Prologue
Meron ka bang mga kaibigan, kabarkada o ka-tropa sa iyong eskwelahan?
‘Yung mga taong tinuturing mong halos parang mga kapatid mo na?
‘Yung mga taong pinagkakatiwalaan mo sa lahat ng bagay?
‘Yung mga taong parating nandyan para sa’yo?
‘Yung mga taong parating kasama mo?
‘Yung mga taong nakapagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo?
‘Yung mga taong kasama mo sa saya at kalungkutan, sa katinuan at sa kalokohan?
Siguro naman, meron?
Ako, meron din…
Mula noong mga bata pa kami, magkakasama na kami..
Magkakaibigan din kasi ang mga magulang namin..
Mula nursery hanggang ngayong senior high school, magkakaklase kami..
Halos magkakapatid na nga kami eh.
May tiwala kami sa isa’t-isa.
Parati kaming nandyan para sa isa’t-isa.
Parati kaming magkakasama, hindi na nga mapaghiwalay eh.
Kami ang kumukumpleto sa araw ng isa’t-isa.
Kami-kami rin ang magkakasama sa saya at kalungkutan o kahit sa katinuan at kalokohan man.
Sabi nga nang iba’y, PERPEKTO ANG AMING PAGKAKAIBIGAN…
PERO AKALA LANG NILA ‘YON.
AKALA LANG NANG LAHAT ‘YON.
Punong-puno ng mga sikreto ang mundong ginagalawan namin,
Na kahit ang eskwelahan na dinadaluhan mo para matuto ay hindi nakaligtas sa mga sikreto..
Sikretong mula noon hanggang ngayon ay nagdudulot ng kasalanan at kasamaan….
Lahat ay may kanya-kanyang sikreto..
So never trust their smiles..
Never trust their angelic faces..
Never trust their deeds..
BECAUSE IT’S JUST THEIR MASKS..
‘Yung mga akala mong mapagkakatiwalaan mo..
‘Yung mga akala mong poprotekta sa’yo..
At ‘yung mga pinoprotektahan mo..
SILA ANG PAPATAY SA’YO..
Pero ako? Uunahan ko na sila..
Papatayin ko muna sila, bago pa nila ako mapatay..
‘WAG KANG MAINGAY HA?
dahil ikaw lang ang nakakaalam ng pinaplano ko…
Sino nga ba ako?
Tandaan mo lang parati…
“From light and sight, the moon existed.
To sun and dawn, forever be connected.
In old heavens, it’s a letter-bearer.
With the arch of color, it sprang together.
It’s one more than one heavenly,
But not a servant of Hades and Persephone.
Should arise from the ending
And awareness be backward flowing.”
THIS IS WHO IAM.
I am the Riddler of Acheron University.
And I will make sure THEY will be hunted for their sins…
HUNTED BY RIDDLES.
----end of prologue----
[YBM’s 1stBloodyNoteForHBR: WHOOOOO~! YES! Natapos din! KADUGOOOOO~! Kamusta po ang Prologue? Ayos ba ‘yung unang riddle? Navi-visualize nyo na ba ‘yung flow ng story?
Got any comments? violent reactions? bloody revolution?
Ang masasabi ko lang-- ALWAYS READ BETWEEN THE LINES.
I’ve posted this while thinking about the scenes on the next chapters of GL at hbang nagsusunog ng kilay para sa UPCAT~! PLEASE SUPPORT THIS NEW STORY OF MINE~! Thank you!! <3 <3 :*]
![](https://img.wattpad.com/cover/21387390-288-k748570.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunted by Riddles: Acheron University
Mystery / ThrillerFriends. Sinners. Liars. Killers. Riddles. Friends. Sinners. Liars. Killer. Riddler. Friends. Sinners. Liars. Killers. Riddles.