HASOLC 3 : Inside The Place She Never Wished To Be In

9 2 0
                                    


Herefordshire Academy : School of Legendary Celestialities 3

"Ano ba! Bitawan moko marunong akong maglakad hindi ako baldado!" hinawi ko ang dalawang pares ng mga kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko. Nakawala ako sa panghahatak nila kaya lumayo ako. Baka hilahin ulit nila ako. Tangina. Tumigil ako at tinignan ang parteng hinawakan nila. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak, namula ng sobra yung balat ko. Tumigil din ang dalawang kawal. Mukhang hindi sila aalis hanggat hindi nila ako nahahawakan ulit. Mga kawal pala yung limang yun. Hindi halata.

Nagpatiuna yung Yunji-munyo sa paglalakad kaya malayo na siya sa amin ng ilang metro. Bigla siyang tumigil pero hindi humarap. "Diba sabi ko hawakan niyo yang babaeng yan? Diba?!" sigaw niya. Ang lakas nung sigaw niyang yun. Punong-puno ng otoridad at mapapasunod ka talaga kaagad pag ganun siya magsalita. Nagsilabasan ang mga ibon sa gubat na nasa magkabilang dapit lang ng daanan dahil sa sigaw niya.

Dali-dali namang pumunta sa direksyon ko ang dalawang kawal kaya ununahan ko na. Sinuntok ko yung nasa kaliwa. Hinawakan ko yung ulo nung nasa kanan tsaka ko silang dalawa pinag-untog. Ayon, tulog!

"Wala pala kay—"

Sht! Hindi nanaman ako makagalaw! Ano nanaman ba ito! Tinignan ko kung sino ang gumagawa sa akin non. Wala akong ibang makitang tao bukod sa ma kawal na nakakabayo at kay Yu— that jerk!

"Hoooooy! Ano bang problema mo ha?! Timang kaba?! Hindi naman kita inaano ah?!" sigaw ko. Masyado siyang malayo sakin. At nakakamangha lang isipin na sa layo niyang halos dalawang metro ay nakakakaya niya akong gamitan ng mahika sa layo ng distansya ko sakanya o sa tao mula sa lokasyon niya.

"Stop talking" yun lang yung sinagot niya kaya mas lalong nag init ang dugo ko.

"Gagu ka pala e! Wala na nga akong ginagawa sayo, tapos ngayon hindi mo ako pagpapasalitain! Bakit?! Sayo ba itong bibig ko?! Ikaw ba may hawak ng katawan ko?! Hindi diba kaya pakawalan mo na ako!" pilit kong kumawala pero sobrang higpit nung mahika niya.

"Akala mo ku—"

Bigla akong umangat sa hangin at parang ang bilis ng mga pangyayare hindi ko naramdaman na binangga niya ako sa isang kahoy. Sa sobrang lakas ng epekto nung pagka untog ng ulo ko ay unti unting humihina ang pandinig ko at lumalabo ang paningin ko. Pilit kong nilalabanan ang antok na magiging isang dahilan na mawalan ako ng malay, pero hindi kinaya ng lakas at katawan ko. "Lesson learned brat" at pumikit na ang mga mata ko.




"What we're you thinking Kale?! Alam mo ba kung gaano ka delikado yung ginawa mo?!" , "Yes ofcourse I do know what danger I could've caused! Ma naman, hindi ko din naman masasama yang babaeng yan dito kung di ko yan binigyan ng tama. Eh ang tigas ng ulo nyang napili niyo eh"

Ah sht! Ang sakit ng ulo ko. Gagu, pati din pala katawan.  Ano bang nangyare?

—tama! Makakatikim sakin yung Yunjimonyong yun pag nakatayo ako dito! Babalatan ko siya ng buhay.

"But still Kale! Alam mong malaki kana at nagbilin kami saiyo ng—" sinong Kale? Sino nanaman yun?

"Yeah, whatever Ma. Paulit-ulit lang naman tayo sa topic na iyan e. Malaki nako, malaki nako, ma, you keep on bugging me that everyday and it sucks." nakarinig ako ng mga yapak papalayo sa dapit ko at pagsara ng pinto. Pamilyar ang boses na iyon. Alam kong pagmamay-ari iyon ng demonyong Yunji na iyon.

Masyado pang masakit ang katawan ko para igalaw kaya binuksan ko na muna ang mga mata ko ng dahan-dahan. Unang nahagip ng mga mata ko isang puting kasuotan. Sobrang elegante nito. Tinignan ko kung sino ang nasa harapan ko pero nakatalikod ito. Backless ang likod niya at sobrang puti ng balat nito. Sobrang perpekto. Parang hindi nakaranas ng ano mang galos sa katawan. Mataas ang buhok niya hanggang bewang. May mga magagandang kulot sa tip ng buhok niya at kulay puti din ang kulay nito. As in lahat ng parte ng buhok niya ay puti. Matanda naba siya? Pero bat hindi kulubot ang balat niya?

"Nasan ako?" yun ang pinaka unang mga salitang lumabas sa bibig ko. Dahan-dahan namang humarap saakin ang babae. At doon ko nakita ang isang napakagandang nilalang. Nananaginip ba ako o baka naman nasa langit na ako dahil sa nangyare kanina?

"Oh. Gising kana pala" nagpakawala siya ng isang napakatamis na ngiti. Sa lahat ng ngiting nakita ko sa buong buhay ko, ngayon palang ako nakakita ng ngiting ganun kaganda. Sing ganda niya. Sa loob ng ilang taong paninirahan ko sa buong bayan ng Hereford na halos lahat ng tao at kababaihan ay kakilala ko na ay wala man lang na kahit na sino ang tumuntong sa lebel ng kagandang niya. Baka nasa langit na nga ako. Tapos siya yung anghel na napakaganda at sumundo sakin.

Ano baaaaa?! Natotomboy ba ako?!  -,-

Inalis ko sakanya ang paningin ko at nilibot ito sa kabuoan ng kwarto kung saan kami nakapaloob. Sobrang lawak ng kisame. Tsaka sobrang layo ng agwat nila sakin. Kung sa parola nga ay halos mauntog na ako don at ang sikip. Dito, semento na nga halos lahat, may bintana pang gawa sa babasaging materyal at napakaganda pa ng mga kagamitan. Teka—ganto ba sa langit?

Kumunot ang noo ko. Binalik ko ang paningin ko sa babaeng yun. Nakatingin pa din siya sakin na para bang inoobserbahan ako sa bawat galaw ko. Pinilit kong itinayo ang sarili ko para makaupo ako sa napakalambot na bagay na aking hinihigaan. Isa pala itong kama. Napakalambot na kama. Ngayon palang ako nakatikim ng kama. Sa karton lang kase ako natutulog.

Biglang sumakit ang tagiliran ko at likod kaya napabalik ako sa paghiga. Tangina naman! Mapapatay ko talaga yung Yunji na yon! Potangina niya siya may kasalanan nito eh!

"Pagpasensyahan mo na iyong si Yunji ah. Medyo mainitin lang ang ulo nung batang iyon kaya ganun siya" sobrang ganda din ng boses niya. Para kang hinehele sa hangin habang kinakausap ka niya o kahit naririnig mo lang ito.

"Halata talagang mainitin ang ulo niya. Ibalibag ba naman ako!" bulong ko sa hangin sabay irap at tingin sa bintana.
Tumawa lang yung katabi kong babae. Pati tawa niya ang sarap sa tenga!

"Ano nga palang pangalan mo Hija?" narinig kong tanong kita kaya napatingin ako sakanya. "Violet" simpleng sagot ko lang at tumango naman siya. "Im Kassandra. But you can call me Kass" at yun nanaman yung ngisi niyang napaka ganda. Matotomboy ako ditttooooo!!!

"Nasan ba ako?" ulit kong tanong. Kanina pa ako nagtatanong tapos di man lang niya sinasagot ang tanong ko. Tsaka kaming dalawa lang pala ang nandito. Sa sobrang laki din ng kwartong ito ay halos mag echo ang boses namin na nag-uusap sa loob.

"Welcome to Herefordshire Academy!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at napatingin sa bagong kakapasok lang ba isang lalaking nakasuot ng napaka kapal ba kapang kulay pula at may korona sa itaas ng ulo nito. Nasa middle 40's na siguro siya. Napaka elegante niyang tignan.
Pero teka—anong Academy?

"Paki-ulit nga ng sinabi niyo? Tama ba'ng narinig ko?"

Tumawa naman yung lalaki habang nakatingin saakin.

"Wag mo sabihing uulitin ko nanaman yung pagpasok ko? Pinaghandaan ko iyon Hija. Tsaka hindi ka nabingi. You are inside Herefordshire Academy. School of Legendary Celestialities"

AM I DREAMING THINGS? IF I AM, PLEASE WAKE ME UP FROM THIS NIGHTMARE!

A/N: Vote and comment. :>
#HASOLC
#ThePalace

Herefordshire Academy: School of Legendary CelestialitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon