The Hidden Mystery

3 0 0
                                    

"Hello bata." anang isang matandang ginang na nasa harap ko. Ako'y ngayo'y naglalaro ng swing dito sa parke ng Sitio Beta na aming binisita nila mama, kuya at ang kambal kong lalaki ngayong araw. Sayang, isang araw lang kami dito. Andito lang naman kami para sa pagdidiwang ng kapanalohan ng best friend ng mama ko bilang isa sa mga honorableng opisyales ng Sitio na ito. At eto din daw yung for the first time na hindi nanalo si Mr. Greg na siyang consistent na nadadala lagi sa mga nananalo sa eleksyon. Si Mr. Greg ay hindi ko kilala, pero ayon kila mama at ang bestfriend nito, he only runs for his name and for the devil. Malaking tuwa nila ng hindi siya nadala sa ngayong eleksyon, at iyon ang implicit na rason ng kanilang celebration.

"Yes po?" ani ko pabalik sa matanda.

Ngumiti siya sa akin. "Bata, gusto ko lang na ikaw ay tanungin ng isang mahalagang tanong na aking nakikita sa iyong puturo." lumapit ito at tumabi sa akin sa kabilang swing "Saan ka mas natatakot, sa multo o sa tao?" tanong niya sa akin ngayo'y di na siya makatingin.

"Sa multo po." sagot ko. Hindi pa din siya nakatingin. Doon siya sa malayo nakatingin.

"Iha, wag kang matakot sa multo. Matakot ka sa tao. Dahil ang tao, sila ang nagiging dahilan ng mga multo dito sa mundo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka lagi." aniya. Tinignan ko siya sa kabilang swingpara sana ngitian siya, pero wala na siya. It can't be. Matanda na siya, she can't run that fast. Maybe it's hallucinations again, eto kasi ang nakukuha ko sa paglalaro sa computer games na inempluwensya sakin ng kambal ko.

But what she said, matakot ka sa tao. Dahil ang tao ang dahilan ng mga multo sa mundo. I get it, bad persons maybe the reasons why there are lost souls. Pero bakit ako mag-iingat? Will I be a lost soul someday or am I a bad person in the future?

That memory didn't ever vanished.

BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon