May mga bagay talaga na minsan hanggang tingin ka nalang, Pasulyap-sulyap at iisiping 'sana akin ka nalang'Yung sa araw-araw na dadaan sya mula sa Classroom namin ang syang bumubuhay sa pagod, at malapit ng mamatay na puso ko.
Kahit nakakarindi ang tilian, kahit na hindi pwede sakin, kahit na ikamamatay ko pa, kahit sa huli 'kong hininga, masilayan lang kitang nakangiti— na sana ako ang rason nyan.
Minsan napapa-isip nalang ako... 'tama pa bang ganto nalang lagi? Di ba pwedeng kahit isang araw lang maging akin ka?'
Na sana...
Sana...
Maramdaman mo ang tinitibok nito...
Na sana...
Makasama kita kahit sa kahuli-hulihan...
Na sana...
Makasama kita hanggang sa huli 'kong hantungan...
At sana...
Ako nalang...
BINABASA MO ANG
Something Magical
General FictionIsa lang naman si Zyn na normal na babae na may hinahangaang lalake na dalawang taon na niyang tinatago at ang kanyang matalik na kaibigan lamang ang kaniyang sinasabihan sapagkat ang lalakeng iniibig niya ay isang sikat na musician sa buong Saint M...