabi nyang yon sakin, feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.
“Ikaw talaga napakabolero mo. Teka, saan ka nga ba nanggaling? Bakit hindi ko man lang maaninag ng malinaw ang mukha mo? Sino ka ba talaga?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Mula ako sa puso mo. Maniwala ka lang at pakinggan mo ang sinasabi nyan tiyak makikilala at makikita mo ako.”
“Sa puso ko? Anong ibig mong sabihin?” napakamot ako sa ulo ko at naguluhan sa sinabi nya.
“Magtiwala ka lang, makikilala mo din ako.” Nakangiti nyang sagot sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ito.
Grabe, parang eksena lang sa Romeo at Juliet parang ayaw ko ng matapos ang oras na kasama ko sya. Kaso nga lang kasasabi ko pa lang na sana wag ng matapos ang moment na yon ay bigla naman itong naglaho na parang bula ng marinig ko ang isang malakas na boses na napakapamilyar sakin.
“Ms. Smith!” malakas na sigaw ang umalingawngaw sa tenga ko at ng imulat ko ang mga mata ko ay nakatingin na sa akin ng masama si Mr. Kasungitan, Professor ko sa Arts and Literature. Bagay ang last name nya kasi terror at masungit talaga sya.
“Ah-Eh----H-Hi Sir!” pilit kong ngiti sa kanya habang unti unti kong ibinabalik ang ulirat ko.
“Why are you sleeping in my class?!!!!?” devil look*
“Sorry sir. Hindi na po mauulit. Puyat lang po kasi ako.”pilit kong ngiti sa kanya.
Bago pa nya masabi ang sermon nya ay nasave by the bell ako kaya naman nakaligtas ako sa embarrassing moment na yon.
“Let’s call it a day. You may go now except you Ms. Smith!!!.”sabi ni Mr. Kasungitan sa buong klase.
Duhhhhh?! May part two ang sermon? Akala ko save by the bell na ako. Kainis!
“Sir, I have to go now because I have a part time job pa po.” pagmamakaawa kong pakiusap kay Sir.