1: Ang Unang Pagtatagpo

33 3 4
                                    

"Mawalang-galang na ho, Mr. Trinidad..."

Nagising ako sa boses ng aking amang tila may kausap na lalaki.

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata, subalit biglang tumama ang matalim na sakit sa likuran ng aking ulo. Dahil doo'y nanatili na lamang akong nakapikit.

"Eh, apat na araw na ho kasing hindi nagigising ang anak ko."

Nagpasya akong bumalik na lamang sa tulog ngunit hindi ko naiwasang patuloy na makinig sa pinag-uusapan nila.

"Sabi ng asawa ko, baka comatosed raw. Eh, wala naman hong sinabing gano'n 'yong doktor."

Apat na araw na akong natutulog? Bakit? Saka... doktor? Ano ba'ng nangyari?

"Then what am I supposed to do?" sa wakas ay narinig ko rin ang boses ng kausap ni Itay, "I need her by the end of this month. If she doesn't wake up until the end of this week, then I'll get looking for somebody else."

Ano raw? Wala akong naintindihan.

"Kung gano'n, kailangan mo na siya sa katapusan ng buwan at kapag hindi siya nagising sa katapusan nitong linggo, maghahanap ka na ng ibang magiging girlfriend?"

Salamat sa translation, Itay.

...

Teka! G-g-g-g-girlfriend???

Sapilitan kong iminulat ang isa kong mata upang sumilip.

Ha? Wala ako sa bahay. Nasaan ako?

Napakapa ako sa aking kinahihigaan.

Malambot.

Hindi ako sa papag nakahiga?

Nakatayo silang dalawa malapit sa pinto ng kuwarto. Bahagya siyang nakatalikod sa akin kaya't hindi ko makita nang maayos ang kaniyang mukha. Nagmumukhang maliit si Itay kumpara sa katangkaran niya. Medyo kakaiba rin ang kaniyang pananamit. Parang masyadong pormal.

"Or maybe... babawiin ko nalang ang ibinayad ko," pagta-Tagalog niya, sa wakas.

Ha? May bayarang naganap? Para saan?

"'Wag naman ho sana gano'n, Mr. Trinidad," pakiusap ni Itay sa kaniya, "Kaya ko nga ho kayo sana pinapunta dito ngayon."

"Yeah, for what?"

"Maganda ho ba ang anak ko?"

Nanlaking bigla ang mga tenga ko sa narinig na tanong.

"Kainlab-inlab ho ba?"

Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa kaniyang idinagdag. Gusto ko nang bumangon at mag-protesta.

Sobra na ba kaming naghihirap at ibinebenta niya na ako sa isang Sugar Daddy???

"Kasi... baka kailangan niya lang po ng you know para magising."

"You know?" tanong ng lalaki.

"True love's kiss."

Napamulat bigla ang pareho kong mga mata at nanlamig ang aking buong katawan sa laking gulat at takot sa aking narinig. Tinakpan ko agad ang aking bibig upang pigilan ang sarili kong magsalita.

"... kapag hindi siya nagising sa katapusan nitong linggo, maghahanap ka na ng ibang magiging girlfriend?"

Tama. Magtutulug-tulugan ako hanggang sa katapusan ng linggo para mailigtas ang sarili ko.

"Huh? You believe in that kind of fantasy?"

Bahagya niyang tinawanan ang suhestiyon ng aking ama.

"Besides... It's not like I'm in love with her."

"Kung gano'n, siguro kay Luigi ko nalang..." pahina nang pahina ang salita ni Itay hanggang sa hindi ko na ito halos maintindihan, ni marinig.

"She's not allowed to associate herself with any other guy. I already paid."

Ha? Ano ba'ng pinag-uusapan nilang dalawa? Saka bakit nadamay ang pangalan ni Luigi dito???

*pruut~*

Napapikit akong mariin nang mapalingon silang pareho sa aking direksyon.

O. M. G. Bakit ngayon pa ako nautot nang wala man lang ka-warning-warning??? Wala kayong narinig. Wala kayong narinig!

Kumalma ka lang, Catalina. Kunwari natutulog ka lang.

Dinig ko ang pagtunog ng orasan sa namayaning katahimikan. Bawat segundong pumatak ay bumagal na tila 'sing tagal ng isang minuto dahil sa sobra kong kaba.

"It smells," nagsalita sa wakas ang lalaki.

Wala pa rin akong naintindihan.

"Oo nga, ang baho."

Maraming, maraming, maraming salamat sa pag-translate, 'tay. Itinatakwil na kita.

BAKA!! (The Tsundere Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon