The Stranger

74.1K 1.8K 147
                                    

Chapter Three

"GRACEY!"

"Mariz," nakangiting nilingon ni Graciela ang kaibigang doktor na si Dr. Mariz Andrade. Isa itong OB-GYN at halos kasabayan niya lamang ito nang kumuha ng residency sa Sacred Heart Hospital  bago sila sabay ring pumasok sa ospital na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Inamorada Medical Center.

"Pauwi ka na ba?" masiglang tanong nito. 

Palangiti si Mariz at maaliwalas parati ang bukas ng mukha lalo na kapag lumalabas ang magkabilang dimple. Slim, maputi at bombayin ang mga mata. Simpleng-simple lang kung mag-ayos ngunit ang lakas ng dating. 

"Oo."

"Are you up for a night cap?"

"Sure."

"Convoy na lang tayo?"

"Oo, bah," mabilis niyang sagot. Gusto niyang uminom pero wala naman siyang balak magpakalasing kaya tama lang na may dala silang kanya-kanyang sasakyan para malimitahan niya ang sarili. 

"Zero Gravity or Club Red?"

"I hate loud music. Mas gusto kong uminom nang tahimik, although a little bit of jazz in the background won't hurt."

"I knew you'd say that. Let's go to Zero Gravity. If you haven't been there yet, just follow me, okay?"

"Okay."

Nauna ng lumulan si Mariz sa Honda Civic nito at siya naman ay sa kanyang Volvo S60. Hers is considered a luxury car. But she received it as a gift from her Lolo Enrico after she finished her pre-med. Naging malaking isyu pa iyon noon at halos isang taon siyang nakatanggap ng verbal abuse mula sa abuela. Tiniis na lamang niya ang lahat kahit pa nga ilang beses niyang sinubukang isauli na lang ang sasakyan sa abuelo para lamang magkaroon sila ng katahimikan. Pero hindi iyon tinanggap ng kanyang Lolo. Kailangan niya raw ang sasakyan. At kahit ano pa ang gawin ng kanyang Lola Esperanza ay wala na raw itong magagawa dahil nasa pangalan niya ang kotse.

Hindi siya nakatikim ng anumang luho sa mga Lolo at Lola niya. Kahit nang mag-debut siya ay hindi niya naranasang ipaghanda ng mga ito. Samantalang ang Ate Yvonne niya ay sa isang five-star hotel pa ginanap ang eighteenth birthday na talagang pinagkagastahan ng salapi ng kanyang Lola Esperanza. Siya, patago lang siyang inabutan ng Lolo Enrico niya ng pera para makapag-celebrate kasama ng kanyang mga kaibigan. Pero dahil wala naman halos siyang maituturing na kaibigan, itinabi na lang niya ang pera.

Ang sabihing para siyang outsider sa sarili niyang pamilya ay kulang. Ang Mama niya ay parang de-susing manika na walang sariling isip para magpasya. Kung makatanggap man siya ng suporta mula sa Lolo Enrico niya, lagi na ay patago. Na para bang nangingimi itong komontra sa mga kagustuhan ng Lola Esperanza niya.

Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nakita ni Graciela na tumigil sa tapat ng isang establishment ang sasakyan ni Mariz. Zero Gravity. Napangiti siya nang wala sa loob dahil sa uniqueness ng pangalan ng bar. The exterior design looks sleek and sophisticated. Nang maayos na makapag-park ay sabay na silang pumasok ni Mariz sa loob. 

Wala pang masyadong tao. Siguro ay dahil medyo maaga pa at weekdays. The place looks decent, as she surveyed the interior. Pawang mga young professionals ang naroroon. Bukod sa bar stool ay mayroong mga pribadong mesa na pang-grupo at pandalawahan. Medyo dim ang lighting kaya nakaka-relax ang ambience. Sinabayan pa ng banayad na pipe-in music kaya kaagad na na-engganyo si Graciela na maupo sa bar stool.

 Sinabayan pa ng banayad na pipe-in music kaya kaagad na na-engganyo si Graciela na maupo sa bar stool

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lust in Love (Book III of Lust Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon