🎶I found a love for me. Darling just dive right in and follow my lead.🎶
Ihhhhh!!! kakiligggg ng boses ni Michael Pangilinan. Pwede na kong mangisay dito sa daan. Hahahaha.
Papunta na ko sa bagong office namin. Naglalakad na naman kaya for sure haggard na naman ako neto mamaya. Di man lang sila pumili ng convenient sakin. Lagi na lang akong malayo. Kaini-
"Araykupo. Pasensya na po." Yuko yukuan pa ko parang korean hahaha.
Di ko nakita yung nakabungguan ko pero naamoy ko. Nagpatuloy lang ako maglakad aba kahit mabango siya, ayaw ko ng masyadong cliche na kwento noh ahahaha.
"Ah miss." Hinabol ako ni kuya. "May nalaglag ka." Inaabot niya yung panyo.
"Hala salamat po." Inabot ko yung panyo tsaka tumalikod na din. Yaw ko nga ng cliche story ehh >.<
"Miss wait lang." Pinahinto na naman ako. Naiinis na ko at natapos na lang bigla yung kanta sa earphone ko.
"Bakit? May nalaglag ka rin?" Nagpalinga linga naman ako sa daan tapos tumingin ako sa kanya.
Parang na shock pa nga siya at nakakita ata ng multo sa katauhan ko. Pastilan siya >.<"
"M-meron." Nakipagtitigan po siyaaa.
"Ano po yun? Para matulungan kita?" Bait baitan ako kahit naiinis na ko.
"Y-yung p-puso ko."
"Hala kuyaaa.. Bat naman malalaglag yung puso mo??? May ribcage ka naman ata????" Nanlalaki yung mga mata ko nung sinabi ko yun.
At laughtrip si kuya kasi bigla siyang natanga. Mga ten seconds siguro bago ako tumawa ng malakas.
"A-ah, eh." Napakamot siya ng ulo.
"Ih, oh, uh. Gusto mo ba pati english alphabet, i discuss natin?"
"P-pwede ba?"
Ako naman yung napatanga. Lakas magtrip ni kuya pero after 10 seconds di siya tumawa.
"Hala ka kuya. May nahithit ka ba ngayong umaga na para kang adik kausap?" Natatawa kong sabi.
Ewan ko din ba sa sarili ko kung bakit patuloy ko pa rin siya kinakausap. Helloo.. Kamalayan natin adik talaga to kahit ang bango bango at ang cute niya ahahahaha.
"Anyway, naiinitan na kasi ako kuya at nandun pa sa malayo yung pupuntahan ko. May gusto ka ba sakin?"
Alam ko! Alam ko ang kapal ng mukha ko para magtanong. Pero para lang matapos na. Hahaha.
"H-ha? A-ano? Aahh."
Natawa ulit ako. "Thank you sa morning laugh. Good morning kuya. Mag ingat ka sa paroroonan mo at bye bye na.." Nag jog na ko paalis kahit tinatawag pa niya ko, di na ko lumingon. Init na init at gutom na ko e xD.
Malapit na ko sa office nung naalala kong wala naman akong dalang panyo.
"Hala kaamoy niya." Para akong asong inamoy amoy yung panyo nung lalaki. "Adik ata talaga si kuya, eto pala yung nalaglag niya kung ano ano pa ang sinasabi niya. Aigoo."
Pagpasok ko ng office, nakita ko pang baliw baliwang nagsisigaw yung guard namin habang kumakanta ng perfect ni ed sheeran. >.<""" kumukulo na agad yung bunbunan ko. Ke pangit niya kumanta. Okay lang sana kung...
Ayyieeee.. Si Michael Pangilinan yung kumakanta.. Waaaaahhh.. Good mood na ulit ako hihi.
~
Buong araw akong good mood kahit tambak ang tatawagan ko. Pero wait ngaaaa, kilala niyo na ba ako??

BINABASA MO ANG
UNTITLED
AléatoireRandom stories Magulo yung sequence ng mga stories But i hope, you'll give this a chance and if naguguluhan kayo, you can ask me :) Writing is one of my diversion. Happy reading.