Chapter 1

30 6 0
                                    

"Bes! Lika na, malalate na tayo!" Sigaw ni Bella sa mismong pagmumukha ko. H*tabells lang.

"Wow ah, hiyang-hiya ako sa hininga mo" aniya ko pa at mabilis na kinuha ang salamin ko at dumeretso sa banyo.

"Wow bes ah! Hiyang-hiya din ako sa—" at di ko na pinakinggan pa.

"Problema ko talaga yang naabutan kana ng isang oras dyan sa Banyo at di ka parin gumaganda, hays."
Dismayado kuno  niyang sabi kahit ang totoo inis na inis na.

"Pasensya kana ah, hiyang-hiya nadin kase kami ni mama ano? Parang ikaw lang kakain eh" sarkastiko 'kong pagkakasabe. Nag peace sign ang Gaga pero inirapan ko lang.

"Oh sya tama na yan Bella, Zyn. Araw-araw nayan ah" pag-awat ni mama.

"Geh na po tita aalis na ako, busog na ako, nawalan na ako ng gana, tsk tsk, tita paki disiplina si Zyn. Tumitigas na ulo niyan" pailing-iling na naglakad papuntang labas, uuwi na ata. Hiyang-hiyang hiya ako sa 'busog na ako, wala na akong gana'  Pagtingin ko sa plato nya? Aba ubos. Kapal talaga.

"Ma, pasok napo ako, paalam!" Hinalikan ko ang pisngi ni mama at nagmadaling mag pedal papunta sa unibersidad na pareho naming pinasukan ng Bestfriend ko–Bella Shrinette Alonzo.

"Mag-iingat ka Elle" kumakaway na sabi ni mama habang nagsisimula na akong magpedal. "Opo ma" at ngumiti ng isang ngiti na nagpapakalma kay ina.

"Ang mask mo!" Pahabol ni mama. O nga pala.

Sinuot ko na at nagmadali ng magpedal.

Saint Michael University.

Pinark ko na ang aking bisekleta at dumeretso papasok. Palinga-linga ako at nakita ko si Keo.

Keo Jienz Alquizar, my Two-year crush and still now.

But fate really hate me. But things happen for a reason.

Huminga ako ng malalim at nagderetso na sa room ko at habang naglalakad, diko matago ang ngiti sa aking labi.

Dahil kahit ganito lang, makita ko lang sya, okay na.
Kahit minsan masakit.

D kami magkaklase ni Bella pero sabay parin kami parati.

Natapos na ang buong klase sa umaga at andito kami ni Bella sa Cafeteria ng Senior High Building ng SMU.

"Bes, diba walang klase mamaya?" Sabi niya habang ngumunguya at napatingin ako sa kanya.

"Ahh, oo nga pala wala. Kaya pala ang liit lang ng tao dito" saglit akong napatawa at napatitig sakin si Bella.

"Nakita mo sya ngayon no? Kaya ka nakangiti." Nakangiti nyang aniya at tinitigan ako. "Hays, sana mahalin ka niya, minsan ko nalang yan makikita... Simula nung wala na si Tito Zam".

Dahil sa sinabi niya, napa-iwas ako ng tingin at pinunasan ang maliit na butil na luha na pilit tumatakas sa mga mata ko.

"Okay lang" sabi ko para mapanatag sya. Kahit sa kaloob-looban, gusto ko siyang yakapin at sabihing 'presko parin sakin lahat Bella, sana buhay pa si papa' pero baka magmukha lang akong bata sa kanya. Kaya parati ko itong tinatago.

"Sorry Zyn! Sorry sorry! Babawi ako halika mag-ma-mall tayo!" Nagpahila nalang ako at hinatid niya ako pauwi pero gamit nya yung Bisekleta nya at ako naman sa bisekleta ko.

"Zyn sasamahan tayo ni mama, geh bes ingat Mahal kita!" Ugh kadiri talaga. Di talaga sya mahiyain pag dating sakin, pero isa ito kung bakit mahal na mahal ko bestfriend ko.

Simple lang akong tumango at pumasok na sa bahay.


This was just the beginning, expect more and stay tune! 

Thank you!
Your reads and votes are Highly appreciated💙
-Binibining Asul.

Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon