Chapter 2

41 5 0
                                    

Andito na ako sa Mall at tanging hinihintay ko nalang ay si Bella at Ma'am Beatriz—ang mama ni Bella na syang amo ng aking inay.

Nagsisilbing cook ang mama ko sa bahay nila, kaya lagi doon tumatambay si Bella sa Bahay basta Day off ni mama katulad kanina.

Malaking tulong sa amin si Ma'am Beatriz, ang Pamilya Smith lalo na at Americano papa nya si Sir Lorren.

Tinulungan nila ako sa pagpapagamot sakin noon na sana di na babalik at sila din tumulong samin sa panahon na walang-wala kami.

"Oh Zyn! Andito kana pala, sana hinintay mo nalang kami para sabay na tayo" aniya ni Ma'am Beatriz sakin. Nahihiyang tumungo ako dahil di ako sanay na makasama ang mama ni Bella.

"Shrinette baby, yung plano natin okay?" Nag wink sabay ang Mag-ina at sabay apir.

Napangiwi ako dahil sa wala akong alam
Akma na sana akong magtatanong ng hinila na ako ni Bella papunta sa isang salon.

"T-teka! Anong gagawin nyo sakin?!" Nagpumiglas ako kaso Sila ng dalawa ang humawak sakin.

"Bes ha? Ang O.a" irap nitong sabi at saka tinawag yung bakla.

" Make her Beautiful." Aniya ng mama ni Bella, napanganga ako at a-ano? Papagandahin? Sino?

"Sin–"

"Ah! Siya yung sabi mo madam? Don't worry kami na bahala! From head to toe" nakangising aniya nung bakla.

Kinilabutan ako saglit nung sabihin nila tita na magsho-shopping muna sila.

I'm doomed.

"A-ate ah e-ste k-kuya– oh kahit sino ka man please palayain mo na ako, ayoko, ayokong ayoko, mamamatay ako" maiiyak na ako nito.

"Girl, gugupitan lang kita, ererebond lang kita, pedecure at manicure narin. Yan lang naman keribels lang yan! Wag padala sa espirito ng Ka O.A-han"

Natural akong natahimik dahil sa seryosong saad ng bakla, inaliw ko nalang ang sarili ko sa panonood ng Telebisyon.

"Oh God." Dahil nga sa takot akong makita ang sarili ko na binabago nila, napatingin ako sa salamin at...

"Ako to?!" Napatayo pa ako dahil pinutulan nila yung mahaba 'kong buhok at ang ganda.

Matagal ko ng iniingatan buhok ko dahil palagi itong sinasabi sakin ni papa na lagi ko daw iingatan namana ko daw kase ang medyo kulot 'kong buhok sa kanya.

"Girl, ang ganda mo, bagay na bagay sayo!" Natutuwang ani ng Bakla na nagpaganda sakin si Ted ata?

"Hehe" napatawa nalang ako ng plastik ng wala sa oras! Ma'am  Beatriz san na kayo?

May tinawagan ang bakla at sinabing tapos na ako. At matapos ang ilang minuto andito na sila.

"God, Zyn..." Nakatulalang ani ng Bestfriend ko

Ngumiti ako sa kanila at sabay na naman nila akong hinatak at nagpasalamat sila sa parlorista.

Next stop daw namin ay sa isang Boutique na pagmamay-ari ng Kapatid ni Ma'am Beatriz.

Saglit akong napatingin sa isang shop na may Guitar na mga naka display.

Lumapit ako duon at tinitigan ang isang guitar na matagal ko ng inaasam.

Hays.

Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Muli na namang bumalik lahat ng ala-ala ni papa nung magkasama pa kami, siya ang nagturo sakin mag gitara at siya rin ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko bilhin ang gitarang yun.

"Oh okay ka lang?" Tanong ni Bella at saglit napatingin ang mama niya. Simple lang akong tumango at nagpatuloy na maglakad.

Madaming nabili na damit para sakin si Ma'am Beatriz. Ewan ko ba Kung bakit sabi naman ni Bella gusto lang ng mommy niya kaya hinayaan ko nalang.  Bawal tanggihan ang grasya

Pagkauwi ko dun ko pa nalaman ang oras at di na ako kumain dahil kumain na kami kanina pina deretso nalang ako ni mama sa kwarto ko at sya nadaw bahala.

"Hays, what a day"  saglit akong pumikit at dun na ako nakatulog dahil sa pagod.

This was just the Beginning expect more and stay tune!


Thank you!
Your reads and votes are Highly appreciated!
-binibining Asul💙

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon