#SA2: "WELCOME TO SHIBUI"
*****
Pag dilat ko ng aking mata, bumungad sa akin ang puting kisame. Napa-buntong hininga na lang ako ng maalala kung ano ang nangyari.
"Mabuti naman at nagising kana." Napatingin ako sa pinto ng may mag-salita mula roon. It's nurse.
Argh! Nasa clinic ba ako? Hindi ko na lang siya sinagot. Bumangon ako mula sa pag-kaka higa sa kama.
"Anong ginagawa mo?" Natataranta niyang tanong sa akin, habang papalapit.
Obvious ba? Mag-papakamatay, sasama ka? Tsk.
"I'm fine." Sabi ko rito.
"Pero mukhang hindi pa okay ang sugat mo sa paa." Sabi niya sa akin.
I just rolled my eyes. "Okay lang sanay naman akung masaktan." Sagot ko na lang rito. Dahilan at napatigil siya. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinagulat niya.
"Hehehe wala." Sabi niya na may malapad na ngiti sa labi.
Gusto ko siyang tanungin na. 'Naka drugs ate?' Kaya lang nginitian ko na lang din sya.
Nang maka labas na ako sa clinic, i realized na nasa loob parin kami ng train. Kailan ba kami makaka dating sa school na 'yon? Buhay pa ba kami pag dumating kami doon?
"Mabuti naman at okay kana." Bungad sa akin ni Mr chan ng masalubong ko siya, habang patungo sa kwarto ko.
"Oo naman po, anong gusto niyo hindi?" Sabi ko na may ngiti sa labi.
Nagulat siya sa sinabi, pero agad din' nawala na napalitan ng isang ngiti. "Ah, hindi naman. Nag-papasalamat ako sayo dahil, nilagay mo sa panganib ang buhay mo para iligtas kami."
Luh! Luh? Niligtas? Anu daw? Natawa ako sa mga sinabi niya. "Hehe, diko alam na may kasama pala tayong naka drugs dito." Ang nasabi ko na lang.
Natawa din siya. "Wala naman hija, may kunting problema lang sa kanya." Ang nasabi na lang niya. "Ah, kailangan mo nang mag-bihis dahil malapit na tayo sa Shibui." Tuloy niya sa sinabi niya.
Finally! After many, many years darating din kami sa paaralan na 'yon. Tulad nga ng sabi ni Mr chan nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Napatingin na lang ako sa paa ko. Nakaka pag-tataka walang bakas ng sugat, o kahit piklat man lang, pero may nag-kasugat 'to. Napa-iling na lang ako. Ang mahalaga ligtas ako.
Never ko pang pinangarap na maging superhero no, anu 'yon para sa kanila? Haist! Never as in NEVER!
"Mr chan, baka pag-tapos ng pag-lalakad na naman' 'to. Sasakay na naman sa barko? Kabayo o anung hayop na naman." Reklamo ko. Ghod! Pag-kababa namin ng train ito na naman kami, nag-lalakad! Ang dami na rin' nag-rereklamong kasamahan ko. Kisyo daw ang mahal-mahal ng bayad ng parents nila maka-pasok lang sa school na 'yon, tapos ganito daw ang lagay nila papunta doon. Wait, mahal? Eh balita ko libre ang tuition doon ah. Tsaka everything, your food, things anything is free.
"Malapit na tayo mga bata." Ang nasabi na lang ni mr chan. Haist! Sinusumpa ko talaga ang gumawa sa paaralan na 'yon, at ito ang naging trip niya.
Ang laki pa naman ng pasasalamat ko kay mr chan, ng sabihin niya sa akin nung sa train na malapit na kami. But i'm mistaken!
****
Woah! As in wow! Nasa fairytale story na ba ako? Nasa tapat kami ng gate nitong shibui academy, gate palang sobrang laki na. Na may 50 plus na gateskeeper na naka bantay dito sa labas ng academy. May nakapalibot na nag-tataasang gusali. Napatingin ako sa mga kasamahan ko, natawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Gusto kung sabihin dito sa katabi kung babae na naka-nganga. 'Teh, tulo laway kana ah' natawa na lang ako sa naisip ko hmmm.
BINABASA MO ANG
Shibui Academy: The School Of All
De Todo"WELCOME TO SHIBUI ACADEMY" Simple lang naman ang gusto kong buhay. Gigising sa umaga, maghahanda para pumasok sa paaralan, umuwi mag-linis at tumulong sa pinakamamahal kong lola. Ni minsan ay hindi ko inisip na maging katulad nila pero, tadhana nga...