"Arranged boyfrㅡ!!!" nabilaukan ako bago ko pa man matapos ang aking sasabihin. Nanlaki rin ang mga mata ni Itay nang mapansing bigla akong natigilan sa pagsasalita.
"Ano'ng nangyayari?" usisa niya.
Umiling lang ako bilang tugon, saka natatarantang tumayo at tumungo sa kusina upang kumuha ng tubig.
"Ilang beses ko ba kasing sasabihin na 'wag kang magsasalita nang puno ang bibig mo???" pangaral niya sa tonong wari'y nag-aalala.
Nahihirapan na akong huminga.
Agad akong kumuha ng baso mula sa tauban at kumuha ng pitsel mula sa REF ngunit sa aking pagmamadali, labis-labis ang aking naibuhos sa baso. Sobra itong umapaw dahilan kaya't naging madulas ang babasaging baso sa aking kamay. Gaya nga ng inaasahan ay kumawala itong bigla mula sa aking pagkakahawak atㅡ
"Catalina!"
Humahangos na tumungo si Itay papuntang kusina.
Sa isang iglap ay namalayan kong nakahandusay na ako sa sahig. Nanlalabo ang aking paningin at tila umiikot ang paligid. Maya-maya pa'y nakaramdam na ako ng basa mula sa likuran ng aking ulo. Hinipo ko ito upang alamin kung ano iyon.
Pula... at violet.
...
Dugo ko ba 'to?
T-teka... Ibig sabihin ba nito... hindi ako purong tao?
H-hindi kaya may lahi akong... alien???
Nanlaki ang aking mga mata sa posibilidad na aking naisip.
...
Charot lang. Nagtimpla pala ako ng grape juice do'n sa pitsel kanina.
Kumapa muli ako sa aking paligid hanggang may napulot akong maliit na bagay.
Piraso ito ng nabasag na baso, na may kaunting bahid ng aking dugo. Hinimas-himas ko nang bahagya ng aking daliri ang matatalim na gilid nito.
"Papasa na yatang pang-sequel ng Final Destination ang nangyari sa'king 'to," naisip ko habang tinititigan ang piraso ng bubog, "Teka, ba't nga uli ako nakahiga ngayon sa sahig?"
Maya-maya'y nakasagap ang aking tenga ng wangwang ng mga pulis. Sa pagdaan ng mga segundo'y napansin kong papalakas nang papalakas ang ingay na tila ba papalapit nang papalapit ito sa amin.
Huhulihin na nila 'yong killer ko, hehe.
"Catalina!"
Muli kong naaninag ang mukha ni Itay sa aking harapan. Bakas ang magkahalong takot at pag-aalala sa kaniyang mukha.
"T-Teka, Itay..." protesta ko nang bigla niya akong buhatin, "Wala akong kasalanan... kaya kong magpaliwanag..."
Pagkasambit ko ng mga iyon ay bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina. Unti-unting nagdilim ang aking paningin. Pinakahuli ko nang namasdan ang mukha ng nag-aalala kong ama, bago dahan-dahang pumikit ang aking mga mata at tuluyan na akong nawalang ng malay.
BINABASA MO ANG
BAKA!! (The Tsundere Chronicles)
FanfictionIsang walang kuwentang kuwento na isinulat para mema-isulat lang. Patnubay ng magulang ay lubos na ipinapanukala sa mga mambabasa.