Untitled 2

3 0 0
                                    


"I found a woman. Stronger than anyone i know. She shares my dreams, i hope that someday i share her home."

"Sira ulo ka Kevin ahh."

"Kinilig ka naman. Konyatan kita dyan e."

"Di ako kinikilig sayo. Kadiri kaaa."

"Maka kadiri ka parang di mo ko inakit akit nung weekend"

Namula ata yung buong katawan ko sa sinabi niya. Ang kapal niya para sabihin yunnnn.

"A-aray koooo. Sasabihin na naman sa office, binugbog mo kong babae ka. Battered admirer ako masyado ahh." Pinagpapalo ko siya sa ulo, nakakainis kasi siya.

"Admirer your face. Di ka pogi, wag tayong assuming please."

"Talong talo ka sakin nohh??? Sino may pimple na malaki sa ilong--aray kooooo. Kung pwede lang talaga kitang kutusan. Pasalamat ka--"

"Thank youu. Bleeh!! Bwisit ka, dyan kana sa post mo. Tubuan ka sana ng kulugo sa ilong." Badtrip na badtrip akong pumunta sa department ko.

Kainis talaga yung Kevin na yun. Alam na alam kung anong nakaka bwisit na pang asar. Impakto talaga yung lalaking yun.

Natatandaan niyo ba yung hunyangong yun? Nakasalubong ko lang siya 3 years ago sa daan papuntang office namin. Doing some crazy stunt para mapansin ko. Pero after that afternoon na nakausap namin siya ni Pauline, di ko na siya nakita ulit. Then nung lumipat ako ng trabaho sa may Mandaluyong, nakasalubong ko siya sa hallway. Dun pala siya nagtatrabaho. At ang bungad talaga niya sakin "sinusundan mo ba ko?" Ang animal, ang sarap sapakin. Since then, feeling close na siya at ayun nga, tinuloy niya yung so called pagkagusto niya sakin at hanggang ngayon, nanliligaw siya pero sabi ko sa kanya, mas okay kaming tropa kaya manatili kaming ganon.

"Nakabusangot ka na naman, Rain. Inaway ka na naman ng admirer mo?" -Cielo, isa sa accounting staff.

"Pinansin na naman yung pimple ko. Pastilan siya. Bubugbugin ko ulit yun mamaya pag hanggang mamaya asar pa rin ako." sumbong ko sa kanila.

"Bugbog Rain na naman si Kevs ahahaha" - Ate Lany.

My name is Katerina. Before, Rina ang tawag sakin kahit hindi tayo close. Pero maaarte ang tao sa bago kong office at ginawang Rain ang palayaw ko. Si Kevin naman ang natatanging tumatawag sakin ng Kate since bagay daw sakin yung cake este Kate na pangalan. Ahahaha.

Buong araw kami naging busy sa accounting dahil reporting week na. Lalo akong na i stress at pinag iinitan ko talaga yung pagmumuka ni Kevin na nasa cork board ko at tadtad ng color pins.

"Stress na stress ahh. Ang pogi pogi ko sa picture na yan tapos tinadtad mo ng pins." Inabutan niya ko ng kape galing sa cafeteria.

Before, inabutan niya ko ng kape galing starbucks, imbes na magpasalamat ako, sinermunan ko pa siya. Ang mahal mahal ng kape, di naman masarap, buti pa yung 3-in1 e, malasa pa.

"Sino ba kasi nagsabing ilagay mo yan dyan?"

"Para ma inspire ka ahahaha"

"Expire kamo."

"Montecillo nandito ka na naman. Di pa ba tapos yang ligawan na yan?" - si Mam Blez. Head accountant namin. Mabait yan.

Mababait naman lahat sa office na to. Pamilyang pamilya ang turingan dito pwera nga lang sa Kevin na to na ayaw ako tigilan sa ligaw ligaw. Ka imbyerna.

"Eto kasing alaga niyo Mam. Ayaw pa bumigay e. Binigay ko na nga ang lah---araykupo" hinampas ko siya sa likod..pero mahina lang.

"Kung ano ano na naman pinagkakalat mo dyang bwisit kaa."

"Hashtagbugbogkevsbyrain" sabay sabay na sigaw ng mga tao sa accounting. Laging ganun ang sinasabi nila pag nakikita nilang sinasaktan ko si Kevin sa sobrang gigil ko sa kanya.

"Mga sira ulo. Oh kayo ang sumagot dyan. Mapang asar na sobra. Uupakan kita mamaya Kevin, paghandaan mo naa" Badtrip talaga ako.

"Okay aawat na po. Binibiro ka lang para gumaan yung pakiramdam mo. Don't stress yourself too much. Gusto mo pa ba ng picture ko na pagtutusukan mo ng pins?" Seryosong sabi niya.

Leche. Leche. Pag ganitong seryoso na siya ako nawawala eh. Pastilan ang nakakainis na to. Kaibigan nga lang. Bakit ba kasi. Nakakainis talaga.

"N-no need." Talaga bang nautal ako sa pagsasalita?? Aasarin na naman ako.

At eto na nga. "Uyy nautal. Crush mo ko?" Sabay layo ng damuhong ito. Tawa naman ng tawa yung mga tao dito na akala mo nanunuod ng sitcom.

"Bubugbugin talaga kita Kevin."

"Sa pagmamahal? I know love. At tatanggapin ko yun ng buong puso. God bless you there." Kumindat pa bago tumakbo papuntang pinto. Kagatin sana ng langgam yung mata niya. Tsss.

Inasar asar naman ako dito.

Bwisit talaga kahit kelan yung lalaking yun.

Pero aminin. Kinilig.

Hays.

Eto na.

Gusto ko si Kevin.

Hello? Babae po ako noh. At sa efforts ba niya yun, sa tingin mo hindi ako magkakagusto sa kanya? Araw araw sinusundo niya ko sa bahay namin kahit ang lapit na niya sa office. Gusto niya daw kasi akong makita agad agad sa umaga. As in maaga niya kong sinusundo para sabay kaming mag breakfast sa canteen. Di niya nakakalimutan magdala or magpadala ng kape tuwing coffee break at alam niya yung gagawin pag stress na stress ako. Sweet din siya at maalaga talaga. Mapang asar lang pero tolerable dahil nagagantihan ko naman siya ng bugbog. Wala naman talagang problema sa kanya.

Sa akin lang meron. Kasi kahit napatawad ko na si Joshua at Colleen sa nangyari samin. As in napatawad na, okay na okay na ako sa kanilang dalawa. Walang ilangan kaya ang saya mabuhay kasi wala ng bitterness na kinikimkim. And im glad na nagawa kong mag move on na walang ginagamit na ibang tao :) kasama ko sa journey na yun si Lord, si mama, Pauline at mga kaibigan ko :)

Perooo ayun nga, naging maayos man ang lahat, nagkaroon naman ako ng takot makipagrelasyon. Lalo na sa case namin ni Kevin na sobrang malapit na kami sa isat isa. Baka may masira na namang friendship, na tiwala. Pero pinagpe pray ko yun. Na kung kami man ni Kevin ang gusto ni Lord para sa isa't isa, edi magiging kami. Sa oras na ibibigay Niya para sa amin.


~just a short update for this random story :)


UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon