Nag lalakad na ako papunta sa room ng may sumuntok sa braso ko.
Ay lintek! nilingon ko agad ang taong may gawa non at nakita ko ang nakangiting si Jackson. "Bwisit ka tol, wala kang kwenta!" sigaw ko sa kanya pero natawa lang sya at may nilabas galing sa bag. "Oh, halatang di ka pa nag aalmusal" saka abot saking ng Mc cafe at burger. "para sakin ba talaga yan? Baka naman di lang tinanggap ni Wanda kaya binibigay mo sakin?" tumigil kami sa pag lalakad at hinarap ko sya, madalas kasing ganon binibigyan nya lang ako ng pagkain pag di tinanggap ni Wanda o kaya na badtrip sya at di nya kinain pagkain nya pero pag nasa mood ang kupal kasama ako sa bibilhan nya.
"oy hindi ah, kelan ko ba ginawa sayo yun?"
"madalas tol."
"Tss tanggapin mo nalang kasi, tas sabay tayo mag lunch mamaya"
"Ano ba nakain mo? Di kayo sabay ni Wanda?"
"Hindi, hahahaha nakipag-break sya sakin eh nahuli nyang may kausap akong ibang babae eto na naman break daw tas maya-maya sila na naman."
"Lumandi ka na naman sa iba? Tol para ka kamong ewan"
"Tol hindi ako lumandi ok? Kinausap lang ako nung babae tungkol sa binibenta ni Mama, actually customer sya ni Mama. Alangan di ko kausapin diba?" Tama nga naman, sobrang support kasi sya sa bagong business ng Mama nya. He even help Tita Lany to sell online, at sobrang pumatok yon dahil famous din sya sa buong campus and some other schools.
"Edi sana nag paliwanag ka". Malapit na kami sa room ko at pati sa room nya, well di na kasi kami mag kaklase kaya hiwalay na ng room.
"Tol kilala mo naman si Wanda mauuna muna emosyon non bago ako pakinggan."
"Tss yaan mo lalamig din ulo non tingnan mo mamaya kayo na uli"
"Sana nga hahahaha mahal ko yun eh." tss daming alam, tinaboy ko na sya at pumasok na sa room 7:25 na kaya maya-maya lang ay mag sisimula na ang klase.
Pumasok si Patrick at sinabing wala daw ang teacher namin sa first subject kaya nag diwang ang buong klase. Buti nalang wala, makakain ko na rin tong bigay ni Jackson.
"Capt. Nag almusal ka na? Tara kain tayo." Kinuha nya ang wallet nya at bumaba na kami sa canteen.
"Sosyal ka ngayon ah naka Mcdo, dumaan ka bago pumasok?" tanong nya habang kumakain kami.
"Di ah, tanghali na nga ako nagising tas dadaan pako don?"
"Eh san galing yan sa canteen?" epal talaga nito.
"Kay Jackson, inggit ka no?"
"bat ako maiinggit kaya ko rin bumili nyan, kaya nga rin kitang bilhan nyan eh."
"Whatever."
Nag patuloy lang kami sa pagkain habang nag kukwentuhan nang maramdam kong biglang nabasa yung t-shirt ko. "Oh Heck!" napatayo agad ako, shit basang basa yung likod ko, pati tuloy si Patrick napa-tayo.
"Capt. Ok ka lang?" bwiset sinong may gawa nito?!. Lumingon ako sa likod at nakita ko sila Aubrey na tinatawan ako, lintik yan ang aga-aga naman ata mambwiset ng mga babaeng to.
Nakita ko rin ang babaeng nakaluhod sa sahig at may hawak na plastic cup.
Lumapit sakin si Patrick at tinanong kung ok lang ako, pero nakita nya yung babaeng nakaluhod. "Patricia? Wait anong ginagawa mo jan?" tinulungan nya tumayo ang babae habang nakita ko naman sila Aubrey na nagulat.
"Sorry Caroline hindi ko naman sinasadya, sorry talaga." Nakayuko sya at hindi ko makita ang mukha nya. Inangat ko ang ulo nya at namukhaan ko kung sino sya, tss Patricia pala ang pangalan nya, sya yung babaeng naka bunggo ni Patrick kahapon habang papunta kami sa gym.
"Bat kasi lalampa lampa ka?" pag tataray ko, heck badtrip na ako ang aga-aga buhusan ka ba naman ng tubig sa likod?
"Ey Capt. Easy ka lang"
"Sorry hindi ko naman talaga sinasadya napatid lang ako."
"Napatid? Seryoso ka ba jan wala na bang mas lame pa?" Nakita ko si Aubrey na papalapit sa amin, e-epal na naman tong babae na to.
"Hay nako Caroline kung ako ikaw diko hahayaan na hindi gumanti sa kanya, like duh? She just ruined your P.E t-shirt. Suggest ko lang ha, why dont you ruin her shirt too? Buhusan mo rin hahaha para fair." singit ni Aubrey na wala namang dulot sa buhay ko.
Napangisi ako at kinuha ang juice na inumin ni Patrick at saka tumingin dun sa Patricia.Akmang ibubuhos ko sa kanya ang juice pero di ko tinuloy.
"Pasalamat ka at hindi ako si Aubrey, well I dont like her ayokong maging sya." sabi ko kay Patricia at bumaling naman kay Aubrey at walang sabi-sabi na binuhos sa kanya ang orange juice.
"I am Caroline Mendes at hindi magiging ikaw kaya wag mo ako papa-andaran ng kung ako ikaw mo ha? Atsaka luma na trick mo, pag patid sa iba? 4th year high school na tayo at wala paring nag babago sayo, youre still the little girl na insecure sa isang Caroline Mendes." kinuha ko yung Mc Cafe ko at lumabas na ng canteen.
"Bwiset buti may extra t-shirt ako."

BINABASA MO ANG
Their Friend, Caroline
Teen FictionWhy do people tend to like a person who hurts them? Why do they choose a person who's just ignoring them? Because I am so confuse, why not choose a person who's always at your side, been there when you got a problem, help you in some things that you...