Dion's POV:
"Jowable naman ako diba?"
"Maganda naman ako"
"Sexy!!"
"Ma effort"
"Ma pera"
"Ano bang mali sakin?"
Ang daldal netong kaibigan ko ano ba kasing pinaglalaban neto"Hoy Maria manahimik ka nga jan alam ko yang mga traits mo ang problema e yung lalaking nagustuhan mo hindi ikaw okayy?" Tangina babatukan ko tong kaibigan ko e
"Beshie naman e, bakit ganun kasi bakit parang di ako ka love love??" Tanong nya sakin
"Hay ewan ko sayo kelan lang kayo nagkausap nyan a week ago? Tantanan mo ko ha nagugutom ako"
Pumunta kami ni Maria sa cafeteria, vacant kami ng 1 hour so kakain nalang muna ako hehehe. Ako si Dion Kobell isang HRM freshman student yung kasama ko kaklase ko si Ma. Anne pero tawag ko sakanya Maria kasi wala lang nangaasar lang haha
Na curious ka sa title noh? Hahaha tamad lang kasi si author mag isip ng title, but hey! Its pretty catchy right?
"Hoy Dion ano na naman yang binibili mo?" Nangingielam na naman tong si Maria sa pagkain ko
"Pake mo ba Maria e sa may gamot ako e tsaka walang wala yang kwek kwek na yan kinakaya ko ngang kumain ng shrimp na walang gamot e haha yan pa ba""Ay nako sige bahala ka pag ikaw talaga" di ko na pinakinggan si maria kumuha lang ako ng kwek kwek kasi gutom na ako. Allergic ako sa eggs at seafood pero walang makakapigil sakin hahaha!! Mesherep kese eng bewel!
"Hanap muna ako upuan ha"
"Sige sige oorder lang ako dito" sabi ko kay mariaHabang umoorder ako nag vivrate phone ko
*Zeus messaged you*
Nasa office na ako chat you later. Love youMag text pala boyfriend ko. 1 year palang kami ng boyfriend ko last year naging kami nung nagkakilala kami sa isang dating app. So far okay naman pero busy sya kasi may work na sya iniintindi ko nalang kasi sabi nga nya para samin yung ginagawa nya
"Hoy panget tabi" kilala ko yun
"Look who's talking" agad kongnakota yung mukhang unggoy kong bestfriend si blue. Boy bestfriend ko sya and parang kapatid ko na din kaya wag kayong ano jan ha!"Palibre naman"
"Tarantado wala akong pera ubos na" kinuha ko na yung pinainit kong kaek kwek and hinanap si maria"Penge nalang nyan" ang kulit talaga netong unggoy na to
"Oh ayan sayo na kawawa ka naman baka sabihin mo ginugutom kita e" binigay ko sakanya yung isang baso ng kwek kwek
"Mamats hahaha! Hoy mamaya nood tayo movie ha may bago daw palabas si bella padilla e"
"Sure meet me later sa waiting shed di ko papasukan yung isang sub ko wala naman sya e"
"Oh sigee!! Sibat na ko hahaha babye labyu panget"
Saktong nakita ko si maria nakaupo nag pophone
"Oh pagkain mo inday" abot ko sakanya ng fries"Thanks."
Mukhang may problema si tanga ah
"Oh bakit ganyan mukha mo"
"Alam mo na" sagot nya sakin
Hindi na ako nagsalita kumain nalang ako hinayaan ko muna syang mag phone mamaya ko na sya kakausapin.
Ano ba yung bagong movie ni bella padilla?
