Chapter 1: Elite Kingdom University

322 6 0
                                    

"Kiera, you're finally here!"

Excited na salubong sa akin ni Doris pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment namin. She hugged me so tight I thought she'd kill me.

Nang kumalas na siya sa pagkakayakap sakin, nagulat naman ako ng siya pa mismo ang naghubad ng lumang coat na suot ko bago ito sinabit sa pakong nasa likod ng sira-sira naming pintuan.

Nanlaki rin ang mga mata ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Nakangiti at mukhang inosenteng nilalang kaya nagsimula na akong kilabutan at kabahan.

Hindi kasi siya inosente.

Ano na naman bang nahithit ng babaeng 'to?

Hinawakan niya yung sapatos ko at akmang huhubarin niya rin ito mula sa akin kaya napatalon ako palayo sa kanya.

"Doris, what are you doing?" I exclaimed.

Tumingala siya bago ngumisi. "Pinagsisilbihan ka, mahal na prinsesa." sinubukan niya na namang hawakan yung antique shoes ko. Parang pati yata mga ninuno ko ay ginamit pa ang sapatos na 'to.

Tuluyan na nga akong tumakbo papunta sa maliit naming living room na nagiging dining room din kung kinakailangan para makalayo sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay dampot ng isang throw pillow. "Kapag hindi ka talaga tumigil sa kabaliwan mo, ibabato ko 'to sayo!" I threatened her.

She pouted and crossed her arms on her chest bago dahan-dahang naglakad palapit sa kinaroroonan ko. "Psh. I just wanted to help you. Alam kong pagod ka galing sa trabaho mo." paliwanag niya bago ngumuso ulit.

I look at her suspiciously. "Really Doris?" binalik ko yung throw pillow sa maliit naming sofa.

Hinubad ko na rin yung sapatos ko bago pa niya maituloy yung balak niya. Nadudumihan narin kasi yung sahig. Buti sana kung siya ang maglilinis.

According to her, she's allergic to household chores. Bigla nalang daw kasi siyang nagkakasakit tuwing may general cleaning kami.

Tsk. As if I'm not aware that she's only pretending. Palusot niya lang yun para pagtakpan ang pagiging dakilang tamad niya.

Well, there's another reason kaya hindi ko rin siya hinahayaang gumawa ng household chores. Swerte niya at hindi siya pwedeng gumawa ng mga bagay na masyadong nakakapagod.

"Tatlong taon na tayong magkasama pero ngayon mo lang naisipang pagsilbihan ako pagkatapos magtrabaho?" tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi naman siya nakasagot. She bit her lower lip. Pinaglalaruan niya yung mga daliri niya sa kamay. She can't even look at me in the eyes.

Nagkakaganyan lang siya kapag...

I gasped.

"ANO NA NAMANG GINAWA MO, DOROTHY MAUREEN THOMAS?!" I shouted at her.

Siguradong papagalitan na naman kami ng mga nakatira sa katabi naming units dahil sa ingay. Medyo nagsisi ako ng konti sa pagsigaw but I'll deal with my angry neighbors later.

For now, itong troublemaker kong bestfriend muna ang aatupagin ko.

She let out a nervous laugh.

"H-haha. Grabe ka talaga sakin Kiera. Porket ba nagpapakabait ako, may nagawa na agad akong masama?" nanginginig ang boses na tanong niya.

"Yes." walang pag-aalinlangang sagot ko.

Napasimangot naman siya agad. "You're so mean talaga." nagtatampong sabi niya.

"Come on Doris, tell me, what did you do this time?"

"Wala nga! Promise Kiera wala talaga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Elite Kingdom UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon