Chapter 2

1 0 0
                                    

We had a long day, sobrang daming naging activities samahan pa nang maingay na kaklase at masungit na teacher sobrang nakaka drain.

"Capt. tara sabay tayo uwi" yakag ni Patrick na halata sa mukha na pagod din at excited umuwi. "May practice kami ngayon, next time nalang" biglaang pa-practice kasi coach may practice game daw kasi kami this coming Saturday.

"Seryoso? tss sige anong pipiliin mo volleyball o ako?" pag hahamon nya, ha! kala naman nito.

"Syempre volleyball, ano sa tingin mo ikaw? bala ka nga jan." saka ako nag lakad papuntang gym. Nagulat nalang ako ng biglang may kumuha sa dala kong bag.

"Akin na nga 'to kawawa ka naman, bawal pagurin ang kapitan" Patrick will always be Patrick, he's always like that papapiliin nya ako kung volleyball ba o sya at syempre mas pipiliin ko ang volleyball well dahil kasi sa volleyball kaya ako nakakuha ng scholarship sa school na 'to, then magtatampo onti tas maya maya sobrang sweet nya na. Ewan ko ba jan parang bading.

"Bat andito ka pa? akin na yan umuwi ka na" I said while reaching for my bag but he keep on holding it tight. "Yoko pa aantayin nalang kita" and he smiles dahilan para lumabas ang mga putting ngipin nya at unti-unting mawala ang mata. Bakit ang gwapo nya? Heck! "Matagal ako mag papractice, uwi na" pag pilit ko pa rin. "Ayaw nga" pipilitin ko pa sana sya ng may nabangga syang estudyante at natumba. At being Patrick tinulungan nya yon habang ako naka tayo at naka cross arms, de javu ba 'to? ganyan lagi moves ng mga babae kapag gusto nilang mapansin sila ni Patrick. At syempre tutulungan naman nya, ewan ko ba sobrang bait nang pagpapalaki sa kanya nila Tita May.

"Hey you ok?"

"Ok lang, salamat" napag isipan ko nang umalis tss baka mag landian pa sila sa harap ko jusko. Dumiretso ako sa locker area para kunin ang damit at nag bihis narin. Pag punta ko sa court nag start na kami mag warm up and do other drills. After that we begin our training, our team is in good condition and I know we can win the game this coming Saturday, we take a break for 2 minutes.

"Kapitan!!" napalingon ako sa may bandang bench at nakita ko si Patrick na naka ngiti at kumakaway. Parang bading. "Yieee Capt. yung boyfriend mo andito na naman, sobrang supportive nya talaga" at inasar nila akong lahat. "Anong boyfriend? tigilan nyo nga ako" iinom na sana ako nang maalala ko na nasa bag ko pala yung tubigan ko, wala tuloy akong nagawa kundi lapitan si Patrick. Pero hindi pa 'ko tuluyang nakaka lapit tumayo na sya at naglakad papalapit sakin.

"Oy kapitan ko, sabi ko sayo wag mo papagurin sarili mo di ba?" saka nya binigay sakin yung tubig ko at kumuha rin ng towel para punasan yung mga pawis na nagtutuluan sa mukha ko. I smiled sobrang lambing talaga nya. Di ko na sya inaway at nag thank you nalang. Matapos non ay inaasar na naman nila ako habang nag papractice.

--------

"Kapitan ko, di mo ba kakausapin si Wanda? di ba broken sya?", tapos na ang practice at pauwi na kami, and yes inantay nya talaga matapos ang practice naming para lang sabay kami umuwi. "Di na kailangan, nag chat sya kanina at sabi nya nagka-balikan na daw sila ni Jackson", lagi naming ganon mag bi-break sila tas maya-maya sila na naman uli, ewan ko ba sa kanila.

We continue walking until we reach my home. "Uwi ka na, salamat", I was about to enter our gate nang tinawag nya uli ako, "Caroline...", napatigil ako dahil sa pag tawag nya sa pangalan ko at hindi 'Capt.' lumingon ako sa kanya at seryoso sya, pero maya-maya lang at biglang tumawa. Tss siraulo talaga tong taong to. "Bantot ng pangalan mo Capt., uwi na nga ako hahahaha", tinignan ko lang sya ng masama at akmang babatuhin sya ng sapatos kaya tumakbo na sya pauwi.

Their Friend, CarolineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon