Chapter 18: Tea Spilled

58 2 0
                                    


"Good afternoon, Head Mistress." Barbs greeted the woman sitting on a swivel chair. Nakatalikod ito sa amin pero kahit ganun ay hindi nabawasan ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

Umikot ang upuan at bumungad si Head Mistress Prima na seryoso ang mukha. Diretso ang matalas niyang tingin sa akin. Nang makita niya si Barbs, saglit na nag-iba ang kanyang ekspresyon.

"Kindly leave the two of us, Barbara." there was a small smile on her lips when Barbs bowed and silently went out of the office.

"So, Lady Ahkiera.." kakaiba ang tono niya nang binanggit ang pangalan ko. Parang sarkastiko ang dating nito. "How's your stay here so far?" she was smiling when she asked me that ngunit hindi ko gusto ang klase ng ngiti niya.

"Maayos naman po." magalang na tugon ko kahit naguguluhan. Saan patungo 'tong usapan namin?

"I can see that you're getting impatient so let me get this straight." mas naging delikado ang tingin niya sakin. "Nandito ka dahil sa paniniwala ng mga hari at reyna na makakatulong ka para ibalik ang tiwala ng mga rebelde sa mga namumuno. But I think that's a ridiculous idea and I'm sure ganun din ang iniisip mo."

Anong pinupunto niya?

"We all know that's not going to work. That's why the school administration were against it. Pero gusto parin nilang subukan kaya wala kaming nagawa. Pero sa pagpasok mo pa lang, malaking kontrobersiya na ang dinala mo."

Tumayo siya at lumapit sa akin. "You were not the chosen one. It was supposed to be your friend. Huli na para pigilan ang host na basahin ang liham ng kaibigan mo. It was broadcasted live kaya mahirap ng bawiin. People already know the result. Nagkaron ng mainit na diskusyon because the powerful nobles wants to pull you out of the school. Iniisip nila ang reputasyon ng iskwelahan. What would the people in the upper castes say kapag nalaman nilang may isang pangkaraniwang tao na nakakasama ang mga anak nila?"

Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan ko habang nagsasalita. "Pero sino bang nananalo kung mga maharlika ang kalaban mo? They pushed the plan and that's why you're still here. Dahil hindi parin nagkakaisa ang lahat, we formed an agreement. Isang buwan ka lang mananatili rito. Babantayan namin bawat kilos mo. Barbs should make sure na wala kang gagawing katangahan." tumigil siya sa harapan ko. Her eyes were sending daggers to me.

"Ngayong Lunes magsisimula lahat. Lahat ng interaction mo with the royalties will be recorded. Dapat planado lahat. We well give you scripts for your dialogues. We'll rehearse everything. How you talk and move around the Princes and Princesses. That's why tomorrow, you need to spend time with all the third generation rulers. Wala na kaming panahon para turuan ka pa tungkol sa kanila. Papatagalin lang nun ang pamamalagi mo rito kaya huwag na. Ikaw mismo ang aalam ng lahat ng gusto mong malaman. Gumawa ka ng paraan para makuha ang loob nila dahil hindi sila mag-aadjust para sa'yo."

"Nasa mga prinsesa at prinsipe na ang desisyon kung papayag silang magsayang ng oras kasama ka. And while you're with them, huwag kang gagawa ng ikagagalit nila. Dahil sa oras na may masaktan o may magreklamo tungkol sa'yo, hindi magdadalawang-isip ang school na iligpit ka at ipatapon kasama ng kaibigan mo." her warning made me shiver in fear. How could she be so cruel?

Evil. The people here are evil. They're going to make me their puppet. Lahat ng gusto nila, gagawin ko. Lahat ng utos nila, susundin ko. At wala akong laban dahil hindi ako makapangyarihan.

Ito pala ang gusto nilang mangyari. Kung pagpapanggap nalang din man ang ipagagawa nila, bakit hindi sila kumuha ng artista? Bakit ako pa? Bakit kailangan pa nilang guluhin ang tahimik naming buhay dalawa ni Doris? At si Dorothy, bakit kailangan niyang madamay?

"I you're thinking of backing out, it's too late. Nasimulan mo na ang unang hakbang kaya hindi ka na pwedeng umatras." nakakapanindig balahibo ang tawa niya.

Nakakakilabot.

"Simulan na ang palabas!" deklara niya. At sa mga oras na yun ay tuluyan naring mawawala ang natitirang kalayaan ng pagkatao ko.

*****

Dear Dorothy,

Pasensiya ka na kung ngayon lang ulit ako nakapagsulat ng diary. Medyo madami kasi akong ginagawa these past few days. Kumusta ka na?

Nagsimula na ang unang araw ko bilang estudyante dito. Ang ganda ng uniform ko. Parang katulad dun sa mga anime na pinapanuod natin. Ang ganda rin ng lecture rooms nila. Ang lalaki at may aircon. Yung upuan nila ang lambot-lambot.

Nasabi ko narin bang ang ganda ng kwarto ko? Doris ang lawak ng silid kahit sobrang laki na nung higaan. Yung bathroom mas malaki pa sa apartment natin. Puno ng damit at sapatos na binili ni Barbs yung walk-in closet tapos palagi niya rin akong tinutulungan magbihis. Siya rin ang umaayos ng buhok ko araw-araw.

Kahapon ay nagpunta kami sa library. Hindi mabilang sa dami yung libro Doris. Nakakalula dahil may mga libro mula sa sahig hanggang sa parang screen na kisame. Tatlong floors ang library nila. Ang daming tables kung saan ka pwedeng magbasa. May elevator rin kung gusto mong pumunta sa ibang floors. High-tech din ang library nila Doris. Pati yung parang kisame doon computerised. At may cafe at mga food stalls sila sa third floor.

Kanina naman ay naglaro kami ng Archery. Ang galing nilang lahat pumana Doris. Kahanga-hanga. Lahat sila naka 10 points. Tinuruan ako ng trainer kung paano humawak ng bow at arrow at kung ano ang tamang postura kapag titira kaya lang hindi ko pa masyadong makuha. Pero sabi ng trainer matututo rin ako pagdating ng panahon.

Pagkatapos nun ay uminom kami ng tea. Ang sarap ng tea nila, refreshing, malayong-malayo sa lasa ng instant tea na binibili natin sa tindahan. Tinuruan rin nila ako kung paano ang tamang pag-inom ng tsaa kapag kasama mo ay mga maharlika. Nakakatuwa silang lahat Dorothy.

Ang bait nila sakin. Lalo na si Barbs. Tinutulungan at tinuturuan nila ako sa lahat ng bagay. Mabilis akong nakapag-adjust dahil sa kanila. Pinaramdam nila sakin na welcome ako dito. Pati mga faculty and staffs, sobrang accommodating.

Hindi ko akalain na pati mga prinsesa at prinsipe ay makakasundo ko. Ang sarap nilang kasama Doris. Matatalino silang lahat. Kinukwento rin nila sa akin yung tungkol sa mga kaharian nila kaya pag-uwi ko diyan, siguradong marami na akong nalalaman at hindi ko na kailangan magtanong sa'yo hahaha.

Sa Lunes ay may gaganapin na dinner na ipapalabas sa tv. Unang beses akong ipapakilala bilang bagong estudyante kasama ang mga royalties. Excited na ako Doris at medyo kinakabahan narin. Hinanda na ni Barbs yung susuotin kong gown at yung iba ko pang kailangan.

Panoorin mo ako ha? Tapos pag-uwi ko diyan, ikwento mo sakin kung anong hitsura ko habang kasabay sila kumain. Sana lang hindi ako magmukhang katawa-tawa sa sobrang kaba sa lunes. Aasahan ko ang panonood mo Doris.

-Kiera

Habang nandito ako sa lugar na ito, paniguradong gagaling ako sa isang bagay: ang magsinungaling.

I'm lying to Dorothy, to the people in my caste and the slaves, and most especially.. I am lying to myself.

*****

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Elite Kingdom UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon