Shattered

187K 2.9K 358
                                    

happy birthday in advance ms. Grace! 

hello to allehzzye :)

.

Chapter One

DALAWANG butil ng luha ang sabay na pumatak sa magkabilang pisngi ni Graciela habang binabasa ang maikling sulat na ipinadala ng kanyang groom sa driver nito.

Dear Graciela, 
By the time you're reading this, I'm probably miles away from you. Away from the manipulation of our grandparents. I'm sorry, but I can't force myself to marry you.
Goodbye.
Kenneth

Gustong pumutok ng dibdib ni Graciela sa sobrang sakit. Ang sabihing parang pinupunit ang puso niya ay kulang. Tila hinihiwa nang pino ang kanyang puso saka iyon ginutay-gutay. Kusang bumuhos ang kanyang mga luha, walang puknat ang masaganang pagdaloy. Sa tagal na rin yata niyang hindi umiyak ay parang dam na nabuksan ang kanyang tear ducts. Basang-basa na ang sulat na hawak niya at kumalat na rin ang ink niyon sa papel. Halos hindi siya makahinga sa labis na paninikip ng dibdib. Ano ang kasalanan niya para dumanas ng ganoong klase ng sakit mula sa taong inaasahan niyang makakatuwang sa hirap at ginhawa? She doesn't deserve that kind of pain and suffering. No one does.

Oo nga't isa lamang iyong arranged wedding sa kagustuhan na rin ng mga grandparents nila. Ngunit sa maikling panahon ay natutunan niyang mahalin si Kenneth. Ito na ang nailarawan niyang makakasama sa pagtanda, ang magiging ama ng mga anak na isisilang niya. They were so good together, or at least she thought they were. She can discuss anything with him. Her work as a pediatrician, her future plans, her aspirations and how she wants to start a family as soon as they moved into their love nest after their wedding. Wala man lang siyang kamalay-malay na magkaiba na pala ng direksyong tinatahak ng kanilang mga damdamin. Ni katiting na indikasyon na wala itong balak na ituloy ang kanilang kasal ay wala siyang nakita. At parang ang hirap tanggapin na ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na ipinakita nito sa kanya sa buong panahon ng pagiging magnobyo nila ay kunwa-kunwarian lamang, isang pagpapanggap. 

May ilang sandaling nanatiling walang tinag si Graciela sa kinauupuan sa backseat ng bridal car habang wala pa ring puknat sa pagdaloy ang luha. Ah, sana ay puwede niyang patigilin ang sarili sa pag-iyak kasabay ng pagtigil ng pintig ng kanyang puso para mawala na rin ang sakit. Kung puwede lang turukan ng pampamanhid ang puso para hindi na niya maramdaman pa ang lahat ng iyon ay walang pagdadalawang-isip niya iyong gagawin.

Bumukas ang pinto sa kanyang tabi at pumasok ang kanyang inang si Consuelo.

"Graciela, mas mabuti siguro kung--" nahinto sa pagsasalita ang balo nang makita ang sulat na hawak ng anak. "What is that?"

"My groom is not coming, Mama," she answered in a calm voice. Strange because what she's feeling now was far from being calm. Gusto niyang lumabas ng bridal car at humiyaw. Ilabas ang lahat ng sakit na nagpapasikip sa kanyang dibdib. But she chose to remain calm and composed.

Gumuhit ang pagkabigla sa mukha ni Consuelo. "No, he can't do this to you!"

"He already did." She started removing her veil. 

"Where is your driver? Kailangan na nating umalis dito," her mother sounds panicky.

"No, Mama. Haharapin ko ang mga bisita."

"What? Are you crazy?! Mapapahiya ka, pagtatawanan ka nila."

"Ganoon din naman ang mangyayari que harapin ko ang mga bisita o hindi."

"Mapapahiya ang Lola mo. Umalis na lang tayo. I'm sure she'll know what to do. Let her reps handle this matter."

"No, I'll handle it myself."

Lust in Love (Book III of Lust Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon