Christmas Death Day

64 22 16
                                    


Napatingin ako sa cellphone ko na ang tanging nagbibigay liwanag sa gusaling ito nang makitang pumatak ito sa 00:00 o nangangahulugang alas dose na ng madaling araw, pasko na. Kamatayan ko na.

Kung kayo'y nagsasaya kasama ang inyong mga pamilya, pwes ibahin niyo ako. Nandito ako sa dorm namin. Ako lang magisa. Lahat ng tenant maski ang landlord namin ay nagbakasyon para i-celebrate ang pasko.

Bukod sa wala naman ang mga magulang ko dahil lagi naman silang may trabaho sa ibang bansa, may isa pang dahilan kung bakit hindi ako nagsasaya ngayong araw ㅡ ang kamatayan ko.

Siguro matatawa lang kayo pag nalaman niyo kung bakit ako nagkakaganito. Ngunit hayaan niyo lang akong magkwento.

ALING MILLER
the
FORTUNE TELLER

Iyan ang bumungad na pangalan ng booth ng aleng nasa mid 30s na humarang samin ni Louise, ang bestfriend ko, kanina habang naglalakad kami dito sa mall. Halloween special daw kaya libre para sa first 50 costumers at buena mano pa kami. Kakabukas lang kasi ng mall nang pumunta kami.

"Maupo muna kayo mga hija." sabi ni Aling Miller kaya umupo muna kami sa upuan sa tabi ng pintuan

"Sandali lang." sabi niya pa at pumasok sa loob ng kaniyang booth. Narinig pa namin na tila ba may sinasaway siya sa loob bago lumabas "Isa-isa lang. Sinong mauuna?"

"Ako na po." sabi ni Louise sabay tayo at iginaya naman siya ni Aling Miller sa loob

Hindi na ako nagtaka nang mag-volunteer si Louise. Naniniwala kasi siya sa mga ganyang bagay. Sinamahan ko na lang siya kahit hindi ako naniniwala sa mga ganitong hula hula. Tayo naman kasi ang gumagawa ng kapalaran natin at walang makakapagsabi kung anong mangyayari sa kinabukasan natin.

Ilang minuto pa'y lumabas na si Louise at ako na ang pinapapasok. Ayoko sana kaso pinilit din ako ni Louise. Hayaan ko na nga't libre naman.

Pinaupo ako ng nagpakilalang apprentice ni Aling Miller sa tapat ng inuupuan ni Aling Miller na may crystal ball at tarot cards sa mesang pumapagitna sa amin.

"Rhian," nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko kahit hindi pa ako nagpapakilala. Siguro nabanggit ni Louise kanina. "Dahil Halloween ngayon, pili ka ng huhulaan ko sayo: Dahilan ng pagkamatay mo, o kung kelan ka mamamatay?" tanong ni Aling Miller

Natigilan ako sa tanong niya. Medyo kinilabutan ako sa paraan ng pagkakatanong niya. "B-bahala na po kayo."

"Sige. Dahil pinili ng kaibigan mo ang dahilan ng kanyang pagkamatay, huhulaan ko na lang sayo kung kelan ka mamamatay." Napangiwi ako nang palihim dahil ayoko ng ganitong usapan. "Pumili ka ng isa."

Pumili na ako ng isang card para matapos na ito. Kinuha niya ang pinili ko at pinahawak ako sa crystal ball. Ipinatong niya naman ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa crystal ball at itinapat dito ang card na nabunot ko.

Pumikit siya at sinabing "25."

"Po?" tanong ko

Dumilat na siya at tumingin nang diretso sa aking mga mata "December 25 sa taong kasalukuyan. Ang araw ng pasko ay magiging araw ng iyong kamatay--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Christmas Death Day [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon