Blood Stained Bridal Gown

182 22 397
                                    

Blood Stained Bridal Gown

Live a life you won't regret when you die. Don't be afraid to take chances, make risky decisions and most importantly, follow your heart.

As I looked at myself in front of the mirror, a smile curved my lips. Hindi ko mapigilan na mamangha sa suot-suot kong white gown na hapit na hapit sa naka-korte kong katawan.

Naisip ko'y, may advantage rin pala ang aking healthy diet at regular exercises noong nasa Navy camp pa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naisip ko'y, may advantage rin pala ang aking healthy diet at regular exercises noong nasa Navy camp pa ako. I'm glad my body turned out the way I desired it to be.

"You look, dazzling, Calista." I felt mom's hand on my shoulder. 

Nagkatinginan kaming pareho sa reflection namin sa salamin. I managed to smile, but a tear escaped my eyes.

Lumapit si mom sa kinauupuan ko. "Magaling ang make-up artist na nakuha natin," mom said while smiling, "Hindi masiyadong makapal ang nilagay niya."

I bit my lower lip, saka nilingon si mom ng bahagya. "Mom, kinakabahan ako," mangiyak-ngiyak kong wika.

She smiled a reassuring one saka niya 'ko niyakap sa aking leeg. "Aze, is with you. Saka, alam mo naman ang mga dapat mong gawin mamaya 'di ba?" wika ni mom habang kumakalas sa pagkakayakap sa 'kin.

I nodded. "Pero, paano kung magkamali ako mamaya, paano kung umiyak ako mamaya, paano kung . . ." naputol ako sa aking pagsasalita ng marahan na tinapik ni mom ang aking balikat. Tila sinasabi niyang kalma lang ako.

"This is your wedding day. Just enjoy your day and just be you. Everything will be alright. Andito lang kami ni dad mo," pagpapanatag niya sa 'kin.

Kahit papaano'y napakalma ako sa narinig kay mom. Mom, really knows what to say at the right time - well, sometimes, not always -.

I glanced at my reflection, habang inaayos na ni mom ang belo na ipapatong sa ulo ko. This is it, naisip ko. Wala ng urungan ito dahil after ilang oras magiging Mrs. Fransisco na ang aking apelyido. Dapat ay maging masaya ako pero, pakiramdam ko'y napakabigat ng dibdib ko ngayon. Maaaring dahil sa sobrang kaba kaya hindi ko magawang maging masaya ng lubusan. Hindi ko maikakaila na mayroon pa rin akong alinlangan sa aking desisyon.

Si Aze na kaya ang nararapat na makasama ko habang buhay? Bakit sa ngayon ko lang naitanong sa aking sarili ang mga katanungan na ito?
Dapat sana'y noong una pa lamang, sa araw ng proposal niya ay dapat pinag-isipin ko munang mabuti. Naging padalos-dalos ako sa aking desisyon at nagpatianod ako sa aking nararamdaman; binalewala ang aking isipan.

Looking back, I should've had think more than twice before, pero ngayon, wala ng urungan ito. Kailangan kong panindigan ang aking desisyon. Alam ko sa aking sarili na . . . mahal ko siya at mahal niya rin ako.

Siguro naman, magiging maayos lang ang lahat. Siguro naman, hindi siya magbabago pagkatapos ng kasal. Siguro naman, hindi ako magsisisi sa huli. Masasagot lamang ang mga katanungan kong 'to pagkatapos ng kasal. Napabuntong-hininga ako sa mga naiisip dahil parang pinipilit ko na lamang ang sarili kong maniwala sa mga  naiisip ko. Bakit kase ngayon pa ako nakaramdam ng alinlangan?

Blood Stained Bridal Gown #FebObli2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon