HASOLC 2 : Son of the Headmaster McKinsley

7 2 0
                                    


Herefordshire Academy: School of Legendary Celestialities 2

Naging normal lang ang takbo ng kabayo ko. Sinadya ko talaga iyon para mapaghinatay sila don sa parola. Ang parola na kung saan ako nakatira. Namulat ako ng walang mga magulang. Pinalaki lamang ako ng isang taga bayan tapos iniwan din nung akoy namulat na sa mundo. Ni hindi man lang ako pinatikim ng mundo ng magandang kahit isang pangyayare sa buhay kong to. Isang napakalaking kalokohan lang pala ang aking pagkabuhay dito kung gayon. Nakakatawa. Wala pa akong kamuwang-muwang noong mga panahong iyon, pero tignan niyo nga naman. Lumaki ako ng maayos. Lumaki ako ng hindi umaasa sa ibang tao. Lumaki akong marunong ipaglaban at ipagtanggol ang sarili ko.

Hindi kalayuan ay nakita ko na ang mga tinutukoy ni Jasper sa aking mga tao. Tama nga siya. Masyado silang malinis para sa lugar na ito. Hindi sila nababagay dito. Kung titignan sa mga suot nila, napaka elegante at pormal. Kompletos rikados pa sa alahas at mga kagamitan. Kahit nga kabayo nila ay napaka linis. Daig pa kaming mga taong bayan.

Kinabit ko ang tali ng kabayo sa may kahoy malapit lang sa parola tapos ay nilapitan ko na sila.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito Miss" sabi ng isa sa kanila, nakasakay ito ng kabayo at parang iba kung makatingin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at dinuro siya habang natatawa. Yung tawang nang aasar.
"Wag mokong tanungin nyan boi. Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan. Bat kayo nandito? Anong kailangan niyo? Diba maayos naman mga buhay niyo dun?" tinuro ko ang academyang hanggang dito ay maaaninag mo.

"Aba't arrogante ka ah! Ke babae mong tao! Sino kaba sa tingin m—" susuntukin na sana ako ng isang kasama nila ng masalo ko yung kamay niya. Dahan-dahan kong pinaikot-ikot ang kamay niya hanggang sa mapa aray at mamilipit siya sa sakit. "Hindi ako basta-bastang babae lang, yan ang tatandaan niyo!" ibinalibag ko siya sa lupang kinatatayuan namin ngayon. Para siyang timang na asong mag mukha tao na namimilipit at nagpapagulong-gulong sa lupa habang iniinda ang sakit.

"Wag na wag kang magtatangkang gumawa ng gulo dito sa bayan ko kung ayaw mong umuwi don sa palasyo niyo ng naka kabaong" tinignan ko muna ang taong nakahandusay ngayon sa harapan namin tapos ay tinadyakan ko ito sa tiyan. Binigyan ko naman yung apat na natitira ng masasamang tingin. Lima silang mga lalaki. Yung apat, parang takot na takot pa sa nakita nila kaya nagsi atrasan sila maging ang kanilang kabayo.

Nawala ang atensyon ko sa kanilang lahat ng may marinig akong yapak ng paa papalapit sa amin. Liningon ko ang pinanggalingan ng yapak na iyon.

"What a precise show. I could watch that all day" nakatitig lang ako sa bagong kakarating na lalaki. Ibang iba ang suot niya sa mga lalaking kaharap ko kanina. Naka itim siya na turtle neck at isang itim din na pants at combat shoes. Magulo ang buhok niya pero hindi mo masasabing masama ang dating nung ganung klaseng porma sakanya. Matangkad siya at pormal kung maglakad.

"No wonder" napakalamig at mahamog ng boses niya. Sa sobrang lamig ay parang mamanhid ka pag kinausap mo ang taong to. Walang ka expression expression ang mukha niya ng sabihin niya yon hanggang ngayon.

"Wag kang mag ingles dito. Alam mo namang hindi ka maiintindihan ng mga taong taga bayan" sambit ko sakanya. May kasamang insulto yun para sakanya at alam kong naramdaman niya yun. "Bakit? Am I talking to your neighborhood? Im talking to you bitch"

"Aba—!" susugurin ko na sana siya, ng biglang nagbago ang kulay ng mga mata niya. Mula sa nakakalulang itim ay mapalitan ito ng gray na parang may kuryente sa loob. Bigla kong naramdaman na nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw. Pilit kong kumawala sa kung ano mang mahika ang ginagamit niya sakin para manigas ang buong katawan ko.

Ngayon ay mas lalong lumala ang nangyayare, iningat niya ako sa ere at nagsimula ng manikip ang leeg ko. Hindi na ako makahinga ng maayos.

Tangina... dito na to magtatapo—

"Wwoooooooohhhh" bumawi ako sa mga hanging nawala sakin at umubo ng makailang beses habang hawak-hawak ang leeg ko. Nang makabawi ako ay tinignan ko siya ng masama.

"Walanghiya ka!!" sigaw ko sakanya. Tumayo ako at binuksan ang aking mga palad. Ramdam kong nagbabaga ang mga kamay ko ngayon. Yung mga mata ko nag iiba ang kulay ng mga nakikita ko. Pula. At alam kong nagbabaga din ito. Apoy. Iyan ang kapangyarihan ko bukod sa kaya kong basahin ang isip ng isang tao.

"Kung walanghiya ako, ano nalang kayang tawag sa isang katulad mo na ke babaeng tao, sobrang lakas ng loob makipagtalo sa lalaki?" natibag ako sa sinabi niya. Naapektuhan ba ako? Kung oo man, hinding-hindi ko hahayaang ito ang magiging kahinaan ko.

May pumaskil na ngiting aso sa mukha niya. Ngiting nang-iinis.

"Ano bang kailangan mo?! Kung nandito ka para mang insulto at manakit, bumalik kanalang sa pinanggalingan mo baka hindi ako makapag timpi, mapatay kita!"

Nilapitan ko siya, nawala ang mga apoy sa kamay ko, kaya kwenelyuhan ko siya. "Isa pa, hindi bagay ang lugar nato para sa mga taong katulad niyo. Mga katulad niyong walang ibang ginawa kundi ang magpakasarap doon, at kalimutan ang bayan na kinatatayuan ng lecheng academyang yan!" sigaw ko sakanya.

"Oh sige. Kase mukhang hindi ka nakakaintindi ng ingles, tatagalugin ko para sayo. At alam kong hindi nga kami nababagay sa maduming lugar na ito" nakikita ko sa mga mata niya kung paano niya kamuhian ang lugar na tinatapakan niya ngayon. Hinawi niya ang kamay ko kaya natanggal ang pagkakakwelyo ko sakanya. Kinuyom ko ang magkabilang kamay ko.

"Wala kang karapatan para sabihin ang mga katagang binitiwan mo! Isa ka lang di hamak na pobreng nakatira sa bayang maging ang mga tao ay katulad mo!"

Natibag ang puso at ang matibay na pader na matagal ko ng ginawa para kahit anong sabihin ng mga tao ay hindi ako masaktan. Parang dahan-dahan akong nanlumo sa sinabi niya.
Mas lalong nagbaga ang nararamdaman ko kaya hindi ko napigilang paulanan siya ng apoy.

Hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako nakuntento. Hanggang sa hindi pa humupa ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Nang mapagtanto ko na sobra sobra na ang ginagawa ko ay tumigil na ako.

"Sino ka ba ha?!" tanong ko habang nakatingin sa mga ulap ng makakapal na usok dulot ng ginawa ko.

May naaninag akong isang pigura ng isang tao. Nakatayo siya at hindi natibag sa kinatatayuan niya kanina. Nawala ang usok, at nakita kong hindi man lang siya nagkaroon ng kahit ano mang galos at pagkapaso sa katawan niya.

Anak ng?! Napaka rami na non!

Isang ngiti ang kumurba sa bibig niya. Ngiting nakakapagpakaba. Ngayon lang ako nakabahan ng ganto ng dahil lang sa isang ngiti. Kakaiba ang dating kung pano siya ngumiti. Parang may dala itong piligro. May dalang malas. May dalang masamang hangin.

"You dont know me?"

"Kailangan bang kilalanin ka? Ano bang pinaglalaban mo? Kahit sino ka man wala akong pakealam! Sa pagkakaalala ko hindi ka naman ganun ka importante para kilalanin" I sarcastically said.

"Yunji Kale McKinsley. Son of Headmaster McKinsley. You just putted yourself in great danger brat. Get her."

A/N: Lameeee HAHAHAHA.
What do u think? Comment :>>>
#VioJi
#Waley hahaha

Herefordshire Academy: School of Legendary CelestialitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon