Chapter -5-

35.2K 709 3
                                    

Buong araw akong badtrip dahil sa iba't ibang parinig. Nagpipigil ako dahil ayaw kong dagdagan ang pagkasira lalo ng pangalan ng ama ko.

"Nag aaral ka pa pala? Akala ko puro lang kabulastugan ang alam mo." bati sa akin ni Landon. Anong ginagawa nya dito sa tambayan ko. Bored akong tumingin sa kanya. Habang hinawi ang tumakas na buhok ko.

"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko habang tiniklop ang librong binabasa ko. Nakatitig lang sya sa akin habang nakalagay ang isang daliri sa mga labi nya.

"Maniningil ng utang." seryosong sagot nya. I rolled my eyes. May pagka isip bata din pala ang lalaking ito. To think na 20 years old na sya. I'm 19 years old. 4th year na din sya, Engineering ang course.

"Wala akong utang sayo." sabi ko at tiningnan din sya ng masama pabalik. Tumabi sya sa upuan ko aat hinawakan ang baba ko.

"Meron. Nawala ang pinakamamahal ko dahil sa kawalangyaan mo."gustong gusto ko na syang batukan pero pinigilan ko lamang. Napatigil ako ng bigla nya akong hinalikan sa labi. Sa bilis ng pangyayari di ko alam ang gagawin ko.

Una smack lang pero maya-maya'y naramdaman ko na ang paggalaw ng mga labi niya. Pinilit kong itulak ang katawan nya pero mas lalo nya pang diniin ang ulo ko at kinagat ang labi ko dahilan para maibuka ko ito.

"Hmmmmmp." ang sarap nya humalik at pakiramdam ko nanghiihina ang buong kalamnan ko. Kung nung una marahas, maparusa at masakit ang paghalik nya, dahan dahan itong nag iba. Biglang naging passionate ito. Marahan at masarap na mga halik.

Dahil sa sarap ng mga halik nya, naramdaman ko nalang ang sarili kong mga labing ginagaya ang bawat galaw ng mga labi niya. I am kissing him back. Dahilan para mapangisi siya habang nakadikit ang mga labi namin. Pinagbuti nya pa ang paghalik na para bang sabik na sabik na para bang ngayon nya lang natikman.

I stopped kissing when I realized. It was my first kiss. My first freaking passionate kiss.

Natigilan din sya at inilayo ako sa kanya. Habang habol ang hininga naming dalawa. I saw a victorious smile written on his kissable lips.

"Paunang bayad pa lang yan sa utang mo sa akin, Mandy Allyson Saadvera. Maniningil ako sa susunod na araw." bigla akong nanghina sa narinig ko. Pakiramdam ko ang baba ko. Kasunod nun ay ang pagkawala nya sa harapan ko. Kung gaano kabilis ang kanyang pagdating ganun din kabilis na nawala sa paningin ko.

Ang kilala kong Mandy Allyson Saadvera, matapang, matigas ang ulo at hindi magpapatalo pero bakit pagdating sa Landon na yun nawawala ang enerhiyang nakapaloob sa katawan ko.

Pagkatapos ng klase, umuwi na ako sa unit ko. Since wala na akong kasama, nag iisa lamang akong naglalakad at kumakain. Hindi ko na din nakita si Landon after that scene sa Greenhouse.

The DARE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon