Chapter 32

40.9K 1.1K 117
                                    


Love

Nagising nalang ako sa puting kwarto..Hindi ko alam kung nasaan ako..

Igagalaw ko na sana ang katawan ko pero may bigla nalang nagsalita..

"Gising ka na pala.."

Nanigas ako sa kinahihigaan ko dahil narinig ko ulit ang boses na yun..

Nang lingunin ko siya sa gilid ko ay agad na bumalik ang lahat nang nangyari...Lahat lahat..

"E-Ethan.." nanginginig yung boses ko dahil naiiyak na naman ako

"Muntikan ka nang mamatay dahil nagpakalunod ka..Kung hindi siguro kita nailigtas , baka wala ka na ngayon.." malamig niyang sabi

Tumulo nalang bigla ang luha ko dahil sa mga sinasabi niya..

"Kung ganun , bakit mo pa ako niligtas?Bakit mo pa sinagip ang buhay ko kung sinadya ko namang magpakalunod kasi gusto ko nang mamatay at mawala sa mundo.." umiiyak ko sabi

Napatingin naman siya sa mga mata ko..

"Ang sakit , Ethan..S-Sobra..Iiwan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan.Nasasaktan ako kasi para akong tanga eh.Well , tanga nga naman ako diba?Kasi nagmahal ako ng kagaya mo..Nagmahal ako ng tao na may mahal palang iba...Naglaho lahat Ethan..Yung dating ako , yung mga ngiti ko..At lalong lalo na ang puso ko..Kasi binigay ko yun ng buo sayo , pero binalewala mo.."

Walang emosyon niya lang akong tiningnan..Na parang walang pakialam na umiiyak na ako sa harapan niya..

"Alam mo?.Unang beses ko toh.Kaya siguro sobrang sakit kasi ikaw yung unang lalaking minahal ko..Ganito pala ang pagmamahal noh?Hindi mo alam kung kailan tama at kung kailan mali..Kasi kapag nagpakahulog ka agad , hindi mo malalaman na wala na palang sasalo sayo.."

Umiwas siya ng tingin sakin..

Mas lalo nalang akong napahikbi dahil parang ayaw niya pa akong pakinggan..

"Siguro kahit kailan hindi ka talaga naging masaya sakin..Kasi mahal mo pa yung ex mo diba?Ay hindi pala , girlfriend mo na pala kasi ako na yung ex saming dalawa..Ako na yung nasaktan kahit ako yung nagparaya sa inyong dalawa..Ako yung nag hihirap kahit minahal lang naman kita..Nagpadala ako ng sobra kasi ang inakala ko , kaya ko..Inakala ko , na mahal mo ako.."

Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang mga kamay ko habang umiiyak at humihikbi..

"Bakit mo bah toh nagawa sakin , Ethan?.Sana hindi mo nalang sinimulan kung bibitaw ka rin naman!" sigaw ko at hindi parin tumitigil sa pag iyak

"May malaki akong dahilan , Kath..Sobrang laking dahilan para gawin ko toh sayo..Mas mabuting kamuhian mo na ako ngayon palang , para sa oras na lumabas ang katotohanan..Hindi ka na masaktan..Galit nalang nag mararamdaman mo para sakin..Kasi yun ang dapat , simula pa lang.."

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya..

Ano bang ibig niyang sabihin?.Wala akong maintindihan!

"Alam mo bang gusto kitang saktan?Sampalin?.Ipamukha sayong sinayang mo ang babaeng minahal ka ng sobra..Pero lahat ng yun hindi ko magawa..Kasi mahal ka nang puso ko kahit na galit sayo ang isip ko!.Nagtatalo na sila..At hindi ko alam kung alin ang papanigan ko.." umiiyak kong sabi

"Panigan mo ang dapat..Magalit sa sakin..Saktan mo ako.Nang hindi ka na nagkakaganyan.."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan siya sa mata..

"Kung ano man yang dahilan mo..Sana tama ang desisyon mong gawin toh sakin..Kasi sa oras na malaman kong mababaw lang ang dahilan mo , makikita mo ang totoong galit ko.."

Akala ko iiwas lang siya ng tingin pero nagtaka nalang ako ng makita ko ang nagbabandayang luha sa mata niya..

Gusto kong itanong sa kanya kung nasasaktan bah siya..Pero natatakot ako sa isasagot niya..

Umiwas siya ng tingin at tinalikuran na ako..

"Magpagaling ka nalang...Lalabas na ako at si Jayce na ang bahala sayo.." aniya at lumabas na

Napatulala nalang ako ng wala sa oras..

Ang mata niya..

May ibang sinasabi ang mga mata niya..

At sigurado akong totoo ang lahat ng yun..

Pumasok si Jayce na may pag aalala sa mukha kaya agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Pinag alala mo ako!.Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" aniya at hinawakan ang mukha ko

Hindi na ako umimik at tiningnan lang siya..

"Ano bah kasi ang pumasok diyan sa isip mo at gusto mo pa talagang magpakalunod!.Alam mo bang doble pa ang pag aalala ko dahil isinugod na daw si tita sa ospital!" problemadong aniya

Napakunot nalang ang noo ko..

"Anong nangyari kay mommy?"

"Okay na siya..Nanganak na kasi siya kaya siya isinugod ni tito sa ospital..Hinanap ka pa nga niya sakin pero nandito ka ngayon sa ospital at nagpapahinga kaya wala akong nagawa kundi ang mag sinungaling nalang sa kanya na busy ka.."

Napabuntong hininga nalang ako at napahiga ulit dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko..

"Dalawang linggo nalang , graduation na namin..Kailangan ko nang ayusin ang papeles ko.." sambit ko

"Papeles?.Bakit , saan ka naman pupunta?" takhang aniya

Tiningnan ko siya sa mata at malungkot na tiningnan..

"Sasama ako kina mommy sa England..Doon na muna ako titira kasama sila.."

Matagal ko rin pinag isipan ang lahat..Bago pa man mangyari toh..Napag usapan na namin ni mommy ang paglipat namin sa England..Hindi ko alam kung ilang taon kami roon , pero siguro hindi rin naman kami magtatagal..

"Sigurado ka na bah diyan?"

Huminga ako ng malalim bago tumango..

"Sigurado na ako sa lahat ng desisyon ko.."

Pati na rin sa paglimot ko sa lahat ng meron kay Ethan..

Iiwan ko ang nakaraan..At mananatili ako sa hinaharap..

Love can hurt me..But not forever..



My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon