Chapter 81

24.9K 674 106
                                    


Problema

"Ma'am Kath , ito na po yung mga pinapakuha niyong papel.." sambit nang bagong sekretarya ko

Naisip ko lang naman kasi na magkaroon nang sekretarya dahil sa dami na nang branches nang restaurant ko , hindi ko na din alam kung kakayanin kong mag isa ang pag aasikaso dito..

"Sige , salamat.." sambit ko bago kinuha ang mga folder na dala niya

Ilang minuto ang lumipas ay naisipan ko munang mag online sa facebook..

Syempre , updated pa rin ako kahit minsan hindi ko na naiisipang mag facebook..

Habang nag so-scrolldown ako at tumitingin tingin sa mga bagong post nang mga kaibigan ko noon ay bigla nalang akong napatigil nang may makita akong bagong upload na pisctures ni Carl..

Yung kasama ko sa banda noon..

Napataas nalang ang kilay ko nang makita ko ang kasama nitong babae sa pictures na halos magkalapit na ang mukha nila!

Kitang kita mo din sa mga mata nila yung saya na para bang kakabati lang nila?

Binasa ko naman agad ang caption nito na mas nagpagulat pa sakin..

"Because of her I learn how to love and trust a person."

Napairap nalang ako dahil sa kalandian nang babaeng 'to..

"Tsk!Grabe ka din Ethan , ipagpapalit mo na nga lang ako , sa malanding katulad pa nito..At kayo pa talaga ni Carl ang pinagsabay?Ang kapal talaga nang pagmumukha!.Kala mo naman sobrang ganda , mas maganda pa din naman ako..Saan mo bah 'to napulot at ganito ka walang hiya!" halos sumigaw na ako sa opisina ko habang nakatingin sa pictures ni Carl at Cindy na magkasama

Nang tumunog naman ang phone ko dahil sa tawag ni Jayce ay agad ko naman itong kinuha..

Sasagutin ko na sana yun nang bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Ethan..

Halos mapatayo pa ako sa malakas na pagbukas niya nang pinto..

Halos masira pa nga eh! >.<

Nang isara niya ang pinto ay agad akogn nagsalita..

"Ano bang nakain mo at gusto mo pang sirain ang pinto ko!" galit kong sabi

"Mamaya mo na akong pagalitan tungkol diyan at may kailangan kang malaman sa lalaki mo!" galit niya ring sabi

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya..

"Ano na naman bang pinagsasasabi mo?" tinaasan ko siya nang kilay

"May ibang kasamang babae si Jayce kanina..At may bata pang kasama!." 

"Ano naman kung meron siyang kasamang babae?"

"Hindi ka bah magagalit?.Hindi mo bah siya susugurin pati yung babae niya?.Kathlyn , niloloko ka nang fiance mo!.Isipin mo naman yung mga anak mo..Kung hindi ko lang siguro napigilan ang sarili ko sa pagpatay sa lalaking yun , hindi lang bugbog ang nakuha niya.." aniya

Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin sa kanya..

"B-Binugbog mo si Jayce?!" gulat kong tanong sa kanya

"Tsk!.At concern ka pa sa manlolokong lalaking yun?.Seryoso ka bah diyan , Kathlyn?" aniya na parang disappointed sakin

"Manlolokong lalaki?.Hindi mo bah naisip na pati yung girlfriend mo na si Cindy , may iba ding lalaki?" tiningnan ko siya na ngumisi naman ako

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon