±1±

2 1 0
                                    

"Ano na, Malu! Sasama ka na samin next week? Tapos naman na semester exams natin eh, it's time to rewind." imbita ni Danila sa akin.

"Sino-sino daw ba ang sasama?" tanong ko. Ang alam ko kasi ay mag bobonding kami sa isang place ng one week kasama ang tropa. Pero hindi pa man din na finalize kung saang place pa iyon, kaya hindi muna ako nagye-yes.

"Tayong lahat. Si Eya na hard working, ako na marupok, Si Harlix na ex mo, si Jant na gwapong kambal mo, si Steban na babaerong MU ka daw, at si Lu na mapagmahal na bakla. At ikaw na pinakamatalino kong kaibigan sana. Kumpleto ang Petmalu Squad!" masiglang ani niya. Ngiting-ngiti na ito ngayon sa akin.

"Sigurado na yan? Sasama si Jant?" tanong ko. Rest assured, papayagan ako nila mama at kuya na gumala nito dahil sasama naman ang kambal ko.

"That's what he said oh." pinakita pa nito sa akin ang texts nila. "Oh ano, sama ka na please?"

Huminga ako ng malalim. "Sige, sama na ako. Mapilit ka eh, kahapon ka pa." at tumawa kami.

"Sabi ko na nga ba, Malu eh. Hindi mo matitiis ang isang katulad ko. Crush mo talaga ako no?" biro niya. Tumawa nalang ako sa kakornihan.

"Wait lang, Dani. Saan pala tayo pupunta?" tanong ko. Kasi for the actual moment, Hindi ako updated. I deactivated all my accounts after me and my ex-boyfriend Harlix had a breakup just a week ago.

"Sa Sitio...ano.. Sa saan nga iyon.." tinignan muna nito ang kaniyang cellphone. Ay, na finalized na pala nila, akala ko kasi hanggang ngayon ay naghahanap pa din sila ng place na pupuntahan namin.

"Sitio Beta." sagot niya. Napatahimik ako bigla.

Matagal na din ako na hindi nakadalaw doon. Ang huli kong balik doon ay yung pag-aattend namin ng burol ng bestfriend ni mama. Opo, yung opisyales sa sitio na best friend ni mama po yung namatay. Hindi ko alam ang ikinamatay ni tita, basta nagulat na lang daw sila ng isang araw hindi ito umuwi tapos sa susunod na araw ay umuwi ito at nagkulong sa kwarto niya at namatay nalang. Walang sugat pero agnas na agnas. Siguro bangungot? Hindi ko alam. Since then, hindi na kami pumupunta doon. Mom maybe had a bad memory of losing her best friend doon e. 5 hours ang biyahe mula dito sa amin patungo doon. Malayo, dahil iyon ay hindi masyadong kilalang lugar. Maganda doon sa Sitiong iyon, the old fashion style was seen every where. Napaka old fashion doon, parang binalik ka lang sa oras. Something modernized ay hindi mo makikita kung andon ka. They preserve old fashion and a classic Sitio. Such a beautiful mystery they preserve.

"And oh wait, isasama pala ni Steban ang girlfriend niya. Ah, eto na naman. Another babae na naman eto, hindi din naman sila magtatagal. Knowing how many girls Steban putted on a date tapos wala din namang pinatutunguhan? He really creates failed relationships everytime. He sucks." Danila rant. Steban doesn't works for his relationship to last, all he does is left all the works for the woman to handle. He's a chillax kind of man, you can't do this? you can't do that? you can't be like that? you can't be like this? He'll dump you. Napaka-mapili sa girls but at the same time, he never loved any. Then after he dump you, sooner or later ay may bago na naman ito. See?

"Buti na lang never naging kayo, Mals. Buti pa si Harlix. Cold na tao, pero nagmimelt sayo." aniya pa. Steban used to be the second reason why I dumped Harlix. Steban used to show me so much affection and used to tell me he likes me, I assumed it was true pero nah, umasa lang ako. Buti na lang ay wala talaga akong feelings sa kaibigan.

"Forget that, Dani." I said. "Where are they, by the way?" I asked out of curiosity, 10 minutes na lang magsa-start na ang first class namin sa Biology.

"Minsan late, minsan absent." sagot nito sa akin. Napailing na lang ako at bumalik sa upuan ko.

"Uy alam niyo na ba yung pinag-uusapan?"
"Kalat na kalat na iyon. Panong hindi?"
"Karumal-dumal."
"Kawawa naman si Z."
"Ay sobra. Sinabi mo pa."
"Girl crush ko pa naman siya. Sayang niya."

Napatingin ako sa mga chismosa kong kaklase na nasa sulok, dahil na din nakuha nila ang aking atensyon sa kanilang mga chinichismisan. They're talking about Z, the most famous girl in the University and once labelled as the queen of cheerleading.

"Mals!" sigaw ni Dani sa akin at biglang pumunta sa aking tabi dala-dala ang kaniyang cellphone.

"Mygahd, you should see this." she handed me her phone. There was a link said, "Exclusive: Z Perez, natagpuang patay! May siyam na saksak sa katawan at dalawang putok ng baril sa ulo at tyan."

Agad naman nagsipagtayuan ang aking balat. No, this can't be. Nakausap ko pa si Z last week before I dumped Harlix. Z is Harlix's ex girlfriend before me. They are both famous kaya madaling naging sila. And she's actually the most and foremost reason why I dumped Harlix.....because......

Z is pregnant. Harlix is the father.

This can't be true. She can't be this dead person on this link. Pipindutin ko sana ang link to clarify if it's really Z's body but before I clicked the link, pumasok na ang professor namin sa Biology.

Bumalik na si Dani sa kaniyang seat at huminga ako ng malalim. Buong klase ay hindi nawawala sa utak ko si Z.

© 2018

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon